Paris' PoV:
"Yes, Mommy. Tama ang pagkakarinig mo. Paris and I are really married. Ngayon lang." Autumn seems proud while saying that. Kinuha nya ang kamay ko.
"Here's our ring. But it's a temporary one since biglaan. We decided that we can't afford to lose a day na hindi kami mag-asawa. Kung kaya't minadali ang marriage namin."
Mahahalata ang gulat sa mukha ng magulang nya. Mygoodness, this woman is really one of a kind. She told her parents about our marriage as if it's just a normal thing. Hindi man lang ba sya natatakot sa magiging reaksyon ng parents nya?
Ako kasi ang nababahala lalo na't hindi maalis ang tingin sa akin ng Mommy nya. Para akong isang produkto na iniiscan ng isang mamimili. She's intently staring at me as if she's memorizing every part of my body.
Parang inagaw ko sa kanya ang isang bagay na kanyang pagmamay-ari.
"Why didn't you make sabi to us at nang maging guest mo kami? You know, we want to be one of the saksi to our only daughter's kasal." Her Mommy said. She seems stress. Parang nagpapanic na sya. Mabilis na dinaluhan sya ni Miss Avril.
"Ally, r-relax ka lang."
"Relax? How?" Ramdam na ramdam ko ang diin sa tono ng kanyang boses. She turned to my side. "You! Mag-uusap tayo."
I looked at Autumn's side to seek for help but to my dismay, inirapan nya lang ako at ngumisi ng nakakaloko.
"Bahala ka na riyan." She mouthed. I groaned. Argh! Is this her way para bumawi sa akin? Dapat pala ay umalis na ako agad.
"Follow me." Maawtoridad nitong turan. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko bago tuluyang sumunod sa kanya.
Damn it. For an unknown reason, grabeng kaba ang nararamdaman ko. This is my first time to feel it.
Get a grip of yourself, Paris. Wala ka namang ginagawang masama. May ibang tao ka pang nakausap na mas mataas ang posisyon kaysa kay Miss Allyson. Kalma.
We stopped infront of a room. Napag-alaman kong nasa isa kaming library nang buksan nya ang loob. Kasama rin namin si Miss Avril samantalang naiwan si Autumn sa living room.
"Sinabi ko bang umupo ka?" Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. Her eyes are telling me something. Her lips is forming a tight lip smile.
"I'm sorry, Miss." Paghingi ko ng paumanhin at tumungo. No wonder, alam ko na bakit mataray at masungit ang dinosaur na 'yon. May pagmamanahan naman pala kasi.
"No, it's fine. You can sit anywhere. Make yourself comfortable, Paris." Nakangiti si Miss Avril habang nakatingin sa akin. Mabait at magaan ang vibe ko sa kanya.
Her wife groaned. "Argh! Don't be easy on this woman, Avril. Alalahanin mo na ganto rin si Mommy sayo dati."
Hmm... I get it now. Mukhang nakaranas din si Miss Avril ng interrogation dati.
"When and where kayo na nagmeet ng babygirl ko? I want the exact time and place. Don't even bother to lie to me." Mariin nitong turan at pinanlisikan pa ako ng mata.
I gulped. Parang nablangko ang isipan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kahit na kinakabahan, pinanatili ko pa rin ang aking tingin kay Miss Allyson.
I read somewhere na the more na umiiwas ka ng tingin, the more na magiging suspicious kang tignan.
"I'm waiting for your sagot, Missy. Mygoodness. I really hate na pinagwewait ako. Nag-iinit ang blood ko ng mega duper." She said in a duh tone. Magkasalubong na ang dalawa nyang kilay habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Love-struck
Teen FictionAutumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beauty of a goddess and a body to die for. She has an hourglass figure kung kaya't marami ang naiinggit s...