TBM

153 22 1
                                    

--

Finally, after two weeks of waiting. Ito ang unang araw ko as a Celebrity Manager. Wait hindi nga pala ito ang unang beses dahil meron na akong nahawakan noon...

"Yzabel!"

"Yes---"

Napababa ang tingin ko sa susi na binato sa'kin nang akin kasamahan. Tinawanan lang ako nito.

"You can't even catch that? Tsk! Makinig ka kasi"

Isang irap lang ang akin sagot sakanya. Bago ko dinampot ang susi na kanyang inihagis sa'kin. Napaka bastos talaga nang ugali.

"Ano pang hinihintay mo? Open the door, Yza" Utos nito sakin. Siya ba ang nagbabayad sakin? Eh kung tuplakan ko na kaya tong lalake nato.

Bakit hindi nalang yun handle niya ang asikasohin niya?

"Yza, narinig mo ba ang sinabi ko? Open that damn door!" Sigaw nitong tukmol na si Ralph.

Muli ko siyang nilingon na may inis sa mukha. Ngunit nawala din yun nang napadako ang tingin ko sakanya likodan na si Abby Trinidad. Hindi ito nakatingin saken, kundi sakanyang phone. May nakasalpak na earphone sa kanyang tenga.

That's Abby Trinidad! She's a part of the group "MNLGirls" at isa din siya sa pinaka sikat. Sakanilang groupo.

She's so pretty...

Kahit hindi ito nakatingin sakin. Kitang-kita ko ang kagandahan ng kanyang mukha. Seryoso lang ito nakatingin sa phone niya.

"Come on Yza, open the door. Paghihintayin mo ba kami?" Saad ni Tukmol na Ralph. Nagtataka lang ako dahil parang wala lang kay Abby nang akbayan siya ni Ralph.

"O..Ohh okay!"

Pagkabukas ko ng pintuan ng sasakyan. Muli akong lumingon sakanila. Nakatingin sakin si Abby na parang hinihintay ang pag alis ko.

"Anyway..."

Pumagitan si Ralph sa amin dalawa ni Abby. Nalipat ang tingin nito kay Ralph.

"Abby, This is your new...."

Sa sobrang excited ko magpakilala. Hindi ko na kanyang pataposin si Ralph. Ano siya lang pwede mag papansin? Syempre ako din.

"Hello! I'm Yzabel Divinagracia, and I'm fan...."

'Di manlang ako nito pinatapos. Dinaan lang ako nito, mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan at malakas na isinara to.

Halos malaglag ang panga ko sa ginawa niya.

Ang bastos pero alam ko naman...

She's colder than I thought...

Akala ko usap usapan lang. Totoo din pala.

Infairness ang bango niya, mas gugustohin kong dumikit sakanya.

"Kung inaakala mo madali lang pakisamahan si Abby, nagkakamali ka Yza" Seryosong saad ni Ralph.

"What do you mean about that?"

"Hanggat maaari, huwag mo'ng hahayaan na masunod at gawin niya ang gusto niya. Kaya ka namin kinuha dahil alam namin na kaya mo gawin ang trabaho mo"

"As usual..."

"Ang gusto namin mangyare dito. Gawin mo lahat kay Abby, lahat nang ginawa mo sa dati mong talent artist"

--

THE BAD MANAGER || ABYZ Where stories live. Discover now