Unfollow
Nakabusangot ako habang sinasara yung payong pag pasok sa building ng school. Tanghaling tapat pa talaga kasi naisipan ng mga mababait kong kaibigan na mag enroll. Buti nalang talaga free ang driver namin ngayon kaya konti lang ang pinayong namin
"Otw na daw si Majo" Naka ngising share ni Law.
"Otw pero papasok palang sa banyo yan"
Natawa naman sya habang tumitingin sa kabuuan ng field.
May konting estudyante at mga parents, siguro mag eenroll din. May nakita din akong mga familiar faces.
"Kamiss school" Sabi nya habang umupo sa bench na walang sinag ng araw. Tirik na tirik sya beh.
Kamiss baon.
Sayang din ang 1k everyday. Dagdag din yon sa ipon ko tuwing may gusto akong bagong make up.
Hindi naman kami super yaman pero dahil sa company ni daddy, nakakakain kami ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw, at super nagpapasalamat ako don at kay God dahil sa blessings sa family namin.
Baka si Law ang mayaman, Minsan ngang nag tampo sa kuya nya kaya nag japan ng isang araw para mag destress daw. Baliw na sya.
"Miss ko na din sya" Malungkot akong ngumitingiti.
Mag g-grade 12 na kami this school year. Napabuntong hininga nalang ako habang na aalala mga nangyari nung last day ng school year nung grade 11 kami.
"Bakit mo nga sya nireject xand?? Buong bakasyon mo kaming inuhaw sa chismis!" Tinarayan niya pa 'ko.
Pinili ko talagang wag munang ichismis sa kanila ang dahilan, nahihiya din ako dahil feel ko parang di naman din enough yung reasons ko kung bakit ko ginawa yon.
Hindi ko siya pinansin para inisin.
Nag phone nalang ako para mag picture, pang story din to mamaya.
"Jan ka magaling Lily!" Nginiwian ko sya.
Ayokong tinatawag talaga sa second name ko. Naaalala ko si Lola dahil sa kanya ako pinangalan, hindi ko naman hate si lola, love ko yon pero parang naiilang ako pag Lily ang tinatawag sakin.
"Whatever ka talaga, what if ichat mo na si Majo?" Kinurot ko siya sa gilid, natatawa naman siyang nag chat sa gc namin. Wala ako load eh.
After ng mga 30 minutes dumating na ang vip kong friend. Tumatakbo si Majo nung nakita namin sya.
Nang makalapit nag peace sign pa si ate. Inirapan ko sya.
" Kainis ka teh, 30 minutes mo kaming pinag hintay" Pinakita ko pa yung time ng phone ko. Binuksan din ni Law ang phone nya para same kami.
"OA much ka xand, 25 minutes lang. Pinalipad ko na nga yung kotse kay Kuya Emman para mabilis"
Nangingiti niyang sabi habang inaayos yung nagulo niyang buhok. Ang cute nya sa suot nyang green knitted vest at white pleated skirt. Very korean sya today.
Chineck ko din ang outfit ni Law, she wears a black puff sleeve bodycon dress. At the same time, I'm wearing a white square neck crop top and a gray baggy na sweatpants.
"Tara na, baka maabutan pa tayo ng lunch time at nagugutom na ako" Aya ni Law habang inaayos ang dress.
Inayos ko na din ang bag ko at chineck kung may nalaglag na gamit namin ni Law. Burara kasi ang isang yon.
Habang nasa pila kami sa registrar, kinukulit ako ng dalawa na mag palit na daw ng profile sa fb dahil 2018 pa daw last kong palit. Inirapan ko sila.
"Wala akong ipapalit, and nahihiya ako mag palit" Natawa ako dahil nahihiya talaga ako mag post ng kung ano ano sa facebook ko lalo na pag mukha ko! No way.