"I'm sorry."
Pagkatalikod ko sakanya napakagat ako ng labi dahil sa kahihiyan. Pasimple kong kinurot sarili ko para matanggal pagkalutang ko. Bakit ba mukha niya lagi ang nakikita ko sa araw na 'to? Kanina pa siya ah, stalker siguro.
Masyado na ata akong maganda.
Pagkalabas ko ng banyo biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa at sinagot agad ang tawag. Lumabas muna ako ng bowling center dahil medyo maingay ang ibang naglalaro doon.
"Yes po mommy?"
"Sylvie anak, malapit ka ba ngayon sa school ng kapatid mo?"
"Medyo malayo po mommy, why?" Medyo kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita ni mommy. She's panicking.
"Nakalimutan ata siyang sunduin ng daddy mo, tumawag kasi ang teacher niya saakin. Hindi ko din siya masundo dahil andito ako sa Manila." Halos maiyak na si mommy habang nageexplain. Pumasok ako agad sa bowling center para kunin ang bag ko.
"Kaya ko naman po sunduin mommy, don't worry." she said thank you at binaba ko na ang tawag.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko bago umalis, hindi na ako nagpasama dahil nageenjoy pa sila roon. Sinubukan pa nila akong pilitin na ihatid na nila ako pero tumanggi ako. Kaya ko naman.
Tumakbo ako sa palabas ng mall at naghihintay ng jeep. Hindi ko nadala ang sasakyan ko ngayon dahil pinapalitan ko pa ng gulong.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako nakakasakay. Palagi akong nauunahan, okaya puno ang dumadaan na jeep. Sinubukan ko na din magbook ng grab kaso walang available. Halos maiyak na ako nang mapatingin ako sa oras.
7:30 pm
Sinubukan ko na din makipagunahan pero halos makaladkad na ako sa sobrang dami ng kasabay ko. Tumabi nalang ulit ako para maghintay ng susunod na jeep, pero habang naghihintay padami nang padami ang mga nagaabang. Tumalikod ako sa mga tao at pinunasan agad ang luha ko.
"Hey!"
The Archi guy suddenly held my wrist and pulled me to his car. Hindi ko alam kung bakit ako nagpahila. The way he pulled me was gentle, it made me calm down, it looks like he isn't the type of guy who would harm me.
"Don't worry, you can trust me. Get in." He opened the door for me, wala akong nagawa kundi pumasok dahil kailangan ko na talaga masundo ang kapatid ko. Pagkasakay niya sa drivers seat, agad niyang pinaandar ang kotse. "Where are we going?"
Sinabi ko ang address ng school ng kapatid ko. Sa tingin ko naman ay alam niya kaya hindi na siya nag-ask pa ng directions. My phone rang, this time yung teacher naman ang tumawag saakin.
"Hello po." Agad bumungad saakin ang iyak ng kapatid ko. Napakagat ako ng labi para pigilan ang iyak.
BINABASA MO ANG
Take me Away (Lost Series #1)
RomanceHe is the place where I always want to go. 05/21/22