34.

32 8 0
                                    

Shin's POV

MULA sa mataas na puno ay pinanood ko ang pagsisimula ng kumosyon sa ibaba. A group of students are carrying banners at plakard while marching toward the student council's headquarters. Lahat sila ay sumisigaw na lumabas si Calvin mula sa silid na iyon.

Blangko ang mukha na nagpatuloy ako sa panonood. We recently transferred to this school for a mission. Hindi ko inaasahan na ganito kagulo ang mga estudyante dito.

Bahagyang umiihip ang hangin na ikinapikit ko. Pinakiramdaman ko ang bawat hampas ng hangin sa aking balat. May paparating na bagyo. Hindi simpleng bagyo. Nararamdaman ko na malakas iyon.

Nagmulat ako ng mata. Ngayon ay nasa tapat na ng headquarters ang grupo ng estudyante. Doon ay nagsimula silang idikit ang mga banners na dala.

'Useless royals'

'We want a new law'

'Petition for removing king Calvin'

Ang huling banner ang umagaw ng pansin ko. Calvin Lee. Ang kasalukuyang king ng Superno. He's also from Royale rank, and like me, he's also a wind user. Paano ko nalaman? Ilang dekada lang naman na palaging magkalaban ang pamilya namin.

We always fight when it comes to good reputation and who's more powerful when it comes to manipulating wind. My father is always telling me that this guy is like his father. Mataas ang tingin sa sarili at sa kakayahan. Actually hindi na ako nagulat nang malaman na sya ang current holder ng titulo bilang king ng academy.

Naalala ko bigla ang dahilan ng paglipat namin ni Sierra sa Superno.

Twenty years ago, my father beat Calvin's father in the position of being a king. My mother is the queen way back then. At iyon ang gusto ng aking ama na mangyari ngayon. The moment he discovered that a Lee is holding that title, he told me to transfer here and steal the position.

And now this is happening. Umaayon sa gusto namin ang tadhana. Should I challenge him and take away his title?

Napailing naman ako saka tumalon mula sa kinauupuan ko. Masyado pang maaga. I rather enjoy the show. I want to see what he's going to do now that half of the student population is asking for his removal.

I lightly landed on the ground. I use the wind to support my feet. Ah! This always feel amazing. The feeling of wind surrounding my body.

"Kuya nandito ka lang pala!"

I saw my half sister—Sierra—running towards me. Bahagya akong napangiti. Aside from my deceased mother, she's the second girl I cherished the most. Kaya ganoon na lang ang galit ko nang makita na may mga estudyante na nananakit sa kanya.

"Tapos na ba ang klase mo?" tanong ko nang makalapit sya.

She nodded. "Alam mo ba, nalaman ko na ang pangalan at kung saang department galing iyong senior na tumulong sa akin."

I didn't bother to answer. Nagsimula na akong maglakad na agad din naman nyang sinabayan.

"His name is Zed and he's from the mortale department—"

"Mortale?" kunot noong tanong ko.

"Nakakagulat ano?"

She's right. I thought that guy is a gifted as well. Based on the way he fight, mahahalata na bihasa sya sa pakikipaglaban. His stance is something you can only achieve by lots of training. Hindi din maitatanggi ang kumpyansa nito sa sarili na tila ba alam nyang hindi sya matatalo ng mga kalaban. Only a gifted can do that.

"May fan club na nga si kuya Zed," saad pa ni Sierra. "Sumali nga ako eh."

Bahagya akong natawa sa tinuran nya.

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon