CHAD'S P.O.V.
***
Dumating ako nang bandang alas nuebe ng gabi pagkatapos ng ilang meetings at transactions na kinailangan kong puntahan sa Maynila.
Mas bumigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib nang tumayo na ako sa front porch ng bahay ko rito sa na ako sa loob ng bahay ko. Joshaia called me earlier. He told me Venice was already here.
Hindi na lang kami ni Josh ang nasa bahay na ‘to. This place was no longer a world reserve for the two of us; no longer a world where I could love him as me and as my gender; and no longer a world that only revolved around two people.
Huminga ako nang malalim bago hinilot ang bandang dibdib ko. This was my decision. Para kay Josh at para sa totoong kasiyahan niya.
I was standing at the front porch way too long than I should. Huminga ako ulit nang ikalawang beses bago tuluyang pinindot ang doorbell sa gilid. Kaagad kong sinalubong ng ngiti si Nanay Lucia, ang siyang mayordoma sa bahay na ‘to at siyang nag-alaga sa akin mula pagkabata ko. She's now sixty-five years old and she's one of our oldest employee along with Tatay Isko, her husband. Kulot ang puti niyang buhok at malabo na ang mga mata kaya may suot na ring salamin.
“Garette! Ginabi ka.” Kaagad na kinuha ni Nanay Lucia ang dala kong bag bago ako niyakap. “Malala ba ang trapiko sa Maynila? Ay bakit ko ba itinatanong pa ‘yan, palagi namang dikit-dikit ang mga sasakyan do’n.”
I chuckled with Nanay Lucia’s very bubbly personality and of course enthusiastic way of talking. “Kumusta ang araw niyo rito nila Tatay Isko?” Umangkla pa ang braso ko sa kaniya habang iginagaya niya na ako papunta sa sala ng bahay.
“Aba’y wala naman kaming ibang ginagawa rito kung hindi ang alagaan ang mansyon at ang Hacienda.” Biglang natigilan si Nanay Lucia bago umiling. “Huwag ka magalit sa Tatay Isko mo ha? Ibinunton na naman ang galit sa mga baguhan sa koprahan. Natalo kasi sa sabong,” nakangiwing sumbong niya sa akin na ikinailing ko rin kalaunan.
“Si Tatay talaga.”
“Ay oo nga. Sabi ko nga huwag siyang tatabi sa akin mamaya. Napakamainitin ang ulo!”
Napatawa ako nang malakas sa sinabi ni Nanay. Ang cute talaga nila kapag ganitong may tampuhan. Para silang mga teenager.
“Kayo talaga ni Tatay ang best couple na nakilala ko, Nay. Mag-aaway pero uuwi pa rin sa isa't isa.” Saka ako umupo sa sofa sa living room para pawiin ang ngawit ng mga binti ko dahil sa matagal na pagmamaneho.
Natigilan naman si Nanay Lucia sa sinabi ko. She looked at me with a frown. “Aba’t bakit ganiyan ang tamlay ng pagkakasabi mo na parang wala kang pag-ibig? Nag-away ba kayo ni Josha? Sabihin mo sa akin ang ginawa ng binatang iyon at mananagot siya sa akin.”
Ngumiti ako kay Nanay Lucia sa kabila ng bigat sa dibdib na nararamdaman ko. And I always like it when she was calling my man with her make-up nickname for him. “Pagod lang po ako sa pag-drive. Wala pong ginawa si Josh.”
Sa halip, ang talagang bumabagabag sa akin ay ang nalalapit kong engagement. I met my soon-to-be fiance earlier. She's really pretty and kind. Serenity Aria— that's her name.
“Mabuti naman kung gano’n. Dahil ako ang makakalaban niya kapag sinaktan ka niya."
“Ikaw talaga, Nay. Wag mong takutin si Josh. Alam mong mahal niya ako. Nakita mo kung paano niya ako minahal sa nakalipas na dalawang taon. Wala pang ibang lalaki ang nagparanas sa akin ng gano'ng klaseng pagmamahal.”
BINABASA MO ANG
Three to Tango
RomanceR-18 EROTIC ROMANCE ‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED Love comes in different forms and representations. The same thing goes with relationships. Modern world, modern relationships; those kinds which break prejudice and wreck beliefs. In a world whe...