39

13 2 6
                                    

Chapter 39

"Coffee" binigay sakin ni Andrew ang isang Venti Starbucks Drink. Luh? Sa kaniya galing to? "Pinapaabot ng jowa mo kasi ayaw mo daw siya maging clingy sa school"

Kinuha ko yung kape "Di ko pa siya jowa 'no"

"Sus" he hissed "Napakadaming habilin sakin akala mo naman kung mapapano ka."

"Hindi pa nga"

"Sarili n'yo lang niloloko n'yo"

The day went by quite normal except the fact that Calvin offered a ride today. I bet we're going to his yacht again. Andun na kami parati.. parang naging tambayan na namin. Pag nawala talaga kami sana pag benta nya yung yacht niya para wala siyang madalang ibang babae dito.

"I miss you" He hugged me as we arrived inside the yacht.

I tapped his back "You gotta stop nagging Andrew"

He chuckled at kumalas "Why? I'm not nagging"

"Maybe he's exaggerating" I shrugged. He pinched my nose.

"Speaking of Andrew.. na invite ka na ba n'ya sa birthday ni Maggie?" Tanong niya

"Yep" sabi ko. It's Maggie's 17th birthday daw at meron daw na maliit na dinner for everyone. Maggie texted me an invitation na rin.

Calvin caressed my hair "Let's go together"

Tumango ako "Okay" sabi ko "Malapit na din ang birthday ni Yani. You need to go.. tho di pa niya alam na nag uusap na uli tayo"

Speaking of Yani... Nung pagka-alis ni Jade papuntang Dubai nung isang araw ay ramdam ni Yani ang pagka anxious ni Charles. Totoong hindi talaga sya mapakali kaya nagtatanong tanong sakin ni Yani kung may something ba si Charles at Jade. Hindi ko alam ang is-sagot ko kaya sinabi ko nalang na crush ni Charles si Jade. She totally shipped them. Tapos nabanggit n'ya si Calvin.. ang bongga daw ng taste naming kambal sa mga nagugustuhan namin. She would totally freak out if she knew that we're talking once again.

Hindi ko pa pala nai-introduce si Maggie kay Yani. I'm sure magkakasundo sila.

"I'll introduce you to my friends" he said and smiled.

Kinabahan ako bigla "Sinong friends?"

"My childhood friends.. you've met most of them but I haven't introduced you properly" he caressed my back "Maggie, Riri, Giselle, Derek... I think Oli wouldn't come and I think I wouldn't introduce you to Ava for a while"

I arched my brow "Bakit naman?"

"She kind of developed a crush on me.. umamin siya sakin matapos ang graduation n'yo. I told her I like someone else" he bit his lip "I think it would be rude to introduce you to her"

Well I'm not sure how to feel about that

"Ah.. that? I already know" umiwas ako ng tingin

"Really?" Tumango ako "How?"

"Basta" sabi ko. Hindi ko parin alam ang maramdaman ko na hindi niya ako i-introduce kay Ava. Kinahihiya niya ba ako? I mean... valid maman ang reason n'ya at di naman kami official pero ang weird padin sa pakiramdam. May exemption? Naiintindihan ko naman na takot siya masaktan kaibigan niya pero.. basta. Weird.

Sinilip niya ang muka ko "Are you upset, love?"

Pucha, Charlotte. Wag kang marupok. Bakit naman parang tumiklop ka agad?

Constantly Recurring (Perpetually Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon