Ang unang alaala 'ko kay Silas ay 'yung batang gusgusin pero sinusundo ng makintab na sasakyan. Grade four ako noon, at madalas 'ko siyang makita sa tindahan malapit sa paaralan namin. Tinuturo-turo pa siya ng ibang mga bata akala mo ngayon lang nakakita ng maputi. Magkalapit lang naman sila ng kulay nung baka ni Papa.
"Mauna nako 'Rish, tapos 'ko na pagpagan 'yung eraser na sabi ni Cher. Babye!" Kinawayan 'ko pabalik yung kaklase 'kong cleaners din. Ako na naman nautusan magpad-lock ng pinto. Inuuwi kasi ng ibang kaklase 'ko 'yung susi, ayun nagagalit si Ma'am.
Tinignan 'ko kung pantay na ba ang mga upuan, bago hinatak ang upuan ni Ma'am para tuntungan at nang mapatay 'ko na 'yung ilaw. Pagkatalon pababa mula sa upuan ay pinunasan 'ko ito ng kamay, tsaka dumiretso palabas. Sana kalabasa ang ulam ngayon, para makakain si Riley ng gulay hindi puro baboy ang hinahanap. Kaya siya tumataba eh.
Dire-diretso ang lakad 'ko sa pasilyo ng school namin, may ilang mga magulang naghihintay pa siguro sa mga anak nilang kinder. Kita 'ko naman 'yung mga pulang uniform ng excellence, sabi ni Ma'am sila raw naglilinis ng school pag-alis namin. Eh bakit pa pala may cleaners? Tsk.
Nagbabow ako sa mga nakakasalubong na guro tsaka tumakbo ng mabilis papuntang gate, sumasakit na batok 'ko baka matanggal ulo 'ko nito. Iniabot 'ko sa guard yung susi, at kumaway.
"Oh hinapon ka na Vasquez? Magaalas-sais na baka abutan ka ng dilim, sige ka may mumo."
Umismid ako at umiling, "Opo, cleaners po kasi ako Kuya eh. Kaya 'ko po 'yun lakarin, dalawang liko lang po eh. Tsaka po 'di po totoo 'yung mumu, ang laki-laki niyo na po naniniwala pa kayo roon. Sige po, babye!" Kumaway ako at natawa naman si Kuya Tony.
Totoo naman eh. Pag matatanda dapat matigas na dapat yung ulo, 'di na raw nagpapaloko. 'Yun sabi ng kapitbahay naming si Aling Martha. Kaya siguro minsan binabato niya ng bote 'yung anak niyang lalake sa ulo. Pinapatunayan niyang matigas na ulo nito.
Naglakad ako at nagsimulang bilangin ang bawat hakbang 'ko. Lagi 'ko 'to ginagawa kasi 'di ako sigurado kung 590 steps ba talaga o 607 steps hanggang makarating sa bahay eh. Lagi nasa pagitan ng dalawang 'yon.
"Naku softdrinks na naman 'yung binili nung bata? Nasaan ba sundo niyan? Anong oras na ha?" Nasa ika-324 na tapak na 'ko ng marinig 'kong nag-uusap yung dalawang nanay na lumampas sa 'kin.
Lumingon ako paharap nakita 'ko na naman 'yung batang tumatambay sa tindahan ni Aling Koring. Mahal paninda riyan eh, tubong lugaw. Pero mukhang malaki baon nung bata kasi lagi bumibili ng coke jan.
Binagalan 'ko ang lakad 'ko para mas matignan 'yung bata. Parang magkasing tangkad lang kami nung bata pag tumayo siya. Iksi ng binti eh. Tapos 'yung suot nyang uniporme eh katulad nung madalas 'kong nakikita pag papuntang bayan eh ang dumi na naman. Siguro naglalaro din sila patintero don.
Sa iskul namin pag naglaro ka patintero, may matatanggal talagang butones eh. Nung minsang umuwi ako at kulang dalawang butones 'yung blouse 'ko, galit na galit si Nanay eh. Kaya 'di na 'ko umulit kahit anong aya nilang sa entrance lang ako.
Pinipilipit ng bibig niya 'yung straw kaya umiwas na 'ko ng tingin, hay, gusto 'ko rin ng coke. Dinalian 'ko na ang paglalakad pero huminto ako sa tapat niya.
"Hoy," sita 'ko.
Nilingon niya 'ko, sumipsip, at tumaas dalawang kilay niya. "Saan sundo mo?"
Kumunot noo niya, "Bakit?"
Nagkamot ako ng ilong at tinuro 'yung araw, "Mawawala na oh. Iwan ka diyan?"
Inisang higop niya 'yung natitirang coke sa plastik, bago nilamusak ng kamay. Tumango siya at tinignan ako, "Ikaw? Saan sundo mo?"
YOU ARE READING
Psalm's Law
General FictionPara kay Irish ang pagkakaroon ng simpleng buhay ay ang biyayang tatanggapin niya ng buong puso. Bata pa lamang siya ay kinagigiliwan niya na ang tanawin ng kanilang bukirin at ang payapang pamumuhay sa probinsya. And as she grow older, she understa...