Part 5

682 44 2
                                    

ILANG minuto rin ang lumipas na nanahimik lang si Jaypee sa pagkakaupo niya. Mayamaya, napansin niyang inilabas ng katabi niya ang cell phone nito. Mukhang nagri-ring iyon dahil nagmamadali itong sagutin iyon.

"Yes, Ate? Tatawagan na lang kita mamaya. Baka bigla na lang mawala ang signal dito. Mahina ang reception, eh."

Hindi siya interesadong makinig sa sinasabi ng dalaga. Ang mga mata niya ay natuon sa kapirasong card na nalaglag sa pagitan nila. Tahimik na dinampot niya iyon. ID. Napangiti siya matapos mapagmasdan ang picture na naroroon. Hindi siya interesado sa impormasyong nakasulat doon. Sapat nang makita niya ang pangalang nakasulat at ang picture. Hinintay niya itong matapos na makipag-usap sa telepono.

"Ikaw pala si Jennifer Lopez," kaswal na sabi niya.

Bigla napako sa kanya ang tingin nito. Magkahalo ang kumpirmasyon at pagtataka sa mukha nito.

Pinagmasdan din naman niya ito. She looked more beautiful in person. "Honestly speaking, mas maganda ka kay J.Lo."

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" wika naman nito.

"Ito, oh?" adorable na sabi niya.

"Akina nga iyan!" hablot nito sa ipinakita niyang ID. "Bakit napunta sa iyo iyan? Mandurukot ka, 'no?

Pumormal siya. "Hoy, J.Lo, below the belt na iyang bintang na iyan, ha? Napulot ko lang iyan. Natangay ng palawit niyang cell phone mo nang kunin mo sa bag. Makulit lang siguro ako pero hindi ako mandurukot!"

Mukha namang nasindak sa kanya ang babae. Napalis ang katarayan sa mukha nito. At mayamaya lang ay nanghingi ng paumanhin.

"Sorry, mister," mababa ang tinig na sabi nito.

Natatameme din pala. Itinago naman niya ang nagdiriwang na ngiti. "Patatawarin kita sa isang kondisyon. Call me PJ."

Lumarawan ang pag-alma sa mukha nito. "Paano naman ako makakasigurong PJ nga ang pangalan mo?"

"Ah, proof?" Naglabas din siya ng ID. "All right, it's Jose Pedro Juan IV. Jaypee. Pero sawa na akong tinatawag na JP. Masyadong tunog santo. You know, Jose na, Pedro pa. Tapos pati apelyido, pangalan pa rin ng santo. Juan. Iyong iba, ang akala kaya Jaypee ang pangalan ko ay from John Paul, tunog pope naman. Please, gusto kong tawaging na lang akong PJ."

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang dalaga na ngumiti dahil siguro naaliw sa sinabi niya.

"All right, PJ."

He breathed. "At long last."

"Bakit parang nanalo sa lotto ang itsura mo?"

Ngumisi lang siya. "You made a record, J.Lo, ikaw ang taong kauna-unahang tumawag sa akin ng PJ. Thank you. Kapag close na tayo, saka mo malalaman kung bakit mas gusto ko ng PJ."

Umarko na naman ang kilay nito. "What do you mean kapag close na tayo? Ano ang balak mo?"

"Ano ka ba naman, friends na tayo, di ba?" Siniko na naman niya ito in a teasing way.

"Ilusyunado."

"Sige na, friends na tayo," tila batang ungot niya. "Sa susunod na stopover natin, ililibre kita. Ano ang gusto mo, kape o papaitan?"

Napailing na lang ito. "Sterilized milk."

"Okay."



HINDI makapaniwala si Jenny na nakikipag-usap siya ngayon sa katabi niya. Hindi niya ugali iyon. Kahit na mahabang oras ang inaabot ng kanyang biyahe, nakakatiis siyang hindi kumikibo. But PJ was something. Kapag inisip niya kung paano sila nagsimulang mag-usap, hindi siya talaga makapaniwala na para bang close na nga sila ngayon.

Nang huminto sila sa stopover nila sa Ilagan, dinala nga siya ni PJ sa canteen.

"Talagang gusto mong sterilized milk?" tanong nito sa kanya.

Tumango siya. "Manghingi ka ng yelo, ha?"

Nang bumalik ito sa mesa niya, isang basong halos umapaw sa yelo ang ibinigay nito sa kanya saka dalawang lata ng gatas. Kape lang ang nakita niyang kinuha nito para sa sarili.

"Thanks. Bakit naman dalawa pang gatas ang kinuha mo?" wika niya.

"Tama lang iyan. Puyat na puyat ka na. Naaalala ko, sabi ng mama ko, magandang pambawi sa puyat ang gatas."

"Mama. Mama's boy ka siguro," tudyo niya.

"No. Saka gustuhin ko man, wala na siya. She died of breast cancer five years ago."

Nabasa niya ang pagsalit ng lungkot sa mga mata nito. "Sorry," sincere na wika niya. "Well, pareho lang naman tayo. Wala na rin akong parents. Naaksidente sila three years ago. Dead on the spot."

Hindi niya inaasahan ang sumunod na kilos ni PJ. Ginagap nito ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Nabigla siya pero hindi siya nagpahalata. Hindi rin niya ginawang bawiin ang kamay niyang nakulong sa palad nito.

It felt warm and comforting. Hindi niya inakalang mararamdaman niya ang ganoon mula sa isang taong hindi naman niya lubos na kilala.

"Matagal na rin ang tatlong taon para sabihin kong nakikiramay ako. But I know the feeling, J.Lo. Naunang namatay ang father ko. Pareho lang tayong ulilang-lubos. I think you have a sister. Ako, wala talaga. Nag-iisa lang akong anak, maaga pang iniwan ng magulang."

Matagal bago sila nakaapuhap ng salitang sasabihin. Ang tanging kilos na namagitan sa kanila ay ang kamay ni PJ na nangahas pumisil sa kamay niya. She remained passive. Nang mapansin niyang nagbabalikan na sa bus ang mga pasahero, noon lang din niya binawi ang sariling kamay.

"J.LO, PUWEDE ba akong mag-request?" tanong niya sa dalaga nang pabalik na sila ng bus.

"What?"

Ngumiti muna siya. Ngiting hindi nagpapa-cute bagkus ay ngiting nagdadalawang-isip kung tama nga ba ang sasabihin niya. "Baka puwedeng makipagpalit ng upuan?" he asked anyway.

"Ano ka, sinusuwerte?" wika ng dalaga na hindi niya tiyak kung sinasadya lang na magtaray. "Ayoko pa rin."

Ikinibit na lang niya ang mga balikat. "Well, kung ayaw mo, eh. Ano ba ang magagawa ko?" Nauna na siyang pumasok upang okupahin muli ang window seat.

Nakangiti naman si J.Lo nang ito na ang maupo. "No hard feelings?" tanong nito sa kanya.

"Meron," sagot naman niya. "Pero napagtiyagaan ko nang dito nakaupo kanina pa, eh. I guess, hanggang Tuguegarao, dito na siguro talaga ang puwesto ko."

"Talaga!" ayon naman ng dalaga.

"J.Lo, taga-saan ka sa Tuguegarao?"

"Bakit?"

"I want to know. Siyempre, friends na tayo, di ba? Friends do see each other."

Tila natigilan ito. "May cell phone ka?" sa halip ay sabi nito. "Let me have your number. Ako na lang ang kokontak sa iyo."

Ibinigay niya ang number niya pero hindi rin siya pumayag na hindi niya malaman ang number nito.

"PJ, may sasabihin ako sa iyo," wika nito pagkuwa.

"What?"

"Don't call me J.Lo. It's Jenny."

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon