Part 30

577 50 9
                                    

HALOS nakaliyad na si Lulu sa pagkakayakap nito kay Larry. Ang palda ng gown nito ay nakalilis nang mataas. Ang panty nito ay nakababa sa isang paa nito. At tanging ang mga ito lang ang nakakaalam kung ano ang ginagawa ng isang kamay ni Larry sa pagitan ng mga hita nito.

Magkahalong ungol ng dalawa ang tunog na pumupuno sa ikatlong silid sa hilerang iyon. Walang ibang focus ang atensyon ni Larry kung hindi ang paliguan ng halik ang leeg ng babae. At ang mga kamay naman ni Lulu ay nagsimula nang kalasin ang sinturon nito.

Hindi alam ni Jenny kung gaano katagal ang sandali na napatulala lang siya sa nasaksihan. Dapat ay hindi na siya nagulat dahil ang ganitong eksena ang tanging laman ng kutob niya. Pero ngayong nasa mismong harapan niya ang katotohanan, halos namanhid pa rin ang buong pagkatao niya.

"Now! Now!" patiling sabi ni Lulu na nagpagulantang sa kanya.

Parang noon lang siya nagising. At bagaman nais niyang mabilis niyang ilayo ang tingin, parang napatanga pa rin siya sa mga ito. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang ayos ni Larry. Nakasuot pa rin ito ng barong-Tagalog. But his pants and briefs formed a round pool around his ankles. Hindi niya alam kung masusuka siya nang makitang yumakap ang dalawang paa ni Lulu sa bewang nito.

Gumigiti ang pawis sa buong mukha niya nang sa wakas ay makabitaw siya ng tingin sa eksenang iyon. Hindi na niya matandaan kung paano na siya nakalayo sa kuwartong iyon.

"Ate Jenny, bakit ganyan ang itsura mo?" wika sa kanya ni Millet. "Hinahanap kita, eh. Tinatanong kayo ng mama ni Kuya Larry. Pareho kayong nawawala. Mukhang sumisiple na kayo, ha?" tukso nito. "Mamayang gabi na lang ang honeymoon! Marami pang mga bisita. Saka gusto ko pang makasalo ng bouquet mo. Teka, nasaan na nga pala ang bouquet mo?"

Napakurap lang siya dito. She inhaled deeply and tried her best to collect her thoughts. Ilamg sandali siyang nanahimik. Tinimbang sa isip ang balak niyang gawin.

"Millet, kunin mo iyong maleta ko. Iyong dapat na babaunin ko sa honeymoon ko."

Tumango ito. "Oo. Isasakay ko na ba sa kotse ni Kuya Larry?"

Mabilis siya umiling. "No. Basta hawakan mo lang. Tumabi ka kay Ate Jamie. May... may gagawin ako. Kapag sinenyasan kita, sumunod ka na lang sa akin."

Kumunot ang noo nito. "Ate, okay ka lang? Parang hindi ka okay, eh. Bakit namumutla ka? Nahihilo ka pa rin ba?"

She made a deep breath. "I'm f-fine. Sige na, gawin mo na iyong pinapagawa ko."


"AALIS na ako, Jamie. Nice meeting you," kaswal na wika ni Jaypee at tinapunan din ng ngiti si Arnel.

"Bakit ang bilis naman. Hindi pa naman tapos ang okasyon," pigil sa kanya ni Jamie.

"Actually, kanina pa nga sana, eh."

"Hindi ka na ba papipigil? Ngayon pa lang tayo nagkakasarapang magkuwentuhan," sabi ni Arnel.

"Kung hindi kayo luluwas agad ng Maynila, iimbitahin ko na lang kayo sa farm ko. Welcome kayo doon anytime," sinserong anyaya niya.

"Ate Jamie!" lapit sa kanila ni Millet.

Pare-pareho silang napakunot ang noo dito. Hila nito ang isang luggage. Ang anyo ay tila nagpa-panic.

"Anong gagawin mo sa maletang iyan?" harap dito ni Jamie.

"Ewan ko ba kay Ate Jenny. Inutos lang niya sa akin, eh. Ilabas ko daw. Tapos tumabi ako sa inyo."

"Bakit?" tanong niya agad. He immediately sensed that there was something wrong. At nakalimutan niyang paalis na sana siya.

"Ewan ko talaga!" childish na wika ni Millet. "Nakakalito na nga, eh. Kanina, nadatnan ko sa kuwarto. Nagtarayan daw sila ni Lulu. Nu'ng lumabas ako, hinarang ako nu'ng coordinator. Nawawala daw si Larry. Nakihanap ako. Tapos si Ate Jenny ang nakita ko. Namumutla. Parang pinapawisan pa nga. Mukhang nakakita ng multo, eh. Ang gulo! Ewan ko kung nasaan na si Kuya Larry. Baka hinahanap pa rin niya. Sa lahat ng kasalan parang taguan-pung ito."

Napabuntunghininga si Jamie. "Maybe she has come to her senses. Pero hindi kaya huli na?" Nilinga nito ang asawa.

"What do you mean?" may diing tanong niya. Hindi na maganda ang pakiramdam niya, parang may mangyayaring hindi maganda.

Tiningnan siya ni Jamie at tila na-alangan kung sasagutin ang tanong niya.

"Please tell me," may samong ulit niya dito.

Napatango si Jamie. "Magaan naman ang loob ko sa iyo. I'll tell you. Kanina, sinabihan ko si Jenny. I was telling her na kung mayroon siyang pagdududa sa kasal na ito, umatras siya."

"Damn!" he muttered. "Bakit, pinilit lang ba siya ni Larry?"

"I don't think so. Concerned ako sa nakikitang kilos ng kapatid ko. I know, she's beautiful. But she's not glowing in this very special day. Nasa mga mata niya iyong confusion sa ginagawa niya. I know my sister."

"Bakit siya nagpakasal kung ganoon?" umangat nang bahagya ang tinig niya.

"Because Larry is her one and only boyfriend."

"Hindi dahilan iyon," katwiran niya. "She could have another relationship. Hindi naman ito noong unang panahon. Na kung sino ang nauna, doon na."

Tinitigan siya ni Jamie. "Are you in love with my sister?"

Ikinagulat niya ang kaprangkahan nito. Pero nagdesisyon siyang sagutin iyon. Bago siya nagbuka ng mga labi, tumingin siya ng diretso sa mga mata nito. "Yes."

Napatango-tango ito. "I see."

"In love ka kay Ate Jenny?" singhap ni Millet. "Kaya pala nagsuntukan kayo ni Kuya Larry noong isang araw!" Agad din nitong tinutop ang bibig nang tingnan ito nang matalim ni Jamie.

"Pare," tanging nasabi ni Arnel at tinapik lang ang balikat niya.

"Dapat pala nang magtanong ang nagkakasal kanina kung may tumututol, nagsalita ka," sabi ni Jamie sa tonong hindi niya alam kung seryoso o nagbibiro lang.

"I don't want to lose her completely. Kung ginawa ko iyon, pati friendship namin, mawawala," mababa ang tinig na sabi niya.

"Si Ate Jenny, o!" wika ni Millet at itinuro si Jenny na kinukuha ang microphone sa emcee.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon