Multo

71 5 5
                                    

Multo by: ANDB798

O magandang binibini,
Aking iniisip bakit hindi ako ang iyong nais.
Nasa akin naman lahat ng iyong tipo,
Pero bakit hindi parin ako ang gusto?

Matangkad, Matalino, Gwapo,
Hindi naman sa pagmamayabang pero iyan ako.
Di'ba iyan ang iyong mga tipo?
Ba't di mo pansinin ang isang tulad ko?

Ahh, oo nga pala,
Isa akong multong hindi mo makita.
Sayang nga kasi hindi mo maramdaman tibok ng aking puso,
Baka nga ikaw pa'y matakot sa presensya ko.

Iyang mga mata mo'ng itim na nakakaibig,
Ako'y nahulog ng walang imik.
Naestatwa sa iyong napakagandang tinig,
Pilit nilalapit ng tadhanang ating minithi.

Kaso aking naalala, hindi pala iyon kaya ni tadhana.
Magkaiba ang ating mundo,
Langit ka, Lupa ako,
Sa mundong ating kinagagalawan, masasabi kong wala na tayo sa tono.

Kumbaga sa musika, ikaw ang soprano, bass naman ako.
Nasa mataas ka, nasa mababa ako.
Pero kahit mundo natin di magkapareho,
Tandaan mo, pagmamahal ko sayo, di maglalaho.

052822

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon