Prologue

3K 83 17
                                    

Thank you so much for reaching this part of the series! Maraming salamat sa suporta. Sana mag-enjoy kayo sa story ni Levi at Diwata. Sobrang late update ako rito. Hingi ako ng pasensiya. Hihihi

Typos and grammatical errors.

__

BAWAT patak ng luha ni Diwata ay ang pagpunas rin niya ng mga ito gamit ang kanyang panyo. She failed two of the departmental exams for major subjects. Pagkatapos ng klase ay sa banyo siya dumiretso para ilabas ang disappointments niya sa sarili. Major exams sa kanyang major subjects. Her law and accounting subject. Puspusan ang review at pag-aaral niya sa loob ng dalawang linggo bago ang exams.

Una, hindi siya pwedeng bumagsak sa exams kasi maliliit ang activities niya. Hindi kakayanin na aabot sa cut off grade na 80 or 2.0.

Pangalawa, hindi siya pwedeng bumagsak kasi magagalit ang tiyahin niyang nagpapa-aral sa kanya. Ito ang gumastos sa apartment niya, sa allowance niya kada-buwan, sa tuition niya at lahat-lahat. Kaya kahit papaano ay maipasa niya man lang lahat ng subject.

Kasalanan talaga 'to ng live porn na nakita niya sa talampas bago ang exam noong Monday. Paulit-ulit niyang naalala ang bawat galaw ng dalawa. Umuwi siya ng Guimaras para makapag-review ng tahimik, payapa, at matiwasay. Kaso mas masahol pa sa maiingay na busina ng mga sasakyan sa siyudad ang ungol ng dalawa. Hindi niya alam ang mararamdaman dahil hanggang ngayon nasa utak niya pa rin ang mga ito. Sariwang-sariwa ang kalaswaan.

"Kalma, Diwata." Mas maraming pressures ang dapat niyang atupagin, at hindi 'yong porn na nakita niya. Cebu wasn't her home province. Dito siya nag-aral kasi 'yon ang gusto ng tiyahin niya at dito ito nanirahan noon bago nakapag-abroad. Mag-i-isang taon pa lang siya sa Cebu, nag-a-adjust pa lamang siya.

Araw-araw niyang na-mi-miss ang Lola niya na nag-i-iisa na lang doon sa Guimaras. Inaalagaan lang ng kanyang pinsan. Araw-araw siyang nangungulila sa kanyang tahanan. May online learning environment naman ang university kaso pinili niya ang face to face kasi gusto niya ring mag-explore. Kaso iyong exploration pala ay may kaakibat rin ng pangungulila.

"Mag-shi-shift na lang ako ng marketing," medyo tumango si Diwata sa kaibigan niyang si Yanna. Nakalabas na sila ng comfort room. Pareho silang nag-accounting, nagkakilala noong first semester at naging magkaibigan hanggang second semester.

Mas mababa pa ang scores niya kaysa kay Yanna pero same silang bagsak.

"Pangarap ko 'to," nasambit niya pagkatapos ng ilang minuto pagkatunganga. Sinira lang ng nakita niya. Sobrang distracted siya habang nagte-take ng exams na umabot sa point na hindi na niya maintindihan ang English.

Kulang na lang talaga kapag naiisip niya 'yon, siya iyong mabubuntis.

"Naiintindihan ko. What went wrong? Halos hindi ka na lumalabas ng library para magreview."

Inabot nito ang plato sa kanya, papapila na sila sa isang stall ng canteen.

"Sobrang distracted ako," hindi niya masabi-sabi sa kaibigan ang dahilan dahil ang sagwa. Pagpakita niya pala 'non gusto na niyang umalis sa lugar kaso nasa puno siya ng mangga kasi natatakaw siya sa mga mangga ng Alegre. Kung baba siya ng puno ay makikita siya ng mga ito. At pakiramdam niyang mali-maling isturbuhin ang ginagawa ng dalawa.

Pagkatapos ay muntikan pa siyang masagasaan ng lalaki pagkauwi niya. Wala siya sa sarili sa mga oras na 'yon. Nagpasalamat na lang na nakauwi siya ng bahay na buhay na buhay, dahil kung nagpadala siya sa nakita ay baka sa kalsada ang katapusan niya.

"Nag-away kayo ni Isaac?" iyong naging unang kaibigan niya pagkapasok niya pa lang sa university. Nagkagusto sa isa't-isa pagkalipas ng isang semester at naging sila. Second boyfriend niya pagkatapos noong Grade 11 siya. Hindi siya kagandahan, at napatunayan niya 'yon pagkapasok sa university pero kay Isaac pakiramdam niya ay treasured siya, well-loved, pareho sila ng pangarap, nagkakaintindihan sila sa mga bagay-bagay, competitive pareho.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon