CHAPTER 5
As soon as they arrived the mansion, every footstep feels like a step of the reality. This is it, tomorrow she's going to be a woman owned by someone. She doesn't want to get worried about it, it's not the time for her to cry again, she needs to show that she's not forced to do something she's confused to do.
"Hija, where have you been?" Bungad agad ng kaniyang ina na may tono ng pag-alala. Bakas dito ang lalim ng paghinga at tila kanina pa siya ginagalugad sa mansiyon.
Tikom lamang ang bibig niya, walang masabing dahilan dito. Naramdaman niyang may humawak sa kaniyang kamay at nang tumingin siya sa gilid ay kita niya ang titig ni Aslan sa kaniya.
"I apologize for not telling you. I called her, tita. I drove her outside to take her worries away." He replied, his smile made his statement more legitimate.
"It's fine, you don't need to ask for permission now," Don Mariano said. Tinapik pa nito ang balikat ni Aslan na hinayaan lamang ng binata... Na sa ilang minuto ay magiging asawa niya na. Biglang nanuyo ang pawis niya dahil sa alalahaning iyon.
"Papa, dadating na si Mayor Veliste in just thirty minutes," singit ng ama niya matapos basahin ang mensahe sa telepono nito. "We should go back inside," yakag pa nito. Pinauna ni Aslan ang mga itong pumasok.
Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Aslan kaya napalingon siya rito. Nasilayan niya agad ang munting ngiti sa mga labi nito.
"Alam kong kinakabahan at natatakot ka ngayon sa nangyayari. It's so quick, that your mind's not absorbing everything that is happening." He stared at her. Itinaas nito ang dalawang kamay niyang hawak nito at binigyan ng munting halik dito.
Hindi niya mawari ngunit ang simpleng galaw na ito ay nagbigay ng kapanatagan sa kaniyang loob. Ang lalaking kanina lang ay may hawak na armas at binantaan ang kaniyang kababata. Napailing siya sa huling naisip.
Agad niyang hinila ang kamay rito. Naaasiwa pa rin siya, ito ang unang beses na may lalakeng humalik sa mga kamay niya. "They're waiting for us." Dahilan niya.
Inalalayan naman siya nito sa pagpasok. Hindi pa sila nakakalampas sa pinto ay may narinig na siyang makina ng sasakyan. Nang lumingon siya sa tunog na iyon ay naaninag niya agad ang mga taong papalabas sa isang magarang sasakyan.
"Hans...? Hans!" She shouted. Ang pinsan niya! Halos matapilok siya sa bilis ng pagtakbo niya para salubungin ito. Masigla silang nagyakapan nang mahigpit. "My gosh, I can't believe that I will see you again after years."
Halos maluha siya habang yakap ng mahigpit ang pinsan. Sampung taon din kasi itong nawala para mag-aral sa Estados Unidos.
"I won't miss my cousin's wedding. You will either disown or kill me," pabirong sabi nito. Pinakawalan siya ni Hans sa yakap nito at humarap sa kaniya. "So, when I knew this news yesterday, I cancelled all my appointments, told mom and dad, then rented a private plane just to arrive here on time." He winked, made her giggle. She appreciated the effort of her cousin. "Speaking of the oldies."
Doon niya rin napansin ang mga magulang ni Hans. Niyakap niya muna ang tito Marbert at tita Honey niya bago ipakilala si Hans.
"You look stunning, hija! Your pure beauty matches with your dress!" Masiglang bati ng tita Honey niya. Napatili pa ito at pinaikot siya para makita ang lahat ng detalye ng kaniyang dress. She obliged and they talked about the life in the US.
"The lone lion in the pack of wolves." Makabuluhang sabi ni Hans nang makipagkamay ito kay Aslan. "I hope I cannot experience the bite by this lion. Though, I'm always prepared to shoot."
"You may have heard a lot about me, but we should avoid talking about business in my wedding." Aslan teased her cousin by emphasizing the last word. Hinawi pa nito ang buhok na humaharang sa mukha niya.
YOU ARE READING
Tear of Vengeance
General FictionPristine thought that every marriage will lead to a fairy tale-like ending. Iyon ang laging naririnig niya sa kuwento ng kaniyang ina. Kaya nang maikasal siya kay Aslan ay ang tila pang habambuhay na kaniyang tinatahak ay isa lamang huwad at simula...