Chapter One

17 3 1
                                    

"Athena kailan mo balak magboyfriend?" Riane asked me while we're eating.

"I don't know. Wala pa sa isip ko yan, pero may crush ako."

It's true though, masyadong strict ang lola at nanay ko, kahit nga ang crush ay hindi pwede. Kahit pa normal sa edad ko na magkaroon ng crush at boyfriend, bawal pa rin sa kanila iyon. Sabi nila mas mabuti daw na makapagtapos muna ako ng pag-aaral bago ang boyfriend boyfriend na yan dahil mas maraming lalapit na lalaki sa akin kung may trabaho na ako.

"Patay na patay ka naman kay Christian!" Elaina rolled her eyes at me.

"E ano naman ngayon? Atleast hindi ako friend zoned!" I laughed.

"Thena naman kasi, bakit yun pa? Hindi naman kagwapuhan, hindi rin matalino, at mas lalong hindi mabait. Alam mo naman na marami na naging girlfriend yun at hindi nagtagal lahat." Tanong ni Riane.

"I don't know. Hayaan nyo na lang ako, matatapos din ako sa phase na to." Inirapan ko silang dalawa.

They are my friends, I met Riane when we're still in kindergarten, and Elaina used to be my enemy in elementary but we became friends later on.

Umalis na kami sa cafeteria dahil malapit nang matapos ang lunch. Nasa loob ng room namin si Christian at nakaupo sa tabi ng upuan ko, seatmates kasi kami.

Para akong nililipad ng hangin habang naglalakad papunta sa upuan ko.

Sabi nila hindi raw gwapo si Christian, pero sabi lang nila yon, gwapo naman talaga siya.

Nang makaupo ako ay nilabas ko agad ang notebook at ballpen ko. Wala pa naman ang teacher namin sa science pero wala akong magawa at awkward naman kung uupo lang ako dito, nakakahiya kay Christian.

Maya maya ay may inilapag si Christian sa desk ko.

Ano to? Love letter ba? Nako Christian, sinasabi ko na nga, gusto mo rin ako!

"Nalaglag mo ata Thena." Then he smiled at me.

Tinignan ko naman ang papel na binigay niya. Puro practice lang naman ng pirma ko ang laman non.

"Tapon mo nga Christian, tinatamad ako tumayo e." Utos ko sa kanya.

Ang kapal ng mukha mo para utusan si Christian, Athena! San ka ba kumukuha ng lakas ng loob?

Natawa na lamang si Christian at tumayo para itapon ang basura ko.

Hindi rin nagtagal at dumating na ang teacher namin sa science, nagpasulat lang sa secretary namin at nagbigay ng tatlong activities. May meeting na naman siguro sila.

"Ang bagal mo naman magsulat, Thena! Wala ka pa sa kalahati oh, gusto mo ipagsulat na kita?" Tatawa tawa si Christian habang nakatingin sa notebook ko.

"Sige, anong kapalit?" I looked at him.

"Ipagsagot mo ko ng activity." He smiled and it melts me.

"Okie." Binigay ko na sa kanya ang notebook ko at kinuha ko naman ang activity notebook niya para simulan na ang activity.

Consistent ako sa rank, either 2nd or 3rd honor palagi. Pero dahil lang yon sa sipag ko, wala naman kasi akong ibang gagawin kung hindi mag-aral, hindi naman ako pinapayagan gumala.

Palagi lang ako sa bahay kapag walang pasok, nililibang ko lang ang sarili ko sa internet o di kaya ay nagbabasa ako ng mga romance na libro.

Kapag may outing ang buong section namin, ako lang lagi ang wala. I missed many opportunities, because of my parents.

Stuck With YouWhere stories live. Discover now