MR. LUSAW TINGIN (One-Shot)
Story by PlainVanillaGirl
Dedicated to @LilMonstuuuh ^__^
SABADO.
Wala pasok sa eskwela. Pero heto si Kaitlin, takbo to the max. Tagaktak na ang pawis. Kakasuklay palang pero mahangin na sa labas!
*Riiingggg Riiingggg
Di na siya mapakali, kuntudo na sa pag-ring ang smartphone niya. Mas bibilisan niya ang pagtakbo habang kinakapa sa sling bag ang gadget. Humahaba narin ang leeg niya naghahanap ng jeep. Kaso punuan, walang bakante. Sayang naman kung magtataxi siya. Uupo pa lang pero kuwarenta na!
Sasagutin niya ang tawag. Kagyat na ilalayo ang gadget sa tenga, kasi sumisigaw na si Cha. Iyong pinsan niya na niyaya niyang manuod ng sine, Fast and Furious 7.
Kung sino pa ang nagyaya, siya pang late!
"Ampotch naman Kat! Saang lupalop ka ba ng universe?? Kanina pa ako andito sa mall! Mukha na akong naghihintay ng ka-eye ball! Leche 1,2,3...na.." Asar na si Cha. Nananakit narin ang mga paa niya sa kakalakad. Magkakalahating oras na niyang hinihintay ang bruha.
"Chill, couz! Super lapit na!" Pagsisinungaling ni Kaitlin. Ang totoo niyan hindi pa siya nakakasakay sa jeep.
"Libre mo'ko ng popcorn! Pinaghintay mo'ko ng matagal!"
"Sure, couz. Oh sige bayeeee!"
End call agad. Di ba tapos magsalita si Cha. Ihihirit niya pa sana ang pantulak.
Kaway ng kaway ang lola niyo, kaso sisinyas lang ang driver ng high five. Ibig sabihin puno na!
Inis na si Kaitlin. Titingin sa relo. Titingin sa mga jeepney. Titingin uli sa relo. Tapos sisilip sa cp, ayun tumatawag na naman si Cha. Mas lalo siyang magpapanic. Kakaba lang ng tawag, unli lang couz? Unli Call?
Dededmahin niya ang tawag ni Cha. Isisilid sa sling bag ang cp. Kunwa bingi siya. Bingi! Bingi! Bingi.
Lalakad si Kaitlin. Sobrang layo na ng nilakad niya pero wala paring jeep. Magmumura siya. Alas onse na kasi ng tanghali at iyong sikat ng araw nakakatusta!
Wala siyang payong. Tamad magdala. Hayun, panyolito ang ginamit, tinakpan lang ang mukha!
May nakita siyang bakante, kababa lang ng isang pasahero sa jeep, kakawayan ni Kaitlin. Hihinto ang jeep. Mapapangiti siya. Aaliwalas ang mukha! Sa wakas! Heto na ang pinakahihintay niya! Kaso biglang may the flash na lalaking bumangga sa likuran niya.
"WTF!" Hihiyaw siya, panlalakihan ng mata ang lalaki. Kaso deadma si guy. GENTLEMAN NO MORE ang peg! Papasok sa jeep. Uupo. Ayon, puno na ulit. Bye bye jee-eeep.
Imbyerna si Kaitlin, siya iyong pumara pero iba ang nakinabang!
Nanggigigil na si Kaitlin para gustong magwala. Gustong sumigaw sigaw pero masisira ang poise niya. Haler, ikli kaya ng palda niya!
Huminga siya ng malalim.
"All is well. All is well. All is well." Aniya pilit pinapakalma ang sarili.
Gamit ang mga daliri sa kamay, pinaypay niya ang mukha. Tulo much na ang pawis. Mausok pa!
Maghihintay siya ulit ng jeep. Tumingala siya sa langit. Masyado pa atang maaga para sa falling star? Pipikit siya. Magdarasal.
Pagdilat niya ng mata. Makakakita siya ng isang jeep. Dininig ang kanyang panalangin! Kaso may twist!
Bulok na mukhang titirik na ang itsura ng jeep. Sisinyasan siya ni Manong. (Senior Citizen)
BINABASA MO ANG
Mr. Lusaw Tingin (ONE SHOT STORY)
Short StoryStory Setting : JEEPNEY :) Copyrights 2015 at PlainVanillaGirl. All rights reserved. Do not plagiarized.