Chapter 33

76 1 0
                                    

Chapter 33

Text

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Mama!" sigaw ko ng matanaw si mama sa hilera ng mga tao sa terminal.

Nagtatatakbo si Mama saakin.

"Marionne! Naku! Miss na miss kita anak!" bungad ni mama sabay yakap saakin.

Naroon rin si Maricon na napayakap rin sakin.

"I miss you ate.." aniya. Ginulo ko ang buhok nya.

"Dalaga kana ah! May nanliligaw naba sayo??"

Umirap lang sya. "Ate talaga! Wala nuh! Si mama kasi!" anya pa.

Tumawa lang kami ni Mama. Lahat kasi ng gustong makipagkaibigan na lalaki kay Maricon ay binabakuran ni Mama. Bawal pa raw magboyfriend ang kapatid ko hanggat hindi nakakatungtong sa kolehiyo.

"Aba'y talagang hindi pa pwede Maricon. Magcollege ka muna! Bawal kapang magboyfriend noh!" sabi ko naman.

Nagtawanan lang kami. Mabuti na lang at masunurin itong si Maricon.Hindi siya kailanman sumuway samin ni Mama. Kahit si Mama at ako lang ang kasama nya, at walang gabay ng isang ama ay napalaki sya ng mabuti.

Nagtricycle na kami papunta sa bahay. Habang binabagtas namin ang daan ay tahimik lang akong nagmamasid sa paligid. Nakakamiss rito sa Baler. Napapangiti ako dahi masisilayan ko na rin ang munti namin bahay. Papasyal rin ako sa puntod ni Papa.

Kalahating oras ang biahe namin at nakarating na kami sa bahay.

Nagtatatalon ako sa kama ko nang makapasok ako roon. Nakakamiss dito sa kwarto ko! Inayos ko na rin ang mga gamit ko at nagpasyang tulungan si Mama sa paghahanda ng hapunan.

"Mama, kumusta napo rito? Okay na ba iyong lupa?" tanong ko kay Mama.

May problema kasi sa lupa ni Papa. Nag-aaway away ang mga kapatid ni Papa sa lupa at balak nilang wag kaming isama sa share ng lupa. Hindi naman ako papayag roon. Si Papa ang panganay ng Esguerra kaya malaki ang karapatan nya sa lupa nila at ngayon ay kinakamkam ito ng bunso at pangalawa nyang kapatid.

"Okay na iyon anak. Pumayag na ang Tita Melba at Tito Mike mo sa hatian. Ipinoproseso na iyon pero okay na ang hatian. Fair na sa lahat." ani Mama habang nagluluto ng paborito kong Baradibud. Lutong Iloko iyon dahil Ilokano si Mama.

"Mabuti naman po kung ganon." sabi ko lang.

"Ikaw? Kumusta ka sa Maynila?? Kumusta kayo ni Kevin?"

Saglit akong natigilan. Hindi pa alam ni Mama ang nangyari sa relasyon namin ni Kevin. Hindj na rin kasi saakin mahalaga pa iyon at nakamove-on na rin ako ng tuluyan.

"Wala na kami Ma, matagal na kaming hiwalay. Hindi ko lang po nasabi sainyo dahil busy ako sa school." sabi ko nalang.

Tanging tango lang ang isinagot saakin ni Mama. Ayaw niya kasi si Kevin para saakin pero wala na syang nagawa noong sinabi kong nobyo ko na ito. Pero ngayon, wala akong narinig na salita kay Mama. Tila wala na din syang balak ungkatin pa ang dahilan. Okay naman na ako roon para hindi na nya malaman dahil walang kwenta rin lang.

Nang matapos na sa ginagawa si Mama ay ako na mismo ang nag-ayos ng hapag-kainan Si Maricon ay nanunuod lang ng tv sa sala.

"Tawagin mo na ang kapatid mo, tata na't kakain na tayo." utos ni Mama.

Sinunod ko naman ito matapos ko mag-ayos sa hapag. Sumunod din si Maricon saakin. Habang kumakaen ay nagkukwentuhan lang kami, nagbabalitaan. Totoong namiss ko sila, ang pamilya ko. Ang dahilang kung bakit ako nagsisiskap mag-aral sa Maynila para maiahon kami sa hirap. Para magkaroon ng kinabukasan ang pamilya ko. Pinangako ko ring ako ang magpapaaral kay Maricon kapag nagkolehiyo siya.

"Doon kapa rin ba nakatira sa condo ng kaibigan mo?" biglang tanong ni Mama. Alam nyang sa condo ako nakatira ngayon peron hindi nya alam kung sinong kaibigan ko. Hindi ko rin naman sinabi baka anu pa isipin na niya pag nalamang lalaki ang may-ari noon.

"Opo. Pero lilipat na rin po ako kapag may nakita akong murang apartment." sabi ko nalang.

"Aysus anak. Kung hindi ka naman pinapaalis ay huwag muna. Oportunidad na yan, kita mo pinapatira ka na nga ng libre ay aayawan mo pa." sabi ni Mama sa makabuluhang tono.

Hindi naman kami murang pera pero alam kong iyon ang ibig nyang sabihin.

"Anak, hindi naman sa isipin mong piniperahan lang sya o sinasamantala mo ang kabaitan nya pero maging praktikal na anak. Suklian mo nalang ng kabutihan ang tulong na ibinibigay nya saiyo" ani mama.

Tumango nalang ako. Kaya rin gusto ko ng maghanap ng ibang malilipatan ay dahil sa gaanong posibilidad. Alam kong balang araw ay malalaman din ng lahat na sa condo ako ni Brayden nakatira at hindi maiiwasang pag-isipan nila ako ng masama.

Natapos na kaming kumaen. Si Maricon ang nagligpit at naghugas ng kinainan. Nagkukwentuhan lang kami ni Mama sa sala habang kaharap ang tv. Naramdaman ko na ang antok at nagpaalam na kay Mama dahil bukas ay maaga akong pupunta sa puntod ni Papa. Humalik na ako sa pisngi ni Mama at pumasok na sa kwarto ko. Nagbihis muna ako ng pantulog saka humiga sa kama ko. Kahit naman hindi kami karangyaan ay okay at kumportable padin ang bahay namin. Kutson ang higaan namin. Ito ay pundar ni Papa noong buhay pa sya, dahil gaya nga ng sabi ko ay okay lang ang buhay namin noong buhay pa sya at nakakaluwag-luwag din kami.

Nakahiga na ako ng biglang magvibrate ang cellphone ko. Pagbukas ko nito ay,

Brayden:

Hi there! You already eat your dinner?

Napangiti ako ng mabasa ang simpleng text ni Brayden. Pagod ako sa biahe at dapat ay nagpapahinga na pero pinili ko paring replyan sya.

Ako:

Yep. Tapos na. Ikaw? Nandito na pala ako. Around 4pm.

Agad naman syang nagreplay kaya napapangiti ako mag-isa habang yakap ang unan ko.

Brayden:

Kdadating ko lang sa house from office. Kakain palang ako. How are you? I'm sorry for the disturb. You should be resting..

Nagreply din ako agad sakanya.

Ako:

Nope. I'm okay. Kakatapos ko lang kumaen kaya hindi pa ako natutulog. Kumaen ka muna. Baka gutom kana.

I wonder, bakasyon na pero pumupunta prin sya sa office? Ang sipag talaga ni Brayden. Siguro ay hinahasa na sya ng magulang nya sa kanilang businss dahil sya ang magmamana at magpapatakbo nito sa hinaharap.

Brayden:

Yep. Gutom na nga. Andaming ginawa sa office. So what's your plan tomorrow??

Ako:

Plan? hmmm. I just go to cemetery. I'll visit my Papa.

Natagalan sya sa pagreply sa text kong iyon. Kaya hindi ko napansing nakatulugan ko sya.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon