Francheska's
Tatlong araw na..
Tatlong araw na nakalipas ng sabihin ko sa kanya yung plano namin. Tatlong araw na din na hindi kami nakakapagusap. Alam ko namang galit siya eh pero diko akalain na matitiis niya ko ng ganto
bukas na alis namin. Nakapagpaalam nako kila brixx actually lahat sila nandito pwera lang sa kanya
"Oh guys enjoy lang kayo dyan" sabi ko sa kanila
"Cheska sure na ba talaga kayo?" tanong ni Harlyn kaya tumango nalang ako
"Nasan nga pala si Ivan? bat wala dito?" tanong ni Budoy. Siniko naman siya ni Harlyn kaya ngumiti nalang ako bago umakyat
"Ang daldal mo talaga!"
"Sorry diko sinasadya"
Kinuha ko yung phone ko baka sakaling may text siya pero wala pa din. Ganun na ba talaga siya kagalit at natitiis niya na hindi magpakita sakin kahit bukas na alis namin?
"Handa naba gamit mo?" tanong ni mommy
"Yeah"
"Nakausap mona siya?" ngumiti nalang ako bilang sagot
Nagpaalam na sila brixx kasi may gagawin pa daw sila. Sasama naman daw sila sa paghatid samin bukas
sana sumama naman siya
Bago umalis silang lahat may binigay sakin si Princess, isang box galing daw kay Mokong
"Ate pinabibigay ni kuya, buksan mo daw yan pag nandun kana" ngiti niyang sabi tas umalis na
"Kamusta na si Ivan?" pahabol kong tanong
"Okay lang siya"
Gusto ko siyang buksan kaso sabi nga ni princess pag nandun na daw ako ayoko naman magcheat
"Girl aalis na ba talaga kayo? pano tong bahay niyo?" tanong ni sheena
"Ewan ko kay mommy, Ikaw gusto mo ba magstay pa din dito?"
"Hindi na. Sasama na ko kay mommy dun sa bahay. Balak ko naman talaga umuwi na dun eh,"
"Ah, kung gusto mo sama ka samin? tas uwi ka nalang after summer?"
"Hindi na susunod na lang ako dun pag gusto ko may aayusin pako dito eh" tinulungan ako ni sheena magayos ng iba pang gamit na dadalin namin, madami dami pa rin kasi to eh
After kong ayusin mga gamit ko pumunta muna kong park para makapag relax, kaso kesa magrelax mas ginusto ko na lang makipaglaro sa mga bata
"Hello kids" masigla kong bati sa kanila
"Heyow" sabay sabay nilang sabi
"Mommyy!" magulat ako ng sumigaw yung isang bata at niyakap ako bigla
"Justin?" tumango siya habang yakap ako
"Nasan mommy mo?"
"Mommy dito" sabi niya, ang cute niya talaga ang taba ng pisngi
"Let's play"
Naglaro kami kunyari ako yung monster tas sila yung kakainin ko, ang saya nilang tignan para silang mga angel
Nang hingalin nako kakahabol tinawag kona sila para makapagpahinga kami saglit, pawis narin kasi sila
"Mommy! ganda mo mownster"
"Eh? gwapo mo namang baby" sabi ko sabay kiss sa pisngi niya
"Mommy! Look! daddy daddy!" nagtatatalon siya habang may tinuturo kaya napatingin ako sa likod ko. Si Ivan may dalang ice cream
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Teen Fictiononce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible