The Almost Perfect Guy

29 1 0
                                    

Ito na ang pinakahihintay ng Club namin, ang pagtatayo ng registration booth para makahikayat ng freshies at transferees. Ang purpose nito ay hindi lang para magkaron ng bagong members pero para magkaron kami ng Award. If our Org got 10 Awards for the whole school year, lalo na ang Distinguished Club of the Year Award, malaki ang chance na baka kami ang hiranging Best Org of the Year.

7:30 a.m. ang call time namin, dahil nine pa mag start ang class ng lahat. Pero nag-iingay na din ang Radio Club kahit na sa ganitong kaagang oras. Naririnig sa buong campus ang kwentuhan, at bungisngisan ng mga radio jock. Pero ang alam ko strictly english sila, they can talk tagalog pero not all the time. Ang kagandahan naman, kinuntsaba na ni Carlo ang president ng Radio Club para i-promote ang Alagad ng Sining Club, ma utak talaga.

"Sige diyan nalang 'yan, tapos dito yung isa," Paglelead ni Carlo sa ibang officers. Pinagmamasdan ko lang ang seryosong si Carlo. Naalala ko tuloy kung pano ako natalo as President ng club. Well, no hurt feelings, ang habol ko lang naman ay pampabango ng CV ko, atleast VP Internal pa din ako. Hard working talaga to si Carlo at ma effort, iniisip ko kung saka sakaling ako ang naging presidente baka hindi ko matutukan ang club gaya ng ginagawa niya. Habang nag-gugupit ako ng decorations, nakita ko ang mga ka officers kong babae na napatigil sa mga ginagawa nila at nakanganga. Kumunot ang noo ko at tinignan yung direksyon kung san sila nakatingin. I saw this guy, wearing white t-shirt, black jeans and a brown loafers, mejo may magulong buhok na bagay naman sa kaniya. Gwapo, malakas ang dating. Malamang, mapapanganga ba ang mga ito kung hindi? Pero wa epek sakin. Tssss. Bumalik ako sa pag gugupit, pero sila, na stock kakatitig. Nilapitan ako ni Carlo.

"Wow, deadma?" Tanong niya sabay kuha ng mga pictures na nagupit ko na.

"Bakit? Sino ba yun?" Tanong ko sa kaniya. Mukhang malakas ata yung tanong ko kaya nahimasmasan yung mga ka-officers ko.

"What, Alie, you don't know Lloyd?" Tanong ni Cindy.

"Seriously Alie?" Tanong ni Maggie.

Umiling na lang ako sa mga tanong nilang dalawa at natawa si Carlo.

"Gad, I thought lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kanya, pero hell yeah, you don't know him? You're really one-of-a-kind," Aniya at patango tango pa sabay kindat sakin. Ugh, kumindat pa nga. Di ko alam kung na amaze siya sakin o natuwa siya dahil na iinggit siya dun sa Lloyd na yun.

Inuulit ko, may mapapala ba ako sa kaniya? Tsss. Nagpatuloy na lang ako sa pagugupit ko ng decors. Mukhang malapit nang matapos ang booth namin. Pinuntahan kami ni Ma'am Macasakay, adviser ng club, at may dala-dala siyang paper bag na naglalaman ng sandwiches. Ang sweet talaga ng adviser naming ito.

"Wow! Good job everyone! Ang ganda ng booth niyo!"

Siyempre, effort kaya to. Binaba namin mula sa Art Lab yung mga gawa ng alumni at ibang studyante na naka display lang dun. Tapos yung registration book namin effort din, scrapbook na sinunog sunog ang dulo. Meron din kaming maliit na flat screen TV para i-play yung mga videos na nakuha namin sa internet, about arts din. Kaya nga lang, hindi naman ito labanan ng pagandahan ng booth, sana marami ang magpa register samin at sumali sa club.

Past nine na, juice colored, wala pa ring halos lumalapit sa booth. May ilang tumitingin lang habang naglalakad pero grabe, wala talaga! Maya-maya pa'y may lalaking lumapit. Aba, eto yung Lloyd ah? Lumingon ako sa likod ko, at di nga ako nagkamali, nakanganga at naglalaway na yung mga ka-officers kong babae.

"Hi! We are The Alagad ng Sining Club! We give importance to art. One of our goals is to preserve it and bring awareness to other teenagers na nakakalimutan na what art is," bungad ko sa kanya. Nakita ko siyang tumatango tango lang. "Do you want to sign up? Here!" Inabot ko na sakanya yung ballpen, baka sakaling mag sign siya. Nako kung saka-sakali, baka dumami din ang mag sign pag sumali siya samin, makukuha namin ang Distinguished Club Award! Naririnig ko sa likod ka ang omg omg! Sign please! Aaaahhh.. Napailing nalang ako.

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon