Finding Flaws

15 1 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas, at yes, talk of the school pa din itong si Lloyd. Tsk pambihira naman, iritang irita na yung tenga ko sa tuwing nagkukwento si Lacey tungkol sa kaniya pati na din sa mga babaeng nakakasalubong ko. Tinitignan ko ang reaksyon ni Jerome, wala, malayo ang tingin sa tuwing si Lloyd ang bukang bibig nitong si Lacey. Imagine ha, parang wala lang sa kanya ang break up nila ni Maki. Pambihira!

Nasa bench kami sa student's lane. Dun muna kami nagpapalips ng oras habang naghihintay ng next class. May mga babae sa gilid na katabing bench. Sa harap namin ay may bakante pang bench. Hanggang dito ba naman Lloyd pa din ang nasasagap ko? Pinaguusapan nung mga babae si Lloyd. Kung di ako nagkakamali dito ang tambayan niya at ng tropa niya. Okay, so that explains kung bakit sila nandito. And yeah, tama nga sila, paparating na sila Lloyd.

"Oh my gosh, ayan na siya, ok let's talk about Jackie ah!" Sabi nung babaeng maikli ang buhok na naka black skater skirt, white pullover at sneakers. Umayos silang tatlo sa pagkakaupo at pinag usapan yung Jackie. Sino si Jackie? Siya ba yung magaling na host ng MC Philippines?

"Oh em gee. Jackie is so cool talaga. Idol ko siya! I followed her on instagram, and she rocks! Did you saw her posts last night?" Dagdag niya, pinakita ang phone sa mga kaibigan niya at sumulyap sa kinauupuan nila Lloyd.

Aba, epektib! Nakuha nga nila ang atensyon ni Lloyd. Bakit? Celeb crush niya? Whatever! Dahil nga nasa harap namin sila, tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, at nakita niya yung ginawa ko. Tinitigan din niya ko, oo alam ko, sakin siya nakatingin, dahil mahigpit na ang pagakakahawak ni Lacey sa braso ko, at sa gilid ng mga mata ko, nakita ko yung tatlong babae na parang papatayin ako sa titig nila sakin. Maya-maya pa'y nawala ang titig niya sakin ng kausapin na siya ng mga kaibigan niya.

Agad akong binulungan ni Lacey, "Nakita mo ba yun? Nakatingin siya sayo!"

Tumaas lang ang kilay ko at napakunot ang noo. Ano ba? Ano bang meron sayo? Panigurado meron ding hindi maganda sayo! At tutuklasin ko yun! Pero pano? Stalk? Ugh no way! Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, nag ring ang phone ko, tumatawag si Lucas, presidente ng Yellow Theater.

Ako:
Hello? Lucas?

Lucas:
Girl, are you free this friday?

Ako:
Yeah why?

Lucas:
Hmmmp! Alam mo naman kung bakit diba! Months ang preparation for this year's play. So we need you as our...

Ako:
Set designer.

Lucas:
A-huh! You know naman pala eh. So we'll discuss the details on Friday!

Ako:
Okay! Sure!

Lucas:
Aryt! See you on friday at the mini theater, 5pm. Bye.

Binaba ko ang phone ko, di ako pwedeng magkamali, napatingin siya sakin nung sinabi kong, Lucas at set designer. Hmmm, ano na naman bang problema niya? So...back to business. Ano nga ba yun? Ah yeah, I have to find his flaws. I know meron, at mahahanap ko din yun.

So this how the ''Oplan Finding His Flaws'' went:

Day 1 Tuesday

Sabi ko naman diba, ayokong maging stalker niya, but heavens are with me. Sakto, pagkababa ko ng taxi, I saw him with his friends sa gilid ng school sa may smoking area. Nagyoyosi yung mga kaibigan niya. Hinanap agad ng mata ko ang daliri niya, baka may nakaipit na yosi. But there's no cigar, or I am too late to witness him smoking? Actually, tuwing bubuga yung mga friends niya tinatakpan niya yung ilong niya, and he was just chewing a gum. Fail? Aryt then, he's not smoking.

Day 2 Wednesday

Mag-isa ako sa cafeteria, nag-aantay kila Lacey at Jerome. Seriously? Parang ang dalas ata nilang magkasama ngayon ah? At ako naiwan? Hay, may nareceived akong text from guidance, ang sabi they want to see me. Why? May nagawa ba akong masama? Parang wala naman?

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon