Christmas Ball
Xyrene's POV
naabutan ko si mommy na nasa kusina, may suot na apron, halatang nagluluto. napansin niya naman ako at inutusang gisingin na si zee dahil malapit ng magtanghali. sinunod ko naman si mommy at naligo na rin ako at nagbihis. Dec. 23 na pala ngayon, umaga ng ball, mamayang alas sais pa naman ang ball kaya 9 na nagising si zee. buong umaga ay nagbonding lang kami ni Zee with mom, kulit nga nilang dalawa eh, minsan nagtataka ako kung sino talaga ang anak ni mommy samin ni Zee.
Sumapit ang ala 1 ng tanghali at dumating na naman ang kaibigan ni mommy na make up artist na si ate Gretchen. nagkwentuhan muna sila ni mommy at ng 2:30 na ay nagsimula na siyang ayusan si Zee, braided ang buhok nito na magandang tingnan at bagay rin sa suot niyang red cocktail dress, bagay ito sakanya at at naging dahilan sa paglutang ng maputi nitong balat na pinaresan naman ng wedge shoes na sa tantya ko ay 3 inches ang taas. sunod naman akong inayusan ni ate Gretchen, ang uma-along brown hair ko ay brinaid ng napaka simple na sa hula ko ay waterfalls ang tawag doon, simple lang din ang aking makeup, hindi ito makapal na bumagay saking suot na black and white cocktail dress. white ang top na may burdang itim at makintab na itim ang bottom. Stilleto naman ang sapin ko na may taas rin na three inches. saktong alas sais ng gabi ay natapos na kami. nakatanggap naman ako ng text galing kay Myckel na nasasabing sa venue nalang daw kami magkikita.
nakarating kami ni Zee sa harap ng school, dun din kasi ang venue ng ball sa school gymnasium. Sinalubong naman ako ni Myckel at nauna na kami, sa aming paglalakad papasok ay nakasalubong naman nmin si Edreian...
"Dude." sabi ni Edreian kay Myckel, tinanguan niya naman ito bilang tugon. "Ui, ganda natin Xyrene ah! Si Zee?"
"Salamat. nasa labas pa siya, iniintay ka yata" sagot ko sa tanong ni Edreian.
"sige, una na 'ko" paalam niya..
nagpatuloy naman kami sa pagpasok ni Myckel nang malapit na kami sa pinto ay pinagbuksan kami ni manong guard. Isang apak palang namin papasok ay sinalubong agad kami ng spotlight, tinginan naman lahat ng mga schoolmates namin sa'min hanggang sa maka-upo na kami ay saka lang rin kami tinantanan ng pag sunod ng spotlight, nakakapagtaka nga kung bakit pero hindi ko nalang rin pinansin dahil baka ganoon lang talaga kapag may dumadating. Ngunit nakapasok na ang iba naming kaklase, kapwa mag-aaral, mga guro't pati narin si Zee at Edreian ngunit wala namang sumunod na spotlight sa kanila... natigilan naman ako sa pag-iisip ng magsalita ang emcee sa stage...
"Merry Christmas each and everyone of you!" masiglang bati ng emcee. naghiyawan naman ang lahat.
"Let's start the parteeehhh!!!!!!!!!" sigaw niya. nagsimula namang tumugtog ng jolly Christmas songs at nagsayawan ang lahat maliban sa'min ni Myckel..
Natigilan ang lahat sa pagsasayaw ng biglang ng iba ang music, hindi ito Christmas song kundi pangbrokenhearted na kanta. Dumaan sa gitna ng nagsasayawang mga estudyante ang ilaw ng spotlight at huminto sa tapat ng pinto, sakto rin namang nagbukas halatang may papasok pero ibinaling ko nalang muli ang tingin ko sa pagkain sa harap ko..... nagsimula namang umingay ang gymnasium dahil sa mga bulong-bulongan..
"wow! he's sizzling hot!" sigaw naman ng isang babae
"ang gwapo niya talaga!" sabi ng isang babae sa katabi niya..