14

228 7 55
                                    






"Ni-reject niya ako!" Nasamid si Clara sa iniinom niya. Nabitawan naman ni Nat ang burger niya, buti nalang sa hita niya 'yon nahulog. "Ano ibig-sabihin n'on? 'Di pa siya ready mag-commit? E, bakit niligawan niya ako?!"



"Seryoso ba?!" Tumango ako kay Nat at nagpaawa. "Baka naman kasi..."



"Masyado kang nagmamadali." Si Clara na ang tumapos sa sasabihin ni Nat. "Hindi naman siguro sa hindi pa siya handang mag-commit. Baka kasi iniisip ni Markus na nadala ka lang sa emosyon. Maghinay-hinay ka naman kasi, teh. Hindi naman tatakbo 'yung tao."



"What if napipilitan nalang siya tapos ayaw niya lang ako masaktan kaya hindi siya tumitigil sa panliligaw? P'wede 'yon, 'di ba?" Inilapit ko ang mukha ko sa kanilang dalawa. Napanguso ako nang ilagay ni Clara ang daliri niya sa noo ko at itinulak ako palayo. Napalingon ako sa lalaking huminto sa gilid ng table namin. "Jowa mo," biro ko kay Clara.



Napalingon naman si gaga. Feeling may jowa. Tumayo siya at bineso si Edward. Nagkatinginan kami ni Nat at mukhang pareho kami ng iniisip. Bagay sila... Bagay na bagay. Magkaibigan lang kaya talaga sila?



Lumipat si Nat sa tabi ko at in-offer ang upuan na katabi ni Clara kay Edward. Nagpasalamat ang lalaki at naupo rin naman. Pasimple kong siniko si Nat habang pinagmamasdan namin ang dalawa.



"Night shift ako today, J. Mag-solo ka nalang. Friends mo naman 'yon, 'di naman nila ako kilala." Ang isang kamay ni Edward ay nakapatong sa backrest ng upuan ni Clara. Sinadya kong ihulog ang straw ko. Dahan-dahan ko iyong pinulot at nakita ko kung paano hinawakan ni Edward ang kamay ni Clara sa ilalim ng lamesa! "Hindi kasi talaga kaya ng sched ko."



"'Di na rin ako pupunta."



"Bakit naman? Pumunta ka na!"



"I don't think it would be a good idea to go there without you."



Nauntog ako sa lamesa! Chineck agad ni Nat ang lagay ko. Sinabi ko sa kanila na okay lang ako. Pero nakakahiya 'yon! Binuksan ko ang messenger ko at chinat si Nat tungkol sa nakita ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Nat nang buksan niya ang phone niya.



Nagkunwari akong kinikilig sa chats ni Markus para hindi magduda si Clara. Nakagat ko ang labi ko nang i-forward sa akin ni Nat ang picture nina Clara at Edward noong nasa Boracay sila. Kasama si Edward?! And most especially, kasama nila si Nat! Ako lang ang wala! I feel betrayed!



"Si Nat nalang kaya sumama sa 'yo? Tutal close, maaasahan, at mapagkakatiwalaan naman si Nat! Si Qams kasi hindi puwede, alam mo na kung bakit. Isama n'yo na rin si Pia. Ipapaalam kita kay Markus, beh." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Clara. Desisyon si gaga!



"Sage..." Putangina?! Second name basis?! Gano'n sila ka-close? "We literally own the hospital, there's nothing to worry about."



"Paano 'yung mga pasyente ko-"



"Kate will replace you for the meantime. Do we have a problem pa ba? Tell me, so I can do something about it." Amoy healthy relationship.



Hindi lang tuloy si Clara ang isinama ni Edward. Nadamay pa kami ni Nat! Si Nat naman kasi, always ready at game! Hindi na ako nagpaalam kay Markus na may pupuntahan akong party. Hindi rin naman siya nagc-chat sa akin ngayon!



Naka-sleeveless top at trousers lang ako. Si Nat naka-croptop at skirt. Si Clara... Ayun, nag-ayos nang bongga! Naka-dress si gaga. Pero in fairness, mas lalo siyang naging sexy dahil fit na fit ang dress sa katawan niya at kitang-kita ang kurbada ni Clarabells.



Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now