Untitled Story Part

267 31 0
                                    


1 message received!
_
_
_

From: Bestfriend :)
09**5205311

Sobrang nasasaktan ako tuwing nakikita kitang nanluluksa. Wala man lang ako nagawa upang ibsan ang sakit na kasukuyan mong tinatamasa.

Tama na! Ano ba? Palagi ka nalang ba ganito? Ikaw itong nagmahal ng lubos pero nagawa kang gaguhin ng syota mo. Maawa ka naman sa sarili mo. Tuwing nakikita kitang umiiyak,nasasaktan talaga ako. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Puede naman ako na lang yung piliin mo eh. Pero bakit siya ang pinili mo?

Bakit ba lagi nalang siya?
Kung tutuusin, siya na sinasaktan ka. Siya na pinapaasa ka at siya na pinaglalaruan ka.

At bakit kahit kailan ay hinding-hindi mo ako nakikita? Bakit na kahit anong gawin ko,hindi mo nararamdaman itong pagmamahal ko sayo?

Pagmasdan mo yung mga taong nasa paligid mo. Lahat sila nakakaramdam. Nakakakita. Ewan ko kung bakit bulag na bulag ka sa katotohanan.

Sa tuwing kailangan mo ng tulong,nandyan ako agad para tulungan ka.

Sa tuwing kailangan mo ng kausap,ako itong nakikinig sayo.

Sa tuwing kailangan mo ng kakampi,andyan ako palagi sa tabi mo upang alalayan ka.

Sa tuwing may problema ka, ako itong nagsisilbing pader mo na masasandalan mo kahit anong oras.

Sa tuwing may sakit ka,ako itong nag-aalaga sayo.

Sa panahon ng kagipitan,ako lagi itong humahanap ng paraan upang matulungan ka at malutas ang suliraning pinagdadaanan mo.

Sa oras ng saya o ng kalungkutan,ako lagi ang iyong kasa-kasama.

Ako ang iyong katabi sa bawat hamon ng buhay na iyong tinatapakan.

Ako itong inuuna ang kapakanan mo bago ang sarili ko.

Ano pa bang kulang? Lahat na yata ginawa ko para sayo. Pero,lagi kang nagtatayo ng pader na pumpagitna sa atin kaya mas lalo akong nahihirapan na abutin ka. Bakit masyado mo akong inilalayo sayo?

Ang tanging hiling ko lang,sana makita mo rin itong mga sakripisyong ginagawa ko para sa iyo kasama ang pagmamahal na buong puso kong alay sa iyo.

Pero kahit ano pa yata ang mangyari,

hindi na mababago itong pagtingin mo sakin na

mananatili lamang ako na iyong

BESTFRIEND habang buhay.

Ngayong maliwanag na ang lahat

Kailangan ko nang tanggapin ang mapait na kototohanan na 'Oo' ang sagot sa katanungang...
_
_
_
_
_
_
_
_
_

Hanggang Bestfriend Lang Ba?

Hanggang Bestfriend Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon