Chapter 32

5 0 0
                                    


Ella

Habang nasa veranda ako at nilalaro si Zayd ay may napansin akong puting sports car sa may gate kausap yung guard, hindi naman tinted yung salamin pero hindi ko parin kita kong sino yung may-ari dahil madilim na

Kinabahan naman ako kaya pumasok na kami ni Zayd, baka magnanakaw yun nagmamanman lang para alam yung pasikot sikot

'Pero...nakasports car magnanakaw? nababaliw na ba ako? pwede rin namang nakaw din' bulong ko sa sarili ko. Hinayaan ko na lang iyon at pinatuloy ko na si Zayd dahil maaga pa ako bukas, pupunta ako sa Anniversary nina tita Beth bukas, tumawag kasi kanina si Lucie at sinabi nyang pinapapunta ako ni tita Beth.. Nakalimutan nya raw kasi sabihin kanina nung pumunta sya dito sa bahay kaya sa Phone nya na lang sinabi

Pumayag naman ako, pero sandali lang ako hindi ko kasi dadalhin si Zayd

*knock* *knock*

Someone knock on my door. Tumayo ako para buksan iyon at bumungad sa akin si Julia na may bitbit na pulumpong ng rosas na nakabalot sa mamahaling papel

I gave her a questioning look, pero iniabot nya lang saken yun at ngumiti

"may nagpapabigay, hinatid nung guard kanina sabi iniwan para sayo"

"kanino raw galing?" I ask in confusion, wala talaga akong maisip kong sinong magbibigay ng ganito... Except one person pero napakaimposible

"I don't know! Wala naman sinabi, hindi na rin ako nagtanong.. Sige maiwan na kita may tatapusin pa kaming game ni dad matatalo ko na sya eh.. bye alis na ako baka dayain nya ako" then she left, at halos lipari nya ang hagdan sa pagmamadali

Isinara ko ang pinto at saka umupo sa kama ko, pinagmasdan ko ang mga bulaklak..

Tumayo ako at kumuha ng isang vase na nakatago sa kabinet ko, nilagyan ko iyon ng tubig at dun ko inilagay yung bulaklak. Nang matapos na ay saka ko lang nakita yung papel na nakasiksik sa ilalim at mukhang inilagay yun duon ng taong nagbigay hoping na makita ko iyon o sana hindi!

Binuksan ko iyon at binasa ang sulat

"flowers for the beautiful lady, I hope you're happy.. I love you!" and I gasp, sulat kamay iyon ni Devon, hindi ako pwedeng magkamali

Matapos kong mabasa iyon ay tumakbo ako sa veranda, wala na yung kotse! now im sure sya yun, si Devon yun hindi ako pwedeng magkamali sya lang ang gumagawa ng ganito.. Pero bakit? Bakit sya nagbigay? Anong plano nya? Ano ba naguguluhan ako

"ate! Nandito na pala yung damit mo na susuotin bukas.. Hinatid kanina nakalimutan kong ibigay sayo"

It was Julia

"ate? May problema ba? Bakit parang balisa ka?"

"ah wala lang ito! Wag moko alalahanin bakit hindi ka pa natutulog?" i ask, para maiba ang usapan

"si dad kasi at saka si Alex, nakipagpustahan saken! mapaparusahan ang unang matutulog"

i cant believe it..i just laugh ano na naman kaya ang nakain ni dad

"si dad talaga parang bata kahit kelan, ngayon nya pa naisipang makipaglaro sa inyo ngayong may edad na sya! wag ka magalala mananalo ka im sure..hindi kakayanin ni dad magpuyat makakatulog agad yun mamaya-maya lang"

nagpaalam na saken si Julia, at saka bumaba na para simulan ang laro nila at ako naman ay natulog na dahil mahimbing na rin ang tulog ni Zayd

kinabukasan ay maaga akong nakagising dahil ginising ako ni Zayd, nitong mga nakaraang araw ay palagi na syang nauunang magising at ginigising na lang nya ako sa pamamagitan ng pag-iyak

His Almost Cinderella WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon