"Anak kong MAGANDA, mag iingat ka sa labas. May serial killer na pagalagala. Baka mapahamak ka. Ayokong mawalan ng anak na MAGANDA"
Kanina pa nag re-replay sa utak ang paalala ng aking Nanay. Nag paalam kasi ako na pupunta lang ako sa mansion nila Bethy. Nag text kanina ang Papa ni Bethy na nag kulong daw ito sa kwarto. At dahil mabait slash MAGANDA akong kaibigan ay bibisitahin ko sya.
Nag replay nanaman sa utak ko ang sunabi ng Nanay kong jejemon kaya habang nag lalakad ako ay palinga-linga ako. Baka mabiktima ako nung killer na pumatay sa dalawang lasing.
Habang nag lalakad ako ay may napansin akong lalaki na sinusundan ako. Siguro ay isa sa mga manliligaw ko ito diary. Hihi!
Sa kalandian ko ay nasuot ako sa hindi pamilyar na iskinita.
"Miss, hold up to!"nagulat ako sa nag salita. Eto yung nakasunod sakin na akala ko e manliligaw ko. Sya pala yung sinasabi nilang serial killer na pagalagala sa lugar namin. May hawak itong kutsilyo na nakatapat sa tagiliran ko.
"W-wala---"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nag salita ulit sya. "Subukan mong sumigaw. Butas yang tagiliran mo"
Kompirmado, diary! eto nga yung salarin sa pag patay ng dalawang lasenggo. Na sense ko yung mabaho nyang hiniga. Eto siguro ang ginamit nya sa mga biktima nya.
Tinakpan ko ang ilong ko kasama narin ang bibig ko para hindi ako ma-sigaw.
"Ang baho ng hininga mo" parang ngongo kong sabi sa kanya dahil nakatakip ang kamay ko sa bibig ko.. Daig pa imburnal bunganga nya diary. "Tae ba tooth paste mo?"dagdag kopa.
"Wag ka nang maraming sinasabi! Akin na ang pera!"sabi nya. Buti nalang at nakatakip ang ilong ko kung 'di ay baka katapusan na ng story ko.
Dumukot ako sa gawing bra ko. Doon ko kasi nilagay dahil naka mini skirt ako at wala itong bulsa. Nakita kong sampung piso nalang pera ko.
Naku diary, baka pag nalaman nya na eto lang ang pera ko ay wakasan nya ang buhay ng PRETTY na katulad ko. Tsk!
Pag takbo ang na isip kong paraan diary. Kung mapapatay man nya ako sa saksak ay okay lang. Kesa naman mamatay ako sa baho ng hininga nya! Gross..
Lord kayo na ang bahala. Kung ayaw nyong nabawasan ang MAGANDA sa mundo ay tulungan nyo ko. Hihi.. Nag bilang ako sa isip ko ng hanggang tatlo at pag katapos sinabayan ko ng takbo.
Ewan ko pero habang tumatakbo kami ay parang naging slowmo ang lahat. Ewan ko kung guniguni ko lang diary pero pati ang background nimin ay na iba. Para kaming mag kasintahan na nag hahabulan sa tabing dagat. Para kaming isang karakter sa isang pelikula na masayang nag hahabulan at pag nahuli nya ako ay mag papa-gulong
gulong kami sa buhanginan.Pero biglang bumalik ang lahat sa dati. Bumalik sa normal ang kilos ng paligid. Nawala ang pagiging slowmo.
Habang tumatakbo ako ay napalingon ako sa humahabol sakin. Malapit na malapit na sya diary."Huli ka, balbon!sabi nya sabay saksak sakin. Bigla nalang akong naluha. Hindi sa sakit ng pag saksak nya kung 'di sa na isip ko na masysado atang maiksi ang story ko. Huhu! Entry number two palang tapos na agad. Huhuhu!
Lumingon ako dito sa punyetang kriminal nato. Nagulat ako nan'lalaki ang mata nya. Ewan ko rin kung bakit hindi ako nakakaramdam ang sakit na dulot nang pag saksak nya. Nilingon ko ang hawak nyang kutsilyo at nanlaki din ang mata ko. Hindi pala nya ako nasaksak. Kung'di yung monay na tig li-limang piso na binili ko sa bakery ni MANANG BOLA kanina. Ginawa ko itong padding sa pwet ko. At dahil hindi ako nag suot ng underwear ay inis-scatch tape ko labg ito.. Hihi..
Tulala parin at walang ka kilos-kilos itong si manong holdupper sa kutsilyong may nakatusok na monay.
Nakaayos na ako't lahat pero ganun parin ang pose nya. Hinawakan ko ang anes nya. Narinig kong napa ungol aya pero wala parin syang kilos. At dahil na bored ako kaya na isipan ko nang iwan sya.Nag pasalamat ako kay lord diary dahil niligtas nya ako. Hihi.. At syempre nag pasalamat din ako dito sa monay ni manang Bola. Kinuha ko yung isa pang monay. Yung kapares ng isa at kinaen habang naglalakad. Nakakaguton kasi.
Dumeretcho nalang ako at nalalakad na ngayon sa loob ng palengke. Ang dami pa kasing dadaanan bago makarating sa sakayan ng Jeep. Ang baho dito diary! Ayoko talaga sa lugar na 'to! Saktong pag ubos ko nang kinakaen kong monay ng may lumapit saking pulubi.
"Ate! Pahingi po ng pag kain"sabi nya habang nakalahad ang kamay.
"Bata. Wala na kong pag kain, e"lumingon ako sa paligid para mag hanap kung may mabibilan na ag kaen. Pero puro karne at isda lang ang nakikita ko.
'Kumakaen kaba ng hilaw na bangus, bata?"tanong ko sa kanya at umiling lang sya.
"E, gulay? Singkamas? Talong? Sigarilyas, at mani?"umiling lang ulit sya."Sitaw? Bataw? Patani?" Umiling sya.
"Kundol? Patola? Upo? Kalabasa?"iiling na sana sya ng inipit ko ang ulo nya. "Gaga! Meron pa! Labanos? Mustasa? Sibuyas? Kamatis? Bawang? Luya?---"hindi ko na natapos ang last line ng takpan ni Bata ang Bibig ko.
"Sa paligidligid ay puno ng linga"sinamaan ko sya ng tingin. Mang aagaw! Kakatusan ko na sana ng nag mag salita ulit ito. "Ate, maawa na po kayo.. pag kain lang po"sinuyod ko na ang buong paligid pero wala talaga akong makitang makakaen.
Dinukot ko yung wallet na naipit sa bra ko at kinuha ang natitirang sampong piso. "Bata, o. Maliit na halaga lang yan. Sana makatulong"binigay ko na sa kanya ang dapat ay pamasahe ko. Na-awa ako sa kanya diary. Ako nga nahihirapan sa pagiging MAGANDA. Tyak na mas mahirap ang magutom.
Nakatitig lang si Batang walang pangalan sa inabot ko sa kanya. Tinapik ko lang ang ulo nito at lumakad na. Ang sarap sa pakiramdam ng nakatulong diary. hihi..
Nagulat ako ng may tumamang matigas na bagay sa ulo ko. Nang galing ito mula sa likod. Parang may nambato sakin. Nakita ko yung batang tinulungan ko, diary.
"Nakakaintindi kaba ng tagalog? Sabi ko pag kaen! Hindi ko kay langan ng pera!"ibabato ulit nya sakin yung isang limang piso ng ma ilagan ko ito. Pinakyu nya muna ako bago nag tatakbo. Putris na bata iyon diary. Walang utang na.loob. Sya na binigyan eh..
Pinulot ko yung dalawang limang piso at inis na umalis na roon. Ang hirap talagang maging mabait. Tsk!
Papalabas na ako ng palengke ng mahalip ng paningin ko ang isang adonis na lalaking pinag papantasyahan ko.
OMG! Si HUNKY HOT WAYNE...Naka topless sya habang may buhat buhat na sako sa likod. Basa na ng pawis ang katawan nya. Napatingin ako sa abs nya. Hoooo... Sh*t! Baka hindi ako makapag pigil at mag selfie ako dito. Hihi..
May kinausap syang may edad ng matanda at umalis na.. Hindi ko mapigilang sundan sya diary. Ang sexy nya kahit nakataligod.
Sinundan ko lang sya kung saan sya mag punta, umabot kami sa sakayan ng tricycle. Binaba nya ang buhat nyang sako ng bigas sa likod ng sasakyan. May inabot sa kanya yung kasama nyang matanda. Natuwa ako diary dahil hindi nya tinanggap iyon.
Lumingon sya aa gawi ko nag tama ang mga tingin namin.

BINABASA MO ANG
DIARY NG ILUSYUNADANG BAKLA [GayxBoy]
Humor"Hala! Ayan na------: "Feeling Rich Kid!" "Feeling Sexy!" "Asyumera!" "Ambisyosa!" Narinig kong bulong-bulongan nung padaan ako. HMP! mga insekyora! Bakit? *Masama bang mga ILUSYON na MAYAMAN ka? *Masama bang mag ILUSYON na PAK-PAK ang BODY FIGURE m...