all the names of the characters and scenes in this story just came out from the author's imagination. any names or scenes that happened to be like anyone's are just accidental and has nothing to do with them.
please respect the author's creation and do not edit this without my permission because I am the AUTHOR.
please enjoy the story and comment anything and don't be shy to address my faults. thank you.
all rights reserved.
____________________________________________________________________________________________________________
Gary
Hayy.... Enrollment na naman. Meaning, mae-expose na naman ang kagwapuhan ko. Marami na namang magpapapansin sakin.
Ako nga pala si Gary Field. Nakakatawa ba ang pangalan ko? Pwes, mahihiya kayo kapag nalaman nyong isa akong bench model. Endorser din ako ng afficionado at marami akong commercials pero ayoko mag-artista. Baka kasi mas dumami ang mga fans ko. Baka di ko na mahanap ang babaeng hinahanap ko.
Sabi kasi sakin noon ng lola ko,
"Apo, kapag may nakilala kang babaeng mataray at hindi naghahabol sayo, habulin mo sya kaagad dahil sya ang tunay na babaeng magmamahal sayo. Ganon kasi kami nagkakilala ng lolo mo. Hindi ako nagkagusto sa lolo mo dahil mayaman sya at gwapo. Nagkagusto ako sa kanya dahil nagustuhan nya ako kahit tinarayan ko sya sa umpisa pa lang."
Kaya ganon nga ang ginawa ko. Maraming gustong makipagkilala sakin pero di ko pinapansin.
Bumaba na ako sa kotse ko nang makarating ako sa school. Enrollment nga kasi ngayon at 3rd year college na ako pagpasok.
"Hi, Gary!" Salubong agad sakin ni Violet.
Sya ang leader at president ng fans club ko dito sa school. Pero kahit kailan, di ko sya pinansin.
"Hello, Gary! Gusto mo, sumingit ka na dito sa unahan namin?" - Jane
"Oo nga! Malapit na kami sa cashier o?" - Kate
"Hoy! Nauna akong bumati kay Gary!" - Violet
"Ako naman ang unang nagyaya sa kanya na sumingit dito a?!" - Jane
"E ako naman ang pinakamalapit sa cashier kaya ako dapat ang una nyang mapansin!" - Kate
Sila naman ang mga subordinates ni Violet. In other words, alipores. Lagi silang nag-aagawan sa atensyon ko gaya nito.
BINABASA MO ANG
Taray! Ikaw na! (one shot)
Short Storyone shot. about faith and destiny. maikli lang naman to. kung pwede nga lang, sa description na lang ng story na to ko ilalagay yung mismong story kaya lang, wala ng mare-register na readers. enjoy!