Wedding Partner (one shot)

187 5 0
                                    

all the names of the characters and scenes in this story just came out from the author's imagination. any names or scenes that happened to be like anyone's are just accidental and has nothing to do with them.

please respect the author's creation and do not edit this without my permission because I am the AUTHOR.

please enjoy the story and comment anything and don't be shy to address my faults. thank you.

all rights reserved.

____________________________________________________________________________________________________________

AJ

Hi! Ako si Arvin John. At gwapo ako, mayaman, habulin, tinitilian, pinipilahan ang kahit anong ibenta ko dahil gwapo ako, at higit sa lahat, GWAPO ako. Inulit ulit ko ba yung GWAPO? Well, ganon talaga ako i-describe ng mga tao e.

Pero magpaparaya ako ngayong buwan na to dahil ikakasal na ang maganda kong ate. At ginawa nya akong abay.

"Hoy, AJ! Wag kang mawawala mamaya sa boutique! Kung hindi, hubad kang lalakad sa simbahan!" Paalala sakin ni ate Jenny. Sya yung ikakasal.

"Oo na! Oo na! Dadaan muna ako sa mall. Maghahanap muna ako ng aasawahin ko para magkasunod tayo."

"Tae ka! Girlfriend muna pwede? Asawa agad?"

"Sus! Dun din naman pupunta yun! At tsaka, sino pala yung kapartner ko?" Excited na tanong ko sa kanya.

"Tingnan mo na lang sa invitation. Alis na kami ni mama. Pupunta kami sa reception kasama ang kuya mo." Paalam nya.

"Future kuya pa rin. Wag kang atat. May 18 days na lang naman."

"Bahala ka na nga jan!" Sabi nya at sinarado na ang pinto ng kwarto ko.

_______________________

"Gosh! Ang gwapo naman nya!"

"Kamukha nya si Matteo Do!"

"Pero parang mas lamang pa sya!"

Yan ang iritan ng mga babaeng nakakasalubong ko.

Ano ba yan? Ang lakas talaga ng charm ko! Kaya nga madalas akong kunin ng mga advertising companies bilang endorser. At kapag suma-sideline ako bilang tagatinda ng ticket sa sinehan, blockbuster yung pelikula. Kahit di nila panoorin! Ginagawa ko yun para makakuha ng pera pambili ng bagong damit, sapatos o kahit anong gusto ko.

Wedding Partner (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon