James' POV'
Mga ilang minuto lang may nahagip ang atensyon ko.....Yung babae kanina na dahilan ng pagkabasa ng sando ko.
"Miss Pilipino ka di ba?" Sabi nung lalaki sa kanya habang grabe kung tumitig.
Di sumagot yung babae.
"Gusto mo ba sumama sa condo ko? May ipapakita ako sayo at maituturing mo na yung paraiso" sabi ulit nito and this time iba na ang titig nito parang hinuhubaran na siya sa tingin nito, naka two piece nalang kasi yung at makikita mo talaga ang kaseksihan nito.
"Ayoko nga, tsaka pwede ba, kung may binabalak ka, wag mo nang ituloy" pagtataray nung babae.
"Pakipot ka pa eh" sabi nung lalaki at pilit hinihila yung babae.
"Bitawan mo nga ako!"
"Dude, sabi niya ayaw niya. So, stay away from her" sabi ko nalang nung nakalapit na ako.
"Sino ka naman?"
"I'm his boyfriend" palusot ko
"Maniniwala ako sayo kapag nasagot mo ang tanong ko, ano pangalang niya. Kung girlfriend mo edi alam mo ang pangalan niya" nakangising sabi nito.
Patay...
"Di mo naman pala kilala eh, so tara na miss"
"Ayoko nga"
"I know her name" napatigil sila
"So ano baka hula-hula mo lang kasi mukha di naman kayo eh, ang tagal mo kasing makasagot eh pangalan lang naman tinatanong ko"
"Hindi ka naman siguro nagmamadali noh? Auring is her name" sabi ko.
Gusto ko ng tumawa ngayon na as in. Ang ganda ko naman gumawa ng pangalan. hahah
"Madali naman akong kausap eh, marami pa namang iba jan" sabi nung lalaki habang nakangiti at binitawan na yung babae at umalis na.
"Gago ka pala eh" sabi ko at aambang susuntok sana pero nakatakbo na siya.
"Salamat nga pala"
"Hindi kita tinulungan, sadyang gusto ko lang maki alam sa inyong dalawa. Boring kasi dito."
"Sigurado ka sa sinasabi mo?"
"Ang alin?" Tanong ko
"Na-hindi mo ako tinutulungan? Na trip mo lang?"
"Oo ng--- aray!" Sabi ko at napa-aray na lang.
"Bakit mo ko binatukan?" Tanong ko
"Sa dinami-dami mong pwedeng ma-isip na pangalan, bakit Auring pa?. Ginawa mo naman akong si Madam Auring" sabi niya at nagpout.
"Hahahahaha!!" Napatawa nalang ako, kasi nung maalala ko ang name na Auring nakakatawa.
Pinagtataka ko lang sa dinami-dami ngang pangalan bakit Auring na-isip ko?. Baka bagay lang siguro sa kanya kaya yun naisip ko. Hahaha
"Marunong ka palang tumawa no?" Sabi niya at tinitigan ako.
"Kapareho mong tumawa ang ex ko" bigla niya sabi.
"Kamukha mo nga rin ex ko" sabi ko
"Siguro maganda siya noh?, kasi kong kamukha kami, sigurado akong maganda siya. Maganda ako eh"
"Dream on" sabi ko at tumayo na at nagsimulang maglakad
"Totoo naman ah" sabi nito at sinundan ako.
"Huwag mo nga akong sundan!"
"Sungit mo naman, meron ka ngayon no?"
"Ano!" Sigaw ko.
"Joke lang, saan ka nags-stay ngayon?" Tanong niya
"Huwag na baka pasukin mo ko ngayon gab-- aray!, bakit ka na naman ba namamatok?, nakakadalawa ka na ah"
"Feelingero ka kasi. Gusto ko lang magkaroon ng kaibigan. Nadine nga pala" sabi niya sabay lahad ng kamay niya
"Hindi ako interesado sayo AURING... hahhahaha" sabi ko at tumakbo na, hinabol niya naman ako
"Bwesit ka!"
Kathryn's POV'
"Ansakit!" Nagising nalang ako nasa kwarto na ako. Pero di ko kwarto ito. Saan na ako? Pero pareho pa naman ang damit ko kahapon at ngayon.
Ang sakit ng ulo ko parang nabibiyak. Bakit pa kasi ako uminom eh.Biglang bumukas ang pinto at nandoon ang isang lalaki.
"Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko
"Ako nga pala si Diego, nandito ka sa condo ko"
"Bakit ako nandito? Ano ginawa ko dito?"
"Lasing ka kagabi miss, di naman alam ng kaibigan ko kung saan ka nakatira kaya dito ka niya pinadala, don't worry wala akong ginawa sayo" sabi ni Diego
"Nasaan siya?"
"Wala siya dito, mukhang nasa bar na naman yun ngayon"
"Ah sige salamat sa pagpatulog sakin dito. Sige uuwi na ako baka hinahanap na ako sa amin" paalam ko at tumayo na pero bigla niya ako pinigilan
"Hatid na kita miss" sabi nito
"Kathryn or Kath nalang itawag mo sakin"
"O sige Kath" sabi nito
At lumabas na kami sa condo niya at pumuntang parking lot.
Pumasok na kami sa kotse niya kaya tinuro ko na sa kanya ang daan papuntang bahay namin.
Nung nakarating na kami,nagpasalamat na ako sa kanya.
Pagpasok sa bahay, madaming katanungan agad ang inabot ko kay mama.
"Anak saan ka galing? Bakit di ka umuwi kagabi? Sino kasama mo? babae o lalaki? Bakit amoy alak ka?"
"Ma huwag po kayong mag-alala okay na po ako. Kailangan ko lang pong magpahinga" sabi ko kay mama at umakyat na ng kwarto para matulog ulit dahil ang sakit ng ulo ko. I need rest.
Daniel's POV'
"Bro asan siya?" Tanong ko kay Diego nung pagpasok ko sa condo niya"Umuwi na dude? Bakit?"
"Ano ? Hinayaan mong umuwi yon? Baka mapano yun!" napataas na tinig ko.
Di dahil sa concern ako kasi kagabi kasi nung nawalan siya ng malay. May lumapit na lalaki at sinabing boyfriend niya ito kaya hinayaan kong kunin siya buti nalang at narinig ko yung kabarkada nung lalaki na may plano siya sa babaeng yun.
"Relax lang bro, hinatid ko naman"
"Ah ganun ba?,.oh sige aalis na ako" sabi ko nalang at lumabas na.
Pupunta nalang uli ako sa bar para uminom.
Di talaga ako titigil hanggat hindi ka babalik sakin Nadine.
Nagsimula na akong uminom hanggang sa paparami narin ang mga babaeng lumalapit sakin para makipaglandian.
Umiwas ako sa kanila pero nung lasing na talaga ako hinayaan ko na silang halikan ako, tumugon nalang din ako.
Nae-enjoy ko naman kahit papano kaya hinayaan ko na talaga sila.
Ilang minuto lang din tumigil na ako at sila nalang ang humalik.
"I want to be your girlfriend" sabi nung isang babaeng hinahalikan ako.
"Sure" sabi ko naman.
Ngumiti nalang yung babae na parang nanalo sa lotto.
"Girls, girlfriend na niya ako. So back off!" sabi nung babae.
Umalis na ang iba kaya sinolo na niya ako bahala siya sa buhay niya gawin niya ang gusto niya. Ang landi.
Tsk..
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
DiversosFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...