Ala-sais na ng umaga at ang aking usual na ginagawa lalo pa't bakasyon ay ang mag-jogging sa dulo ng subdivision na tinitirhan namin dito sa cavite. Usual ko na itong ginagawa pero ang pakiramdam ko ngayon ay unusual... kasama ko kasi ang kaibigan kong wasak ang puso....
"e bakit ba kasi nagtiis ka dyan sa ex-boyfriend mo huh?"
Tanong ko sa kanya habang tumatakbo kaming dalawa
"mahal ko e!"
Hinihingal pang sagot sa akin ni Eulli, ang bestfriend ko... ewan ko ba sa kanya! Maganda naman sya, mabait at matalino pa pero nagtyaga sya dun sa boyfriend nyang di mapagkakatiwalaan ang pagmumukha tapos eto kapag may problema sila sasama sya sa akin mag-jogging
"tanginang pagmamahal yan bes. may nagmamahal bang nasasaktan? E baka naman one sided lang yan!"
Nakangiti ko pang pang-aasar sa kanya
"tarantado ka naman alexis eh, pwede ba icheer up mo naman ako.. bestfriend tayo diba? Ang sakit mo magsalita e!"
"yun nga bes e,bestfriend tayo kayo imbis na paasahin kita dyan sa fairytale na gusto mo e maling-mali naman yun!"
Pagpapatuloy ko habang tumatakbo kami, muntik akong ma-out of balance sa pagsiko nya sa akin
"anu ba yun?"
May tinuturo sya gamit ang nguso nya
"bes alam ko break na kayo ng boyfriend mo pero ano ka ba wag akong gawin mong panakip butas, at wag dito bes maraming tao!"
Alam kong nagets nya ang pangbubuyo ko sa kanya
"gago tingnan mo yung tinuturo ng nguso ko!"
Sinunod ko naman ang sinabi nya sa akin
"tingnan mo yang si ate, kanina ko pa yan napapansin e, umiiyak habang nagjojogging!"
"baka pagod na pero kelangan nya pang tumakbo kasi nagpapaseksi"
Nakangisi ko namang sabi kay Eulli
"ang abno mo talaga, baka broken hearted, lapitan mo dali para magkalablayp ka naman!"
Tapos bigla nalang syang tumakbo papalayo sa akin , baliw talaga tong kaibigan ko. Anong tingin nya sa akin playboy.....
"alam mo miss di naman sapilitan ang pagjojogging kaya wag ka na umiyak dyan"
Sabi ko habang nasa likod ako ng babaeng tinuro ni Eulli, oo sinunod ko sya sinundan ko ang babae pero di naman ako playboy ah! Nakakaawa kasi sya, umiiyak. Ayoko pa naman sa lahat ay ang makakita ng babaeng umiiyak!
Tiningnan nya lang ako at sabay punas sa kanyang luha gamit ang hawak nyang baby pink na bimpo, gaya ng bestfriend ko masasabi kong maganda syang babae, matangkad.. oo masasabi kong matangkad sya dahil sa height kong 5'11 e hanggang tainga ko siguro sya... mukha naman syang mabait
"ahm. Alex Prior nga pala, taga dyan sa phase 1, di ako manyak at di ako manloloko"
Pagpapakilala ko sa kanya tapos huminto naman sya sa pagtakbo gayun din ako, humarap sya sa akin ng blanko ang ekspresyon sa mga mukha
"alam mo kayong mga lalaki pare-pareho lang naman kayong mga manloloko e!"
Ah! Tama nga si Eulli wasak ang puso ng babaeng kaharap ko ngayon
"Miss wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko ah, alam mo yang pilosopiya mo ay parang paniniwala rin ng maraming Pilipino e"
Biglang nagka ekspresyon ang mukha ng babaeng kaharap ko, parang hinihintay nya ang sunod kong sasabihin
"Parang sa milktea.... may namatay lang dahil sa milktea sinabi na nilang lahat ng milktea may lason, parang ikaw, niloko ka lang ng isa nilalahat mo na!"
Te-teka? San ko ba hinugot ang pinagsasabi ko sa kanya saka baka isipin nya feeling close ako sa kanya
"alam mo kasi di mo naiintindihan e!"
"edi ipaintindi mo. Alam mo willing akong making at ang kaibigan ko!"
Nakangiti kong sabi sa kanya, tinawag ko naman si Eulli para di mailang ang babae
Umupo kami sa isa sa mga benches sa gilid ng subdivision
"ako nga pala ulit si Alex, at ito ang kaibigan kong si Eulli"
Ngumiti naman sya sa amin ni Eulli at gayun din kami sa kanya
"Ako nga pala si Michie... Michie Perez. Bakasyonista lang ako ditto.. dyan sa bahay ng tita ko sa phase 3!"
"ah. So anong kwento mo dear?"
Pag-uusisa naman sa kanya ni Eulli tapos bumuntong hininga si Michie at nagsimulang magkwento..........
BINABASA MO ANG
Para Sa Nagpakatanga
Teen FictionPrologue: Parati ka bang pinapaasa? Parating Pinaiiyak? Parating Sinasaktan? Parating iniiwan ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan mo? Pakiramdam mo ba isa kang bus? May mga taong dumarating sa buhay mo pero pagkatapos ng isang mahaba at mas...