Michie

15 0 0
                                    



Michie

          Buhay ko? Wala parang bus lang! Alam mo yun? Matapos mong makasama ang mga taong dumating sa buhay mo sa isang napakahaba at nakakapagod na byahe.. at the end of the day iiwan Karin nila.. at the end of the day ikaw nalang ang lalabang mag-isa

   Sabi nila maganda raw ako, matalino at mabait pero bakit parati akong iniiwan ng mga taong mahal ko?10 years old ako ng mgahiwalay ang parents ko dahil si papa may iba na palang pamilya sa America, 14years old naman ako ng magpasyang pumunta si mama sa New York para magtrabaho, di daw kasi sapat ang ang kinikita nya dito sa pinas, kaya fourteen palang ako mag-isa na akong nabuhay sa condominium namin sa Manila.

Pero this past few months okay naman ako, nagging Masaya ako dahil nakilala ko yung taong tanggap kung sino ako, mahal ako at nangakong di ako sasaktan......... si Mark

    Nasa isang party ako nun ng kaibigan ko. Oo typical na college student lang ako, gumigimik kapag nagkayayaan pero sinisigurado ko paring may time ako sa pag-aaral ko

"Mich may papakilala ako sayo!"

   Sabi sakin ni Ericka, yung kaibigan kong may birthday ngayon and at the same time bestfriend ko na rin

"sure. Sino?"

Tapos may lalaking lumapit mula sa likuran ni Ericka, matangkad sya, maputi at chinito

"meet Mark, kababata ko from davao.. yung nabanggit ko sayo last month na magtatransfer dito!"

"ah, Hi im Michie Perez"

 Bati ko sa kanya ng nakangiti at sabay alok ng kamay ko para sa isang hand shake

"hi Michie, ako nga pala si Mark Diaz!"

   "o pano Mich ikaw na munang bahala kay Mark ah!"

Buong party kaming magkasama, nagkwentuhan kami, mga favourites, places na gusto naming puntahan, usual na ginagawa, at napag alaman ko ring sa school pala na pinapasukan namin ni Ericka sya papasok

   Matapos ng party halos araw-araw na kaming magkasama nila Mark at Ericka, pagtapos ng klase ay parati kaming tumatambay sa condo unit ko. Movie marathon at foodtrip mga ganun ginagawa namin

"wait lang ah, kunin ko lang yung juice sa ref"

Pagpapaalam ko sa kanilang dalawa habang nanonood ng Bakit Di ka Crush Ng Crush Mo na pinapalabas ngayon sa cinema one

   Tumayo na ako para pumunta sa kusina, pagbukas ko ng ref ay nagulat ako sa boses na narinig ko

"Uhm Michie!"

Pagtawag ni Mark sa pangalan ko

"ano yun Mark? may Kelangan ka ba? Chips? Chocolate?"

"nope, pwede ba tayong mag-usap? Yung tayong dalawa lang?"

         Aaminin ko sa mga araw na kasama namin ni Ericka si Mark ay mas nakilala ko sya at pakiramdam ko ay may gusto na ako sa kanya pero ayokong mag-assume, yung mga katulad sa nababasa ko sa wattpad na may gantong eksena, yung sasabihin ng bidang lalaki kung pwede ba sila magusap tapos aamin sya sa feeling nya para sa bidang babae tapos iiyak yung babae kasi the feeling is mutual tapos dadating yung kontrabidang mukhang sampung taong walang toothbrush dahil sa bulok nitong ngipin na nanay pala ng lalaki tapos bibigyan ako ng cake tapos kakagatin ko tapos makakatulog ako tapos ikikiss nya ako and they live happily ever after? Ayoko nun!

Para Sa NagpakatangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon