Dulo ng Subdivision
"tangina gago naman pala yung kaibigan at yung ex boyfriend mo friend"
Sabi ni Eulli kay Michie habang pareho silang umiiyak dahil sa kwento ni Michie at ako? Nakatitig lang sa kanilang dalawa
"tangina, ginawa ko lahat e, kelangan nya ng pera? Binigyan ko. Gusto nya ng sapatos? Binilhan ko. Wala syang pambayad ng apartment? Ako nagbayad tapos tangina eto pa igaganti nya sakin? At yung walang hiya kong bestfriend? Hayop sya,ang kapal ng mukha nyang tumuntong sa condo ko, kumain ng mga padala ng mommy ko, gumamit ng mga gamit ko, magpabili ng mga make up at damit sa twing sasamahan nya ako sa mall tapos gagaguhin nya lang pala ako? Gagamitin dahil sa pera ko? Tangina nila pinagmukha nilang ako tanga. Ako naman si tanga di ko manlang napansin yung panggagago nila, bestfriend daw e, tangina kababata daw"
Humahagulgol nyang sabi na halos garalgal na ang boses dahil sa pag-iyak at sumabay pa tong si Eulli ng marinig yung salitang bestfriend. Ay naku naman baka isipin ng mga nagjojogging ako ang dahilan ng pag iyak ng dalawang babaeng ito dahil kanina pa sila napapatingin sa aming tatlo
"ayan, putangina nyang mag bestfriend nayan e. Mga kontrabida mga hayop. Bakit di pa bumuka ang lupa at lamunin yang mga pesteng bestfriend nayan!"
Napatitig naman ako kay Eulli, teka? Ako bestfriend nya ah? May iba pa bang bestfriend tong si Eulli? O may nagawa ba ako?
"wait bes, di ikaw alex. Kundi yung gagang bestfriend ni Marky"
"ah okay okay. Akala ko ako eh!"
"ano namang kwento mo eulli?"
Pagtatanong naman ni Michie kay Eulli, ays! Nakahanap ng masasandalan sa isat isa tong dalawang to. Siguro kasi pareho silang may pinag dadaanan ngayon kaya ganyan!
BINABASA MO ANG
Para Sa Nagpakatanga
Подростковая литератураPrologue: Parati ka bang pinapaasa? Parating Pinaiiyak? Parating Sinasaktan? Parating iniiwan ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan mo? Pakiramdam mo ba isa kang bus? May mga taong dumarating sa buhay mo pero pagkatapos ng isang mahaba at mas...