III: WAMPORT?!

14 0 0
                                    

Grabe talaga. Natapos ang buong araw akong nanlilimos ng papel at ballpen sa mga classmates ko. Akalain niyo 'yun? Nakasurvive ako ng walang anumang dala. Hahaha!


pero syempre joke lang 'yun.

Nako, hindi niyo alam ang hirap na dinanas ko. Halos amagin na ako, makahiram lang ng bolpen!! Kung pwede lang talaga manghablot, aba itago-tago niyo 'yang mga G-tech ninyo!

Idagdag mo pa yung kanina.... -__-

======*flashback*========

"Okay class, get one fourth sheet of paper."

"SER, WAMPORT PO? " kakatapos lang magsalita ng teacher namin ay biglang may humirit agad. Napaghahalataang hindi naglilinis ng tenga ang isang 'to.

"Oo. " sabay tango na tugon sa amin ni sir.

Maya-maya pa'y kanya kanyang hingi na sila ng papel.

"Sino may one fourth? "

"Uy pahingi ako ah?  "

"PENGENG WAMPORT!!!!!! "

WOW. Ang lakas talaga ng charisma ng one fourth dito sa amin. 'Yung tipong napapatayo talaga ang mga estudyante? 'Yung iba naman biglang nagiging matulungin.

Mabuti nalang at may papel pala akong naitago sa ilalim ng desk ko. Yoooosh! Hindi na ako manghihi--
"HI NIKKI! PAHINGI NAMAN AKO DYAN! "  pabulong na sabi ng isa kong classmate habang pataas-taas pa ang dalawang kilay.

"Eh, kasi malapit na maubos 'to--"

"AH! CLASSMATES TINGNAN NIYO SI NIKKI MAY ASDGWXUJDBC"  agad kong tinakpan ang bibig niya. Eto 'yung mga tipong masarap batukan e! Mang-blackmail ba naman. Binigyan ko nalang siya pero maya-maya pa'y may bigla na namang lumapit sa akin.

"Hihingi ka 'no? " inunahan ko na siya habang hindi pa siya nakakapag salita. Tumango naman siya at ngumiti pa. 'nako!

"Ayoko ngaa~" HAH! ano siya, sinuswerte? Allowance ko pinangbili ko dito 'noh!

"Grabe ka naman Nikki. Parang wala tayong pinagsamahan ah? " sabi niya sa akin habang naka-sad face na tila ba nagmamakaawa na ewan. Pinagsamahan? Eh hindi nga kami close eh. Bruhhh =_=

"Papel na nga lang hinihingi ko eh, ipagdadamot mo pa? Hays :( " Huli ka balbon!! Alam ko 'yang technique na yan.  Hahahaha pero sabagay, may point din naman siya kahit papaano - . -

Binigyan ko na lang siya ng papel dahil mukhang hindi ako titigilan ng isang 'yan.

WOOOO. ang saya. grabe.

Akala ko last na siya, pero mukhang may papalapit na naman sa akin.

Nooooooooooo~  (╥ o ╥)/

Bago pa siya magsalita, inabutan ko agad siya ng papel na ikinagulat naman niya.

"Ahh..  Eh kase...  Baka maubos 'yang papel mo ih. Hehe? " nakayuko at nakapout niyang sabi sa akin.

"Sige, okay lang sa akin."

"S-sigurado ka ba? Baka mamaya maubusan ka na ng papel ehhh!  " tumango ako. pakipot pa 'to, hihingi din naman pala. HAY NAKO HAHA

"Thank you po~! " sa lahat ng humingi sa'kin, siya lang marunong magpasalamat!

Akala ko tapos na pero may sumulpot agad sa harapan ko.

UTANG NA LOOB. LUBAYAN NIYO NA AKO.

Mukha ba talaga akong supplier ng papel?! (ㄒoㄒ)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally Falling For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon