Dahil 8am na at di pa tapos ang kwentuhan nila ay nagyaya si Michie dito sa bahay ng tita nya at sumang ayon naman kami ni Eulli, grabe kanina pa sila iyakan ng iyakan, diba nauubos ang tubig nila sa katawan? O baka nakakonekta sila sa nawasa? Tsk!
"alam nyo yang pain na nararamdaman nyo parang jogging yan!"
Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa at tumingin naman sila sa akin, tingin na nagtatanong kung ano bang gusto kong iparating
"jogging, kasi after mong mapagod, hingalin, at sakitan ng katawan worth it naman diba? Parang yung sakit na nararamdaman nyo, oo nasaktan kayo, napagod at nawalan ng tiwala sa mga taong nanakit sa inyo pero alam nyong worth it dahil may natutunan kayo after the pain! Sabi nga diba no pain no gain"
"alam mo alex kung magsalita ka parang umasa at naloko ka na ah, parang nagpakatanga ka na ah!"
Napatingin naman sa akin si Eulli dahil sa tanong ni Michie, alam kasi ni Eulli ang halos lahat sa buhay ko, para na rin kasing kapatid ang turingan namin ni Eulli
"Umasa? Oo.. Naloko? Kung panloloko mang maituturing yung sasabihin sayong di pa sya ready tapos malalaman mo nalang may boyfriend na sya edi oo din. Nagpakatanga? Sobra!"
Plain at walang buhay kong sabi kay Michie
"bakit ano bang nangyari? Magshare ka naman!"
"oo nga bes, ikwento mo na, kami ni Michie nagkwento na o!"
Umupo ako ng diretso at umiwas ng tingin sa kanilang dalawa, pinilit kong sinariwa ang lahat ng mga nangyari isang taon na ang nakakalipas!
BINABASA MO ANG
Para Sa Nagpakatanga
Teen FictionPrologue: Parati ka bang pinapaasa? Parating Pinaiiyak? Parating Sinasaktan? Parating iniiwan ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan mo? Pakiramdam mo ba isa kang bus? May mga taong dumarating sa buhay mo pero pagkatapos ng isang mahaba at mas...