Alexis

3 0 0
                                    




      Second year college student ako sa isa sa mga sikat at magandang university sa maynila, sa may bandang intramuros. Andito ako ngayon sa may walls, may hinihintay, may inaabangan.. pero syempre sinigurado kong mabango at presentable akong tingnan. Kanina pang alas nuebe natapos ang klase ko pero  di pa ako kaagad umuwi. Hinihintay ko pa kasi si Ericka, ang babaeng dalawang buwan ko nang nililigawan. Kaklase ko sya sa subject kong FnB. Irregular student kasi ako kaya bawat subject ko iba iba ang section. Mabait si Ericka, approachable at friendly. Yung tipong di ka mahihirapan pakisamahan sya..


      Sa dami ng estudyanteng lumalabas sa gate one ay di ako nahirapang hanapin si Ericka dahil malayo palang sya para bang may wifi na awtomatikong kumukonekta ako sa kanya


"akin na yang bag mo, ako na ang magdadala"


  "salamat Alexis, kanina ka pa ba?"


"di naman"


    Sa lahat ng tao sya lang ang tumatawag sakin ng Alexis, ayoko kasi ng tinatawag ako sa pangalang iyon. Nababaklaan ako sa tunog. Pero sya gusto nyang ayun ang itawag sa akin at gusto nya ring sya lang daw ang tatawag sa akin ng ganun


Pumunta kami sa isang mall di kalayuan sa intramuros, may bibilin daw kasi syang materials para sa tourism 2 project nya


   Matapos nyang mabili ang mga kelangan nya ay inaya ko naman syang kumain sa mcdo, umorder lang ako ng 2cheeseburger, 2 cokefloat at isang bff fries


"salamat sa pagsama mo sakin alex ah, malayo pa ang uuwian mo pero sinamahan mo parin ako"

Nakangiti nyang sabi habang kinakain ang cheeseburger

"ayos lang yun. Basta ikaw Ericka"

"pero alex kelangan ko nang mauna, kasi yung bestfriend hinihintay ako dun sa 3rd floor nitong mall"

"sige ayos lang. Pagtapos naman nito uuwi na rin ako"

"salamat talaga ah"

Kinuha nya na ang mga gamit at pinamili nya at umalis na. Inubos ko lang ang kinakain ko at umuwi narin ako...

     

Nakatambay kami ngayon ni Ericka sa may tuktok ng bayleaf hotel, umorder lang ako ng snack para sa aming dalawa, wala naming okasyon pero gusto ko lang syang mapagmasdan. Konti nalang kasi at magbabakasyon na at 2nd semester naba ka di ko na sya maging kaklase, tatanungin ko na rin kung sasagutin nya na ba ako....

"uhm Ericka may tatanong sana ako sayo"

Ngumiti naman sya habang sumisipsip ng icetea

"alexis may sasabihin ako sayo"

    Medyo alangan pa sya sa pagsabi

"ah sige mauna ka na magsalita"

    Mahinahon ko naming sabi sa kanya habang dinadama ko ang malamig na hangin sa lugar at ang magandang view sa aming paligid, halos kita mo kasi dito ang malaking bahagi ng maynila, kita mo rin ang ganda ng golf club sa tapat nito at ang manila city hall na puno ng ilaw dahil gabi na

  Huminga ng malalim si Ericka at muling sumisip ng icetea bago nagsalita

"um. Alexis pwede bang tumigil ka na sa panliligaw mo?"

      Inaasahan kong ang karugtong ay parang ganito "tumigil ka sa panliligaw mo kasi mula ngayon ay boyfriend na kita" pero iba ang narinig ko mula sa kanya

"kasi ano eh, kasi... may boyfriend na ako at nasa davao sya!"

    Natulala ako, nanigas, nanlamig para bang binuhusan ako ng isang nagyeyellong tubig sa mga sinabi ni Ericka, walong salita ang sumira ng pag-asa kong magiging kami, walong salita ang nagpawalang saysay sa lahat ng efforts ko para sa kanya at walong salita ang nagpatulala sa akin sa tuktok ng isang maganda at mamahaling hotel sa maynila.....

    Di ko namalayang matapos nyang magsalita ay umalis na pala sya.. mga dalawang oras din akong nanigas sa pagkakaupo ko sa lugar na iyon. Mga dalawang oras din bago ako natauhan sa kahibangan ko nitong huling dalawang buwan........matapos nun napag-alaman kong ang boyfriend nya ay ang kababata nya rin mula sa davao at pupunta raw ng manila para magpatuloy ng pag-aaral at para narin magtrabaho

Para Sa NagpakatangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon