Chapter 27 (Inis at Pait)

2.2K 44 0
                                    

Chapter 27


Inis at Pait


"Saan kayo galing?," bungad ni Ek pagdating namin ni Rich.

Kompleto na sila at nag-uusap na kung doon na lang ba sa food court o sa ibang fastfood chain kami kakain.

"Sa bookstore," maikli kong sagot.Ilang minuto lang nang iniwan kami nila Seth ay inaya ko naman si Rich na pumunta ng bookstore.

I needed to switch my thoughts.Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na doon sa mga babaeng sexy papunta sila Seth.

"Saan kayo pumunta kanina?," painosente kong tanong kay Seth at Edison.

"Diyan lang," sagot ni Seth.

Tumango-tango ako at humarap na sa iba naming mga kaibigan. "Saan tayo kakain?," tanong ko.

"Sa plato," sagot ni James na pinatulan ko naman ng napakalakas na tawa.Nagulat yata silang lahat dahil napatingin sila sa akin.

"OA ng tawa," komento ni Saida.

Huminto ako sa pagtawa. "Nakakatawa eh," sagot ko at umupo na sa bakanteng upuan katabi ni Kisses.

Lont table iyong napili nilang lamesa.May bakanteng upuan sa tabi ni Kisses na katapat naman ng inuupuan ni Saida.Katabi ni Kisses si Eka na katabi naman si Seth na may bakanteng upuan din sa tabi nito.Sina Saida,Nohlan,Edison,James at Gellie naman sa kabilang side.Hindi lingid sa akin ang pagsulyap nila mula doon sa upuang nasa tabi ni Seth at sa akin.

"Dapat dito ka," suhestiyon ni Edison habang turo-turo ang upuang katabi ni Seth na katapat niya lang.

"Saan?," kunwari ay hindi ko napansing iyong upuan kanina.Sinundan ko kung saan nakaturo ang daliri ni Edison para magmukhang mas kapani-paniwala ako.Pasiimple ko ring tinignan si Seth na diretso lang ang tingin sa katapat na si James.

"Ayy! Di ko nakita.Tsak nan—."

"Dito ka nalang,Rich," putol ni Seth sa pagsasalita ko.

"Doon ka na," siko naman ni Rich sa akin na nakatayo pa nga pala sa gilid ko.

Bumuntong-hininga ako at popormang tatayo na ngunit hindi ko iyon naituloy dahil sa nagsalita na naman si Seth.

"Dito ka na lang Rich,walang gustong umupo rito eh," ulit niya.

Dahil doon ay pabagsak akong umupo ulit at pinagkrus ang aking braso sa dibdib.Tiningala ko si Rich na nakatingin sa akin. " Doon ka na," sabi ko.

Nagmartsa papunta sa kabilang dulo ng table si Rich para umupo na samantalang ako naman ay iginala ang tingin sa kabuuan ng foodcourt.Nang ibinalik ko ang aking tingin sa aking mga kaibigan ay sinalubong ako ng tingin nina Nohlan at Saida.Kitang-kita ko sa mga mata nila ang pagtataka na may halong ' okay ka lang ba?'.Umiwas ako ng tingin at nagkunwari nalang na inaayos ang aking uniporme.Nanatili akong nakayuko dahil ramdam ko ang pagsimangot ng aking mukha.Tinatry ko namang ayusin ang aking hitsura ngunit ramdam ko pa rin ang  pinaghalong pait at inis na nararamdaman ko. The emotions too strong for me that I couldn't afford to fake a smile.

Nang sa pakiramdam ko ay kaya ko nang magpakaplastik ay tumingala na ako ulit at nagkunwari namang abala sa aking cellphone.Mabuti nalang at nakaconnect ako sa wifi ng mall kaya nanood nalang ako ng mga funny videos sa youtube.I shared it to Kisses kaya parehas na kaming tumatawa.Nakisali pa sa amin si Eka kaya tatlo na kaming tawa nang tawa.Sadly,despite our laughters,hindi ko pa rin magawang ishift iyong full attention ko sa video na pinapanood namin.Divided iyong attention ky Seth na nakikipag-usap na naman kina James at Edison, at kina Nohlan at Saida na nakatingin sa akin habang nag-uusap.

Tumawa ako nang malakas at humawak-hawak pa sa aking tiyan habang pinapanood ko ang video ng isang babae na nag-au-audition sa isang sikat na singing contest habang kumakanta ng mali-mali naman ang lyrics.

" I ken lee if libidibidawtyu," lalo pa akong tumawa ng malakas nang kantahin iyon ni Eka.

"Ang saya natin ah," puna ni Gellie sa behavior ko habang natatawa na rin dahil kay Eka na ginagaya iyong babae sa video.

"Ganun talaga," ngiti ko sa kanya.

Ang totoo,hindi naman talaga ako sobrang natatawa.Gusto ko lang makita nila na masaya ako.Kahit pa maghanap si Seth ng iba,masaya pa rin ako.

Wala akong pakialam.

I'm going cold turkey kung gusto niyang maggirlfriend na ulit.

Buhay niya iyon.

Sino ba ako para pigilan siya,diba?

"Buti ka pa,masaya na agad," Seth remarked.


So what? Ikaw din naman ah.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon