"Ma'am Bree pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa office po niya, maysasabihin daw po siyang importante," sabi ng maid namin at tumayo ako sa pagkakaupo sa kama. "Okay," sabi ko nagsoot ng hoodie. Pumunta ako sa elevator at pinindot ang 5th floor, si lolo kasi mala oval office ang office niya, hanggang 5th floor 'toh actually, tapos may basement pa. Sa basement maid headquarters, sa 1st floor yung living space, sa 2nd floor yung mga, guest rooms, sa 3rd floor naman ang tech/ movie room, sa fourth floor naman ang kwarto naming magpipinsan, pinagawa talaga ni lolo 'tong mga kwarto na 'toh para samin dahil dito kami nagsu-summer magpipinsan.
Kumatok ako sa pinto ni lolo,"Pasok," narinig kong sabi ni lolo sa loob. pumasok ako at umupo sa couch na ka harap ng desk ni lolo, "Pinatawag niyo po ako?" Tanong ko kay lolo. "Hintayin muna natin si Xander para sabay kong sasabihin sa inyong dalawa," sabi ni lolo. "Opo," sabi ko at umayos ng upo.
"Lo?" Xander.
"Pasok," lolo.
Pumasok si Xander at umupo sa tabi ko. "Pinatawag ko kayong dalawa dito para sabihing bumabagsak na ang kompanya natin," sabi ni lolo at tumayo. "Kaya naisipan namin ng lola niyo na ipagmerge ang kompanya ng kompare ko," sabi ni lolo at tumayo sa likod ng couch. "Ikaw, Xander tutal mas matanda ka ng isang taon kay Bree, ikakasal ka na," sabi ni lolo at nagulat si Xander. "Po?! Lo naman eh, ayoko pa pong mag-asawa," pagiinarte ni Xander. "Ikakasal ka sa December," sabi ni lolo. "Po?! Parang aga naman po nun, kailangan ko muna pong makilala ng husto yung mapapangasawa ko," sabi ni Xander kay lolo. "Aba, syempre apo, kayong dalawa ni Bree ay titira sa isa sa mga bahay natin kasama niyo ang magkapatid na Quireen," sabi ni lolo at umupo uli sa kanyang upuan. "Ikaw naman Bree kakasal ka next year, January to be exact," sabi ni lolo. "Po?! Lolo namin eh," pagiinarte ko. "Bukas ang alis niyo dito, kaya magempake na kayo," sabi ni lolo. "Opo," nakatungo kong sabi kay lolo, sabay kami ni kuya lumabas ng office ni lolo. "Bree magimpake ka na," sabi ni kuya pero pumasok ulit ako sa office ni lolo. "Lolo ilang days po ba kami dun?" Tanong ko kay lolo. "Hanggang sa January," sabi ni lolo. "So ibig sabihin po 4 months kami dun?" Tanong ko. "Oo apo, pakisabi na rin sa kuya mo naaalis kayo bukas ng 4:00am para dun na lang kayo magpatuloy ng pagtulog, ok, are we clear?" Sabi ni lolo at tumango ako, lumabas ako ng office at hinanap si kuya pero mukhang bumalik na siya sa kwaro niya.
:P
"Kuya?" Sabi ko at kumatok sa pintuan niya. "Pasok," pumasok ako at nakita si kuyang nagiimpake. "4 months daw tayo dun," sabi ko pero hindi pa rin siya umiimik. "Kaya magdala ka ng maraming gamit," sabi ko sakanya. Aalis na sana ko nung tinawag niya ko. "Bree," sabi ni kuya at tumingin ako sakanya. lumapit siya sakin at hinug ako, hinug ko rin siya pabalik. "Namiss ko yung dating ikaw," sabi ko sakanya."Sige kuya magiimpake na ko," sabi ko at tumango siya, lumabas ako sa kwarto ni kuya at pumasok sa kwarto ko.
i__i
Pagkatapos ko mag-impake ng lahat ng kailangan ko nagshower ako, nagbihis, nagtoothbrush at humiga sa kama.
Ang weird naman na ang bilis ni lolo umoo sa offer ng kompare niya tapos naisipan pa nilang magstay kami sa isang bahay.
Ganito ang hirap pag may company kayo, pwede kang i-arrange marriage ng pamilya mo sa taong ni minsan nakita mo.
Hay, bahala na si batman...
:3
A/N
Guys, patay na daw si Quicksilver(Avengers).Haha, besides na namatay siya, lilipat na si Bree ng bahay... Next chapter niyo malalaman/makikilala ang mga bagong characters, pinagusipan ko ang mga pangalan na 'toh for one week. Sorry po kung ang ikli ng mga chapters, kasi po gusto ko po umabot ng 100 chapters, haha OA na ko masyado.
Vote & comment & share
Thank you and read again.
-Sophia<3
Writren by: ilovesophia_me
Written on: April 26, 2015
Published on: April 26, 2015