: THIS STORY IS A WORK OF FICTION ANY RESEMBLANCE TO A PERSONS LIVING AND DEAD ARE PURELY COINCIDENTAL.
THIS STORY IS MY OWN WORK, PLAGIARISM IS A CRIME.~>>>>>>>
Hinay hinay kong minulat ang aking mga mata. ipinalibot ko ang buong paningin sa paligid. puti... puro puti lahat ng nakikita ko sa paligid... iginalaw ko ang aking mga daliri amoy palang ng lugar at halatang nasa hospital ako.
Bumangon ako kahit sobrang sakit ng buo kong katawan, napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng bigla itong bumukas at iniluwa non ang dalawang taong hindi ko kilala.
"Sino kayo?" mahina kung tanong
"Wag ka munang masyadong gumalaw baka bumuka ang sugat mo." Sabi ng matandang lalaki na doctor sa suot nitong white lab gown at stethoscope sa leeg nito na nakasabit.
napangiwi ako ng biglang sumakit ang mga sugat ko sa katawan."Ito, kumain ka muna pagkatapos ay uminon ka ng pain killers para mabawasan ang sakit." Sabi ng babaeng kasama ng doctor.
"By the way, I'm Helena and this is my husband Alfred."
pagpapakilala nya sa sarili at tinuro ang doctor na asawa nya."Two weeks kanang nandito sa hospital hija... kaya kumain ka para magkalakas ka." malambing nitong sabi, tumingin ako sa kanila at nanginginig na nagtanong.
" A-ang m-mga k-kasama k-ko? a-ang k-kapatid k-o? a-ang mga m-magulang k-ko? p-paano?p-paano a-ako----". nanghihina kong tanong at pinilit ang sariling magsalita. "P-paano a-ako n-napunta d-dito?" hinang hina at gulong gulo kung tanong.
napapikit ako ng maalala ko ang nangyari.
ang pagpatay ng mommy ko sa harapan ko. naramdaman kong bumuhos ang mga luha ko mula sa aking mga mata, habang naalala ang huling sinabi ni mommy." T-tumakbo ka na anak! bilis! h-hanapin m-mo s-si A-autumn m-maaaring nasa d-daungan n-na s-sya! anak s-sigi n-na! w-wag m-mong h-hayaang m-maabutan k-kan-nila! h-hanapin n-ninyo n-ng s-sabay n-ni A-autumn a-ang D-daddy n-ninyo! a-alis n-na!"
mas lalong namalisbis ang luha ko... ang kapatid ko, ang kakambal ko... sa daungan baka nandoon pa sya.
sinubukan kung tumayo para sana bumalik sa lugar na iyon ng may pumigil sa akin.
"Hija! jusko kumalma kalang!." natatarantang sabi ng ginang na tinulungan naman ng kanyang asawang doctor.
" Hija... kumalma kalang ok? kailangan mo pa ng lakas." Sabi nito
"Y-yung k-kapatid k-ko b-baka... baka nasa daungan pa sya naghihintay sa akin! pakiusap!bitawan nyo ako." umiiyak kung pakiusap. naramdaman ko nalang na niyakap ako ng ginang.
"Shhhh... kumalma ka muna, hindi ka pwedeng lumabas dito na ganyan ang mga mata mo at wala kapang sapat na lakas para bumalik sa lugar na iyon." pagpapakalma nito sa akin.
" Ng dumating kami sa isla hija, wala na ang sinasabi mong bangka at wala nadin ang mga taong sumalakay sa isla at... at w-wala ng buhay ang mga tagaroon maliban sayo ng makarating kami sa isla." mas lalong akong napaiyak sa sakit na nararamdaman ko.
"Shhhh... kain ka muna hija para lumakas ka."napatitig ako sa pagkaing nasa harapan ko hindi ko sila lubusang kilala baka may lason ang pagkaing nasa harapan ko.
Kung hindi ako namatay ng tamaan ako ng matulis na bagay na iyon... baka mamatay naman ako sa pagkaing may lason.
YOU ARE READING
Durchin Academy
General FictionAng mag pinsan na biktima ng karahasan sa kanilang mismong Isla, all they wanted is revenge, can they find revenge on the school they want to go? The school for gangsters, and Mafia's Only gangsters can enter the school weakling is not allowed. ...