"Okay class you have a new classmate. You can come in now."
Kaagad kong binuksan ang pinto matapos akong pahintulutang pumasok ng aming dalubguro.
Sa unang pagtapak ko pa lang sa silid kitang - kita ko na ang pagkagulat ng mga kababaihan.
"Siya ba yan? Kamukha niya si Darkiro yong sikat sa social media?" Mga bulong - bulongan na naririnig ko matapos kong makapasok sa silid.
"Quiet class. " Tumingin sa akin ang aming dalubguro matapos tumahimik ng buong klase. "You can now introduce yourself."
Bumuntong hininga muna ako bago ako magsalita. "Good morning everyone I'm Darkiro Montinegro an eighteen years old man. You can call me Hiro or Dark it's up to you then. Nice to meet to the all of you. And if you ask if I'm the famous singer in social media my answer is yes."
Kaagad silang nagtilian at dahilan ng pagngiti ko pero isa sa kanila ang nakapukaw ng atensyon ko. Kasi siya lang ang nag - iisang walang reaksiyon sa buong klase.
"Puwede ka nang maupo Mr. Montinegro."
"Dito ka umupo Kiro may upuan pa rito." Dinig kong mga hiyawan ng ilan sa kababaihan dito sa aming silid.
Pero isinawalang - bahala ko na lang ang mga sinasabi nila at nagtungo sa upuan na malapit sa babaeng hindi man lamang nagpakita ng reaksiyon.
"Bakit papunta siya doon sa babaeng weirdong nerd?"
"Can I sit here?"
Tiningnan niya lang ako at walang bahid ng emosyon ang kanyang mukha.
Kaagad na akong umupo sapagkat naramdaman ko na wala siyang balak na kausapin ako.
"Darkiro nga pala tawagin mo na lang akong Kiro or Dark." Inabot ko ang kamay ko sa kanya at inintay na abutin niya ito.
"Y - Yuki," sambit niya na hindi man lamang ako nililingon.
I think she's an introvert, she don't want to interact with people.
Malungkot siguro maging mapag - isa.
So I decided to become her friend no matter what.
"Hey Yuki wait up." Hindi ako nilingon at patuloy lang siyang naglakad sa corridor.
Bingi ba ito? O sadyang hindi niya lang ako pinapansin.
"Yuki." She stop and unplug one of her earphones. So that's why she's not responding.
Akala ko madali lang makipag - kaibigan sa kanya ang hirap pala.
Pero sinikap ko at ginawa ang lahat para lang pansinin niya ako.
"Hoy Yutiki, pansinin mo na ako." I pouted in front of her. I make my face funny since I'm bored and our professor is still not here so I'm gonna bother her.
"Pansinin mo na ako." I pouted again and then I heard her angelic chuckles.
Nagulat ang lahat nang biglang tumawa si Yuki.
Bakit anong nakakagulat doon tumawa lang naman siya ng bahagya?
Ohh, I get it, ngayon lang nila narinig tumawa si Yuki. So I'm the lucky one that make her smile.
"Stop doing that you look so cute." Gulat ako nang biglang humaba mga sinasabi ni Yuki. For the first time in five months, humaba ang sinasabi niya maliban na lang kapag sumasagot siya.
Si Yuki ba ito o sinaniban lang ito ng mabuting espiritu at ang dating walang puso at emosyon na si Yuki Mallorca ay biglang naging isang tao. Wow magic.
YOU ARE READING
LONG - SHORT STORIES
Conto"Long-Short Stories" is a unique novel composed of various short stories that seem unrelated at first glance. However, as the reader delves deeper into the book, they will begin to discover a hidden trilogy interwoven throughout the stories. Each st...