~*~
"Ano 'to dre, bulbol mo?" salubong na tanong ng lalaki kay Theon, nang iabot nito ang dalawang maliit na plastic na may lamang buhok ang isa nito ay ang ibinigay na buhok sa kanya ni Gabb, at ang isa naman ay ang buhok niya"Hindi ako nakikipag biruan" inis niyang sagot sa kaibigan, may pag kakulot kasi ang buhok na ibinigay na buhok ni Gabb sa kanya dahil medyo may pag kakulotin ang buhok nang bata
"Oh easy ang puso mo dre" pagbibiro pa nito sa kanya at saka pa siya bahagyang tinapik sa balikat
"I-Dna Test mo" saad niya at saka tinanggal ang kamay ng kaibigan sa kanyang balikat
At saka siya bahagyang humakbang para lumabas sa opisina nang kaibigan ngunit agad din naman siyang napatigil,
"Kailan ko pala malalaman ang result?" saad niya, paalis na sana siya ng maisip niya ang tanong na 'yun.
"Matagal ang proseso dito, balik ka na lang siguro next year" saad ng kaibigang doktor sa kanya, at saka bahagyang tumawa sa huli
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan
"Just kidding, balik ka siguro after one month, i aaupdate na lang kita" pag bawing saad ng kaibigan sa kanya ng pinukolan niya ito ng masamang tingin, napa iling siya bago siya tuluyang umalis sa lugar na 'yun
Sa bandang huli ay napag pasyahan niyang umuwi na lang muna para mag pahinga, pagod ang katawan niya ganun din ang kanyang isip.
Kaya naman napag pasyahan niyang tumuloy muna sa bahay na tinutuluyan mg magulang, may gusto rin kasi siyang sabihin sa ama, para sa huli ay maging handa siya
Nang makarating sa bahay ay sinalubong siya nang kanyang Daddy
"Dad" saad niya sa ama at saka ngumiti
"Bakit ka na pa uwi?" tanong niya sa kanya, alam kasi nang daddy niya na ayaw niyang mag stay sa bahay mas gusto niya sa condong iniregalo sa kanya ng kanyang lolo
"Dito ho ako matutulog" sagot niya sa kanyang daddy, na ngunot ang noo ni Asher dahil sa sinabi niya, nag hinala siyang may kailangan ang anak sa kanya kaya ito na gawi sa bahay nila
"May kailangan ka?" biglang saad nito sa kanya, kilalang kilala na siya ng kanyang daddy
Nang kamut muna siya sa kanyang ulo bago sagotin ang tanong nang kanyang daddy
"Ahm, pwede po bang ako na lamang ang mag manage ng AL resto bar?" tanong nito sa kanyang daddy, na ikinakunot lalo nang noo nito
"Bakit parang nag karoon ka ata nang interest sa Resto, daig mo pang may binubuhay na pamilya" saad ng kanyang daddy sa kanya, kinabahan siya, masyado ba siyang halata sa kanyang pananalita, bumuntong hininga siya bago muling mag salita
"Ahm, naisip ko ho kasi since na isang taon na lang ay matatapos ko na ang kurso pero wala pa akong masyadong karanasan sa pag papalago nang negosyo, kaya naman naisip ko 'yung resto bar n'yo dad since dati n'yo na rin namang inalok sa akin 'yun" sagot niya sa kanyang daddy, dati na sa kanyang inalok ang AL Resto Bar ngunit tinangihan niya ito, pero ngayon na malakas ang kutob niya na nag sasabi nang totoo si Gabb, kailangan na niyang kumayod sa sarili niya ayaw niyang iasa ito sa magulang, at ayaw niya rin munang ipaalam ito sa mga ito kung mapatunayang ngang kanyang ang bata, kailangan niya ang Al Resto Bar lalo na't resulta na lang ng Dna test ang inaantay nuya
"Pag iisipan ko, baka mag dala ka lang nang babae doon" saad sa kanya ng ama bago siya iwan sa puwesto niya
Napabuntong hininga siya sana lamang ay ibigay ito sa kanya ng kanyang ama, para kahit papaano ay may pag kuhaan siya ng pera, para pag dumating man ang resulta ng Dna Test at mapatunayan na kanyang ang bata ay may pag kukuhaan na siya
Matapos ang pag uusap nila ng kanyang ama, napag pasyahan niyang mag tungo sa kanyang kuwarto, hindi niya napansin ang kanyang Dada siguro ay nasa bahay ito ng kanyang lolo
Nang makapasok sa kanyang kuwarto pagod niyang hininga ang kanyang sarili sa malambot na kama
Pipikit pa lamang sana ang kanyang mata ng makarinig siya ng malakas na katok sa kanyang kuwarto kasunod nito ay ang pag bukas ng pintuan ng kanyang silid
Tiningnan niya ang pumasok, napasingal siya nang makilala niya ito, si Ashley ang kanyang kapatid
"Anong kailangan mo?" aniya sa kanyang kapatid halata sa boses ang inis sa kausap
"Maninigil ako" sagot nito sa kanya, na ikinakunot nang kanyang noo
"Huh?" naisaad na lamang niya sa makulit na kapatid
"Hindi mo pa ako binabayaran doon sa pag tulong ko sayo sa canteen, nung siningil kita piso lang ang binigay mo" nakapout na sagot sa kanya ng kanyang kapatid
tsk isip bata.
Hindi nag kakalayo ang edad nilang dalawa, 21 na siya habang ang kanyang kapatid ay 19, dalawang taon lamang ang tanda niya sa kapatid, pero kung amakto ito sa kanya ay daig mo pa itong pitong taong gulang
Kinuha niya ang kanyang kumot na nakatupi sa ilalim ng kanyang unan at saka niya ito binuka sa harap nang kanyang kapatid, pag katapos nun ay mabilis niya itong tinalakbong sa kanyang boung katawan.
"Theon.. sige na please kahit 500 lang" narinig pa niyang saad nito
"Theon.. kahit 499 na lang" dagdag pa nito
"Kuya..." natigilan siya sa tinawag sa kanya ng kanyang kapatid
"What?" saad niya sa kapatid at saka tinanggal ang kanyang kumot sa kanyang mukha para harapin ang kapatid, minsan lamang siya nitong tawaging kuya, tinatawag lamang siya nitong kuya kapag kailangan na kailangan talaga nito ang isang bagay
"I need money kuya" pag mamakaawa nito sa kanya, bahagya pa itong nag pout
"Find" naiinis niyang saad sa kanyang kapatid at saka kumuha ng pera sa kanyang wallet, inis niya itong inabot dito, lumawak naman ang ngiti ng babaeng kanyang kaharap
"Thank you, kuya" malawak na ngiting pag papasalamat nito sa kanya
"Leave now" saad niya at saka muling kinuha ang kumot at saka muling tinaklob ito sa kanyang mukha, gusto niyang mapag isa at makapag pahinga, pero ito nandito na naman ang kanyang kapatid
"Okie, bye!" saad nito sa kanya at saka niya narinig ang mga yabag nito palabas ng kanyang kuwarto kasunod nito ay narinig niya ang pag bukas at pag sara ng pintuan niya hudyat na wala na ito sa loob ng kanyang silid.
Napabuntong hininga siya at saka niya pinikit ang kanyang mata, dala ng pagod ay mabilis siyang nilamon ng kadiliman.
A/n: kung napapansin nyo maiikli talaga ang mga chapter nitong HGMP kasi hindi ko pinapalampas ito sa 1.5k words count.
BINABASA MO ANG
HE GOT ME PREGNANT | [B×B|Ongoing X Slow Update]
RomanceAng sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero ang mas mahirap sa lahat ay tumayo kang ama at ina sa anak mo 'yan ang ginawa ni Gabb Riel, sa kabil...