Chapter 28(Doughnut)

1.9K 49 0
                                    

Chapter 28

Doughnut


I was expecting Seth would find a new girl.Pero,so far,wala pa naman.Mula nang insidente ng palihim na pagkainis ko sa kanya dahil noong nagmall ang buong barkada ay nasanay na ako sa mga kwento niyag tungkol sa mga magaganda at sexy na mga babae.

Hanggang doon lang naman siya.Nature niya na nga siguro ang ganoon.

Well,boys like sightseeing.

Kahit isang buwan na kaming break ay sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na halatang may nararamdaman pa rin si Seth para sa akin.And I feel the same way towards him.

But we have to remain friends.

Ang gulo na ng utak ko.

Ramdam kong mahal ko pa rin siya ngunit hindi pa ako pwedeng magcommit.Minsan nga ay nagdududa na ako sa nararamdaman ko.Diba nga,kung mahal mo ang isang tao,dapat ipaglaban mo.

Pero,di ko magawa.

Parati na lang akong napapangunahan ng takot,hiya at pagtanaw ng utang na loob sa mga kinagisnan kong magulang.

Naiisip ko parati na dapat mas sundin ko sina mommy kesa sa nararamdaman ko,dahil kung hindi dahil sa kanila ay baka isa na ako sa mga batang palaboy ngayon.

Minsan naman din ay pinagdududahan ko na rin ang nararamdaman ni Seth para sa akin.Kasi,kung talagang mahal niya ako,bakit hindi niya ako ipaglaban?

Mahal niya nga ba talaga ako o nag-iilusyon lang ako?

Parati ko iyong tinatanong sa aking sarili hanggang sa narinig ko ang kwento ni James na nagpabago ng iniisip ko.

"Mahal ka talaga ni Seth,ano?" biglang sambit ni James habang nagpapaphotocopy kaming dalawa sa labas ng school.

Luminga-linga ako sa palibot upang tignan kung may nakakarinig ba sa usapan namin.

"Bakit mo naman nasabi?," curiosity hit me.

"Sabi niya," sagot niya.

Gusto kong mapangiti pero pinigilan ko iyon.Baka sabihin niya pa kay Seth na kinilig ako.As much as possible,itinatago ko talaga kay Seth ang kung ano mang nararamdaman ko.

"Ahh," kunwari ay hindi ako interesado.

"Wala ka nang itatanong?," nakangisi niyang tanong.

"Wala na," maiksi kong sagot.

"Weh?," pang-aasar niya at tinitigan ako saglit. " Hindi ka man lang kinilig?," nguso niyang tanong.

"Bakit ako kikiligin?," tanong ko habang pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi.

"Walang kwenta," biro niya dahilan para hampasin ko siya sa braso ngunit tumawa lang siya.

Hindi na siya ulit pa nagsalita.Medyo nadisappoint ako dahiul doon.Akala ko kasi ay itutuloy niya pa rin ang pagkukwento kahit hindi ako magtanong.

"Kailan niya sinabi?," hindi ko na natiis at itinanong ko na.

"Ayun oh," hiyaw niya kaya naman nagsipagtinginan iyong mga estudyanteng dumadaan. "Ikaw ah,may HD ka pa sa kanya," asar niyia pa.

"Hoy! W-Wala ahh," tanggi ko.

"Asus," di naniniwalang asar niya.

"Eh di wag kang maniwala," kunwari ay irap kong sabi.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon