Chapter 3

1 0 0
                                    

"Hi, Miss. P'wede bang ikaw nalang orderin ko?" Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang boses na 'yon.

 
I tried to put a smile on my face as I look at him, "good evening, sir. Sorry to burst your bubble, but I am not on the menu," ani ko at pinanatili ang ngiti sakaniya. Mukhang hindi naman siya nagalit sa sinabi ko at mas lalong lumapad ang ngiti niya.
  
   
  
Jett is a very persistent man. I've been rejecting him eversince but damn, mas makapal pa yata ang mukha nito sa bato. After our first meeting, hindi na niya ako tinantanan. Aniya ay isa raw akong anghel na nahulog galing sa hagdan.

 
I was putting some decorations sa labas ng coffee avenue nang nasagi ng batang natakbo ang hagdan na pinapatungan ko. Luckily and thankfully, Jett was there.  However, it's illogical to think that we're already soulmates just like in the movies because of that. Pinipilit niya pa talaga na palagi ko ring hindi sinasang-ayunan.
 
  
  
    
"Kay lamig ng gabi ngunit kay init naman ng ulo mo sa akin, binibini," pang-aasar nito at tuluyan nang nawala ang mga ngiti ko.
 
"Jett, may mga nakapila pa sa likod, what if magtawag nalang ako ng guard para paalisin ka?" Natawa nalang ito sa sinabi ko.
 

He knew very well that I can't do it and  if I do, hindi kailanman mangyayari 'yon. Bukod sa may utang na loob ako sakaniya, pamangkin din siya ng may-ari nitong shop.
   
 
"My usual order. Chocolate chip cookie, a pasta salad and water pala muna ako. I'll order coffee later," napanguso ito saka naglapag ng bayad na hindi ko naman pinansin.
 
 
Mrs. Lopez strictly ordered that we shouldn't accept any payments from his favorite niece.

"Your order will be served to you after five minutes, sir. Thank you," hindi ko na siya hinarap at tumingin na sa customer sa likod niya.  He had no choice but to leave the counter after bidding his goodbye.
 

I almost slapped myself after seeing the guy next to Jett. What's he doing here?! Napalinga-linga ako sa paligid saka siya hinarap. Mukha namang walang nakakakilala sakaniya ngayon dito.

  
 
"W-what's your order, sir?" Mahinang sabi ko ngunit sapat na para marinig niya.

"Good evening to you too, Iya. I'd like to order a slice of your bestselling chocolate cake, fresh mango juice and a box of donuts---"

  
"That's too much  sweet for you, Vince," paalala ko sakaniya. I can't fully see his face cause of his mask and hoodie but I can see his eyes smiling.
  

"I'm gonna give the donuts and cake to my little sister. She's in my car," mahinang sabi nito at tumango naman ako.

"People might recognize you. Tigas talaga ng ulo mo," tinawanan niya naman ako at nagbigay na siya ng bayad.

"Ayaw mo no'n, free promotion?" Pabirong sabi nito. Inilingan ko nalang siya at bumalik na sa ginagawa.

"Please reply to my messages, Iya."
 
"Later, Vince." Mahinang bulong ko at binigay na ang sukli at number niya.

"Please take a seat for a while as you wait for your order, sir. Thank you,"  I said and smiled at him.

"Likewise, Iya." I can't really see his reaction but I can sense the disappointment in his voice.

"Next, please." Hinarap ko na ang bagong customer at nakita ko naman na umupo na siya. 
  

Vince is a very famous vocalist of the band, Bloodline. At first, wala akong idea kung sino siya or sila. Mas naka-focus kasi talaga ako sa mga bagay kung saan  kikita ako ng pera. Kaya nang malaman ko ay hindi ko alam ang ire-react lalo na at nawalan na ako ng hilig sa mga ganyang bagay.
  

I've met him before sa isang party na pinuntahan namin ni Jana.     Magpe-perform sila ng kabanda niya kasi kamag-anak yata nila ang magbi-birthday. I was waiting for my friend outside the girl's comfort room. Naparami ang kinain at eto, tinawag ng kalikasan.

  
Nagtama ang paningin namin pero hindi ko siya pinansin. I don't know him so I did not pay much attention either. I just think that he looks and sounds nice.

  
  

"Hi, can I ask which is the men's comfort room? Dito kasi ako tinuro," malamig at mababa ang boses niya. Tunog nag-uutos kahit nagtatanong lang naman siya.

"Sa may unahan pa," sabi ko nang hindi siya tinitingnan at nagbalik na sa pagbrowse ng mga job hiring sa phone ko.

"Thanks, miss." Nagthumbs up lang ako sakaniya at bumalik na sa ginagawa ko.

 
  
 
Weeks passed and I've met him again sa coffee avenue. Magpeperform sila sa birthday ng boss namin. I was serving their foods when our eyes met. Alanganin akong ngumiti sakaniya at ngumiti naman siya pabalik.

    
  
"Thanks, Iya." Sabi nito na ikinagulat ko naman. How'd he--- oo nga pala sa nameplate ko.

I smiled at him, "you're welcome, sir. Enjoy your meal."
  
  

Simula noon ay pabalik-balik na siya sa trabaho ko kapag may oras or napapadaan. He told me that he likes me but I rejected him. I don't have time for men. And for love. I can live alone.

But I really care for him as a friend since I consider him as the 'closest guy friend' I have right now.

 

"You're spacing out," malamig ang boses na pumukaw sa'kin. Si Sir Alistair!

 
"Sorry, Sir. What's your order again?' sabi ko at nag-antay na sa sasabihin niya. Halos sapakin ko ang sarili ko dahil sa hiya. Kanina pa ba siya andiyan? Shit naman.

   
"One caffè americano," sabi nito at naglapag ng isang libo. Kanina lang ay hindi niya rin kinuha ang sukli niya.
 
  
"H'wag kana magbayad, Sir. May sobra ka pa rito. Saka hindi ka po ba kakain?"
 
  
"Choose for me," aniya at umalis na. Hindi kinuha ang isang libo. Napailing ako. Ibabalik ko nalang sakaniya mamaya sa bahay.
 

Umalis na si Vince at si Jett naman ay kausap na ang mga kaibigan niyang kararating lang.
  
  
 
Ako na rin ang nagserve ng pagkain at drinks  ni Sir Alistair kasi nakipagpalit 'yung kasama ko sa 'kin.
    
    
    
 
I gave him a slice of blueberry cheesecake, pizza, grilled chicken panini sandwich and his coffee. I smiled at him. Ngiting kapag hindi mo inubos 'yan, lagot ka sa 'kin.

 
  
  
It's half past eleven and puno parin dito sa coffee avenue. Hindi parin umuuwi si Sir Alistair at kasalukuyang kumakain pero madalas ay nasa laptop parin ang atensiyon.
 
  
 
Hindi rin nakatakas sa'kin ang mga pagpapapansin at titig sakaniya ng mga babae rito. He attracts too much attention.

 
  

Saktong alas dos nang magsara kami.  Nauna na akong umalis sakanila dahil mag-aabang pa ako ng masasakyan. May sari-sarili kasi silang sundo at motor kaya ako lang lagi rito. Magkaiba naman kami ng way kaya hindi nila ako pwedeng isabay.

    
Nakaalis na rin si sir kaninang pasado ala una. Wala naman siyang sinabi sa'kin if uuwi na siya at basta na lang umalis na parang nagmamadali.
 
 

Papara na sana ako ng parating na jeep nang may nag-overtake na itim na sasakyan dito at nagpark sa harap ko. Napaatras ako sa gulat. Hayop, nagpapakamatay ba 'to?!

Bumusina naman nang malakas 'yung jeep at nauna nang umalis. Napakamot nalang ako sa noo. Hindi tuloy ako nakasakay!
 
    
Asar ang tinging ipinukol ko sa may ari ng sasakyan. Sarap hambalusin ng unan.  

Lumabas naman ang may-ari ng sasakyan at nagulat ako ng makitang si Sir Alistair 'to.

What's he doing here? I thought he already left. And what? Ibang sasakyan 'to sa ginamit niya kanina, ah?
 
 
"Get in," utos nito sa'kin at pinagbuksan ako ng pinto sa may front seat.  Sumunod nalang ako.

"Thank you po," it was almost a whisper. I'm tired.
  

 

"Akala ko sir nakauwi  na kayo," sabi ko nang nasa biyahe na kami pauwi.

"I thought I forgot something kaya bumalik ako," hindi nalang ako nagsalita at inabot sakaniya ang isang libo.
 
  
"Sobra-sobra na po 'yung binayad mo kanina," tiningnan niya lang ako at 'yung pera saka ibinalik ang paningin sa daan.

 
Parang gusto ko manapak.

 
"Keep it." Bahala siya, ibibili ko nalang 'to ng pagkain sa bahay.

WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon