Ika-apat na Kabanata

2 0 0
                                    

Matapos ang break time namin ay nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwa-hiwalay para sa susunod na aming gagawin. Naghiwalay na rin kami ni Anna dahil ang sunod naming klase ay ang school clubs kung saan maaari kaming pumili ng club na nais naming salihan, ngayon lamang sinimulan ang programang ito saaming seksyon kaya naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasali kami rito, hindi kami magkapareho ni Anna ng pinili, academic club ang napili niya kung saan mas hahasain ang galing ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang kakayahan sa iba't ibang asignatura. Art club naman ang napili ko hindi dahil ako ay may talento o kakayahan sa pagguhit ngunit dahil ito ang bagay na nais ko talagang matutunan.

Pagpinta, pagguhit at iba pang may kinalaman sa sining ang hilig gawin ng aking tatay, mahusay siya rito at madalas ay ibinibenta niya rin ang kaniyang mga gawa upang kumita ng pera ngunit ang hilig na ito ay hindi ko nagawang makuha, masasabi kong kabaliktaran ako ng aking ama dahil wala akong kahit anong kakayahan sa pagpinta at pagguhit kaya naman pinili ko talaga ang art club upang matutuhan na gawin ito.

Hindi naman malayo sa kantina ang silid ng art club ng aming kampus kaya naman hindi ako nagmadali at nahirapan sa pagpunta, pagpasok ko sa loob may iilan na rin ang nakaupo at nag-iintay na magsimula ang klase at mukhang lahat sila ay matagal na sa club na ito, ang seksyon lamang namin ni Anna ang nahuli sa pakikilahok sa school clubs kaya naman halos lahat na rin ng mga mag-aaral dito ay matagal na. Naupo na lamang ako sa bandang dulo kung saan kakaunti pa lamang ang nakaupo.

Sa paglipas ng oras ay unti-unti na ring nagdatingan ang mga iba pang kasali sa art club, ang karamihan sa kanila ay hindi maiwasang mapatingin saakin dahil na rin siguro hindi pamilyar ang mukha ko sa kanila at hindi ko na lamang iyon pinansin pa at patuloy na lang na tumitingin sa paligid habang nag-iintay. Ilang minuto muli ang lumipas at isang pamilyar na lalaki ang umupo saaking tabi.

Si Giovanni...

Hindi ko maiwasang magulat na makita at makatabi siya sa klase na ito, para bang napakaliit ng mundo para saaming dalawa. Mukhang pati rin siya ay naggulat at nagtaka ngunit muli ring bumalik sa pagiging blanko ang mukha niya.

"Ako ang nakapwesto rito sa dulo, ako lamang mag-isa. Ngunit dahil bago ka at wala pang kakilala ay hahayaan kitang umupo dito." Tahimik ngunit may awtoridad niyang pagpapabatid saakin, hindi ko malaman kung ano ang tamang ekspresyon na ibibigay sa kaniya dahil sa palagay ko ay masyadong sarkastiko ang tono ng pananalita niya pero hindi ko na lamang rin pinansin dahil hindi naman gulo ang hanap ko sa klaseng ito.

Hindi rin nagtagal at sa wakas ay dumating na rin ang aming maestro para sa klase na ito, isa siyang matangkad, payat at may katandaan na guro. Tumayo ang lahat upang batiin siya kaya naman nakisabay na lamang rin ako. "Magandang umaga Ginoong Ramos!" Masiglang pagbati nang lahat at pinaupo rin kami matapos nito.

Katulad ng inaasahan, pinapunta ako ni Ginoong Ramos sa harapan upang magpakilala dahil ako lamang ang bago nilang kasama. Kahit naiilang ay hindi naman ako nahirapan na magpakilala dahil tanging buong pangalan lamang ang hinihingi saakin ni Ginoong Ramos, masayang pagbati rin ang isinukli saakin ng mga kapwa ko mag-aaral bago ako pabalikin sa aking upuan.

"Hiraya Manawari..." Narinig kong pagbulong ni Giovanni habang nilalaro niya ang kaniyang lapis. "Napakalalim na tagalog, siguradong mahilig sa kultural na mga bagay ang iyong mga magulang dahilan para maibigay ang ngalan na iyon sa iyo." Pagpapatuloy niya, ngayon ang unang pagkakataon na maririnig ko si Giovanni na magsalita ng mahabang pangungusap.

"Tama ka, hilig nila ang mga matalinghagang salita kaya naman iyon ang naisipan nilang ipangalan saakin." Pagsang-ayon ko naman sa kaniya. "Ikaw? Ano ang iyong ngalan?" Tanong ko at nagkunwaring hindi ko pa alam, nais ko lamang talagang manggaling mula sa kaniya ang pangalan na mayroon siya kahit pa nabanggit na ito saakin kanina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TulongWhere stories live. Discover now