Chapter 1

2 0 0
                                    


Leticia Mildred Ascuncion. 


Pipikit-pikit akong mumulat habang kinakapa kung asan ba ang phone ko. Imbis na sa alarm ako magising ay sa tawag ako nagising. I continue to search for it, until I saw it sa may bedside table ko. 


Doon ko pala naitabi kagabi kaya hindi ko makapa sa kama. Galing Leticia, tumatanda ka na. 


"Hello, Anton?" I answered. Ni-loud speaker ko na lang ito at muling pinatong sa table. I decided to put my hair into a bun and fixed my bed. Gigising na ako tutal naputol na naman ang tulog ko. "Bakit ka napatawag? May problema ba sa restau? Hindi ba dumating ang mga ingredients?" 


"Ano.. dumating naman ma'am." alanganin netong sabi. Napatingin ako sa phone ko saglit bago muling inayos ang kama na hinigaan ko. 


"Anong problema, Anton?" I asked. Nagaalangan pa kasi itong sabihin kung bakit sya tumawag. Parang natatakot ata dahil binilin ko na wag akong tawagan kung hindi naman ganoon kaimportante. "Anton, malapit na magbukas ang restau. Tell me what you've called for. Hindi nman ako galit." 


"Eh kasi ma'am si Andrea." he sighed. "Hindi daw ho makakapasok. Nagkasakit kasi si Toto, ayaw daw sya bitawan at umiiyak."


"Wala bang pwedeng i-sub sa kanya? Si Fiona ba?"


"May pasok ho e. Balak ho sana umabsent na lang kaso sinabi ko ho tatawagan ko muna kayo. Pasensya na po ma'am. Narinig ko ho kasi na thesis defense ngayon nila Fiona at kapag absent daw ay babagsak."


"It's okay, Anton. Nandyan pa ba si Fiona? Kung oo, ipahatid mo na kay Kuya Adrian. Kaya ko naman mag-drive na lang papunta dyaan. Ako na muna ang mags-sub kay Andrea."


"Sige ho ma'am. Thank you po." narinig ko pang kinausap nito si Fiona bago ko tuluyan maibaba ang tawag. 


Lumabas na muna ako ng kwarto at nagtimpla ng kape. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, I decided to read some of my mails and messages muna. There were several mails on my gmail but it's mostly from websites where my account was connected. Binura ko din naman if I deemed it as unimportant. Ang ilang messages naman ay galing lamang sa gc namin magkakaibigan at pamilya. Nag-seen lang ako at backread bago muling pinatay ang phone. 


Agad akong naligo after drinking my coffee. Nakasanayan ko na nai-start ang araw ko na nagkakape, pampagising ng diwa and also it became a part of my routine. Naligo at nagayos lamang ako. I decided to wear jeans and a white t-shirt. Wala na munang arte since magc-cashier lang ako for today and I have no other plans. I also have my spare clothes sa office ko if ever that I'll have an impromptu schedule so there's no problem. 


"Good Morning, Manong." I greeted our guard, Kuya Nestor. "Wala pa ho si Kuya Adrian?"


"Magandang umaga din, Ma'am." pagbati din nito. "Wala pa ho, eh. Baka na-traffic lang saglit at alas-otso na. May kailangan ho ba kayo kay Adrian? May pupuntahan ho kayo?"


"Ay, wala po. Nai-tanong ko lang since pinahatid ko si Fiona. May pasok ho at late na nakaalis dito." 


"Ah. Oo nga. Nakong bata iyon, may gawain pa naman sa schoo. Ayon thesis depens ba yon."


"Opo. Dumaan pa ho iyon ata dito dahil nasa kanya naiwan ang susi ng shop." agad akong napatingin sa orasan ko ng makitang pumasok na sa loob ng building ang magarang kotse. "Manong, pasok na ho ako ah? Magbubukas pa ho kasi. Kung gusto nyo ho ng kape o almusal, pasok lang kayo." 


'Yung pumasok kasi na kotse ang palatandaan ko kung malapit na ba mag-alas nuebe. Sa tatlong taon namin dito, tuwing bago mag-alas nuebe ay nagbubukas na ito kaya naman naging palatandaan na din namin. 


***


Nakakapagod. 


Ayan lang ang nasa isip ko ngayon. Sobrang daming tao ngayon ang nasa restaurant ko dahil na rin lunch break at nasa tapat ng ilang company and establishments. Sa sobrang dami, halos wala na kaming time maka-upo man lang at makasubo ng lunch namin. 


However, kahit gaano ka-busy at ka-hectic naman ngayon ay nakaka-proud din sya. Having a crowd everyday means that our food here is worth coming back for. Kumbaga, babalik-balikan ng mga tao. Kaya kahit gaano na kami ka-stress, we were still smiling and doing our outmost best to serve. 


Inabot din kami ng siyam-siyam bago makapagpahinga. It was almost two pm, and ngayon pa lang kami kakain ng lunch. "Marie, can you put the close sign for now? Baka kasi may pumasok pa at akalain open pa tayo ngayon." I said. 


Isa si Marie sa mga taga-serve namin dito. She is studying sa isang state university di kalayuan mula sa pinagtatayuan ng restaurant namin. "Sige po." she said.


"Ma'am dito na ba tayo kakain? Or doon na tayo sa may dining area sa loob?" tanong ni Anton, isa sa mga chef namin. 


"Dito na lang. Doon na lang tayo sa pwesto natin. Masikip ngayon sa loob since kaka-deliver lang ng ibang ingredients natin. Hindi ko pa naitatabi yung mga box." tumango naman ito bago pumasok sa kusina. Alex, one of our crew, followed. 


Gusto ko man tumulong, pero pagod na talaga ko. Hindi na kasi ako nakakain ng kahit tinapay sa bahay dahil wala na pala akong stock. Naubos ko na ata nung isang linggo pa. 


Kailangan kong mag-grocery mamaya. Paalala ko sa sarili. 


"Ma'am ayos na ho ang pagkain. Tara na po." medyo malakas na sabi ni Alex. Nasa pwesto na namin ang buong crew, mukang ako na lang ang iniintay.


"Mauna na kayo. Sunduin ko lang si Kuya Nestor sa labas. Closed naman tayo ngayon kaya sabay sabay na tayo kumain." nagsi-tanguan ang mga ito at kumuha na ng kanya kanya pagkain. Mukang nagutom at napagod din ang mga ito. 


Lumabas na ko at pinuntahan si Kuya Nestor. Wala kasi ito sa may gilid ng shop, nasa may kalsada ito. May kausap. "Kuya Nestor. Kakain na ho. Pasok na po kayo sa loob."


"Ay, sandali lang ma'am. Kinakausap ko ho kasi si Ser kaso hindi ko naman maintindihan. Puro ingles." 


I smiled at him. "Ako na ho dito. Pasok na kayo sa loob, Kuya." 


Halatang nagaalangan pa ito dahil hindi namin kilala ang nasa kotse. "Sigaw kayo ma'am kapag may ginawang masama ah?" I laughed and urged him to enter. After he went inside, tsaka lang ako bumaling sa nasa kotse. 


Naka-kunot ang noo nito, mukang na-offend sa sinabi ni Kuya Nestor. "Hi, what can I do for you?"


"I know you're pretty but not to the point that I'll kidnap you. I'm not that desperate to kidnap a woman." 


Ano daw? 


***

Author's note: Hello! If may nagbabasa man neto, let's interact. Hehe! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Blame MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon