Lance's and Wendy's Convo.
Nakakalumbaba si Wendy at tulala nang biglang umupo si Lance sa harap nito at ginulat.
Lance: BULAGA!
Wendy: Ay! Tokneneng!
Gulat na sinabi ni Wendy sabay hampas sa balikat ni Lance.
Wendy: Gagi ka. Ano na naman bang problema mo?!
Tumawa naman bigla si Lance.
Wendy: May nakakatawa ba sa tinanong ko?
Lance: Ay hindi. WALA. Kaya ako tumawa kasi WALANG NAKAKATAWA.
Wendy: Oh sige. Diyan ka magaling eh, sa PAMIMILOSOPO. Expert.
Lance: Hahaha! Di ba nga dapat AKO ang nagtatanong niyan saiyo? ANO ANG PROBLEMA MO?!
Nabara si Wendy sa tinanong nito at hindi umimik.
Lance: Uy? Ano na?!
Wendy: Hay. Basta... Alam mo, mas malaki pa problema ni Ashleen ngayon kesa sa sakin, dapat siguro, siya muna dinadamayan mo.
Lance: Alam ko naman yun. At lagi naman tayong nandito para sa kanya, pero gusto kong malaman kung anong problema mo.
Wendy: SIYA pa rin. =(
Lance: Alam mo, ang TANGA mo..
Wendy; Aray! Masakit sa damdamin ah.
Lance: Sa totoo lang TALAGA. Kasi, alam mo na sa simula na BAWAL di ba? Na hindi pwede... Bakit ang tigas ng ulo mo? TAKEN na siya. Dapat sa una palang, pinigilan mo yan.
Wendy: Matalino ka na kung matalino ka. Tanga na ko kung tanga. Pero ang nararamdaman, MAHIRAP PIGILAN.
Lance: Anong mas mahirap? Ang magpigil o ang masaktan?
Wendy: Hayy. Nakooo naman. Ang dami mong tanong eh, umalis ka na nga.
Lance: Tapos palalayasin mo ko?
Tumayo si Wendy at kinuha na ang bag niya tsaka libro.
Lance: O san ka pupunta?
Wendy: Aalis na ko. Kasi mas madaling umalis kesa magpaalis ng taong ayaw umalis.
Lance: Hoy! WENDY! Teka langgg!
--------
Ashleen's POV
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa gate, ang dami na agad nagbubulungan sa paligid. Pati yung mga kakilala ko, hindi na ako binabati. Alam ko naman na kalat na sa buong HS department na bastarda lang ako. TINATANGGAP ko naman yun. NILALAMON ko pa nga. Pero bakit naman kailangan pang dumating sa point na ganito? =(
Nang biglang dumating si Xander sa harap ko kasama ang barkada niya.
Xander: Kapatid mo pala si Shaley.
Feeling ko, nawalan ako ng mukhang maihaharap sa kanya. Sa lahat ng tao. :(
Xander: Ikaw pala yung palagi niyang kinukwento na babaeng umagaw ng pamilya niya.
Hindi ako nakaimik. :(
Xander: Babaeng naging sanhi nang pagkamiserable niya. Babaeng naging dahilan kung bakit siya naging GANUN.
Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ba ganito na ako kahina ngayon? Di ko maintindihan.
Xander; Tignan mo nga naman. Alam mo ang sarap mong tawanan ngayon. Pero dahil naaawa rin ako sayo, pipigilan ko ang tawa ko.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?