Chapter 16

13 2 0
                                    

Chapter 16

**

"Congrats, Miss President!"

Halos maubusan na ako ng salita dahil sa kakapasalamat sa mga sumuporta sa'min ni Natanius sa Mr and Ms Davisian University. Hindi ko rin naman kasi lubos maisip na mapapanalo namin 'yon dahil sa pagkakaalam ko ay in-enjoy ko lang ang laban kasama si Natanius.

Ilang araw ko na rin hawak hawak ang title bilang bagong Ms Davisan University. Nakakapanibago dahil napansin ko nawala sa headline ngayon ang umuugnay sa'min sa website ng DU. Instead, they said that we're already offical. Kahit hindi pa naman.

Hindi na lang ako nakipagtalo doon dahil tama naman si Natanius na sa pagbo-boyfriend at girlfriend din ang bagsak namin. Gusto ko lang patagalin ang panliligaw niya para makasiguro na seryoso talaga siya at hindi na siya hahanap pa ng iba.

A solid hour has passed since they stopped greeting us, nakatulog sa tabi ko si Natanius habang nakatakip ang mukha niya ng panyo. Nakasandal siya sa balikat ko kaya hindi ako masyadong gumagalaw.

Nagdahan-dahan ako sa pagbukas ng libro para magbasa na lang at hindi mainip dahil natutulog naman si Natanius. Siguro ay napagod, nagkaroon kasi sila kanina ng major revenue para maging qualified sa kanilang subject.

Hindi na rin kami masyadong nagpansinan ni Khelgio dahil ramdam ko ang medyo pag iwas niya sa'kin pero kapag nagkikita naman ay nginingitian niya ako at babatiin. He's really kind, he just wants to move on.

Gumalaw si Natanius at dahan-dahan niyang inangat ang panyo sa kaniyang mukha at tumingin sa'kin.

"Natulog ba ako ng matagal?" Tanong niya. Namumula ang kaniyang mga mata sa pagkakatulog.

Umiling ako, "Maybe one hour. Tulog ka pa kung inaantok ka pa. Okay lang naman sa'kin since 2 o' clock pa ang pasok ko."

"Uh.. No..." He said, "I still have one thirty." Sambit niya at tumingin sa wrist watch niya.

"You can go. Ten minutes lang baka malate ka pa. Masungit pa naman ang professor mo ngayon," Natatawang sabi ko.

Ngumisi lang siya at umiling, "Yeah right."

Nakita kong magulo ang kaniyang buhok kaya inangat ko ang kamay ko at inayos iyon. Napansin ko naman na napahinto siya at maya-maya ay namumula na ang kaniyang pisngi.

"I really want to stay..." Parang bata niyang sambit. "I still want to sleep on your shoulder."

I secretly rolled my eyes, "You can go now, Natanius. Madami pa namang oras para diyan. Kailangan mo munang pumasok, okay?"

Tamad siyang tumango, "Puwede ba akong matulog mamaya sainyo?"

Tumaas ang kilay ko.

"Wala ka na bang bahay, Natanius?"

Bakit ba ang hilig niyang nakikibahay sa'min? Ang liit-liit lang naman ng bahay namin at parang nahihirapan pa nga siya pag nandoon dahil masikip lang din anf kuwarto ko. Hindi katulad ng sakanila, mansyon.

"Promise, tulog lang! I won't disturb you... Gusto lang kita makita bago ako matulog." Clingy niyang sabi.

Ngumiwi ako, "May video call naman..." Bulong ko.

"Cheap." Bulong niya pabalik, "Kung ayaw mo. Kay Tita Mina ako magpapaalam."

Hindi na ako nakasagot dahil mabilis niyang kinuha ang bag niya at iniwanan ako ng halik sa noo bago naglakad paalis. My gaze followed his walk. Humalukipkip ako hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Wala na akong magagawa kung si Mama na ang kakausapin niya dahil for sure papayag si Mama dahil gustong-gusto niya si Natanius para sa'kin. I think, I'll accept defeat.

Maybe Someday (Demercibal Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon