Chapter 25

965 35 0
                                    

kunwari japanese language si sesshi.

KERK

"Sesshi!" Tawag ko. Binigyan niya ako ng isang malaking ngiti. Ibinaba niya ang kanyang gamit at lumapit siya sakin sabay niyakap ako.

"I finally found you, kuya! Tinawagan ko pa si Prince Anhiro para lang mahanap ka. Sobra na kitang namimiss, alam mo 'yun? Daig mo pa ang patay..hindi ka man lang umuuwi satin." Wika niya sa tonong nagtatampo

"Lagi naman kitang ine-email a, at sinabi ko na rin sayo na may binabantayan ako." Sagot ko at pinisi ang kanyang pisngi

"Mature na ang itsura mo..siguro, maraming nanliligaw na sayo." Dagdag ko pa at nagpout siya sakin.

"Wala ngang nanliligaw." Sagot niya at naupo siya sa sofa

"Sus, hindi ako naniniwala."

"Eh di wag kang maniwala." Sesshi

"Kamusta nga pala si mama at papa.?" Tanong ko

"Ayos naman. Namimiss kana rin nila. Ang totoo, sila ang nagpapunta sakin dito. Isasama na daw kita pabalik."

"Sesshi..alam mo ang kalagayan ko."

"Pero kuya? Wala ka namang mapapala sa kanya. Sa paggising niya hindi ikaw ang maaalala niya. Sumama kana sakin pabalik. Sabi ni mama, wag akong uuwi hangga't hindi kita dala."

Napahinga ako ng malalim.

"Hindi na ako babalik.."

"Bakit?"

"May sarili na akong pamilya dito..napalitan na nila ang katayuan ni mama at papa."

"Kuya Kerk. Hindi mo sinabi ang bagay na 'yan sakin."

"Bumalik kana sesshi.."

Napahawak siya sa kanyang noo at huminga ng malalim.

"Hindi ako uuwi..ihatid mo na nga lang ako sa bahay mo. Ayokong ipahinga dito sa ospital ang jet lag ko. Kadarating ko lang pauuwiin mo na agad ako. Summer vacation naman namin kaya medyo magtatagal pa ako dito." Sabi niya

Inihatid ko na siya sa bahay. Kapag nagpupunta ako dito..naaalala ko ang presensya ni Terra.

"Pasensya kana..maraming alikabok. Nasa ospital na lahat ng gamit ko kaya minsan nalang ako magpunta dito. Hindi na ako nakakapaglinis. Ikaw nalang maglinis ng mga lawa-lawa. Ikaw na din ang bumili ng mga kakainin mo..yung motor ko nasa bodega. Marunong ka naman dibang magmotor? Matagal ko na ding hindi nagagamit 'yun."

"Dapat pala naghotel nalang ako.." may pagsisisi ang tono ng kanyang boses

"Baka may multo na dito."

"Hindi ka mumultuhin. Ikaw ang magmumulto sa kanila." Hinagis niya sakin ang unan sa couch. Natawa lang ako.

"Wala ka bang ibang kaibigan, kuya? Maliban kay prince anhiro, denstah at razec."

"Meron." Sagot ko

"Papuntahin mo sila dito. Ayokong mag-isa lang. Masyadong maraming gawain at nakakatakot dito sa bahay mo. Parang haunted house." Sabi pa niya

Hm? Wala na akong ibang maisip kundi..pakiusapan si Edward at Kerra. Hindi naman kami close pero lagi ko naman silang nakakasalubong o nakikita and I think..mas makakasundo niya ang mga ito kasi kaage niya lang sila kerra at edward.

"Okay. Hahanapin ko sila para sayo. And I'm sure magiging kaibigan mo din sila." Sabi ko.

Bumalik na ako sa hospital. Buti nalang pagpasok ko ay nakasalubong ko si Nancy.

"Alam mo ba kung nasaan si Edward at Kerra?" Tanong ko

"Hindi ko alam kung nasaan sila pero sure ako na magkasama sila.. bakit mo naman natanong?"

"'Yung kapatid ko umuwi. Kanina lang. Sa bahay ko siya maiistay. Ang gusto niya may kasama siya kaya naghahanap ako ng magiging kasama niya. At sa ngayon, sila ang naisip ko. Teenager lang din siya katulad nila."

"Ah, may kapatid ka pala. Wait lang. Tawagan natin."

Kinuha niya ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si kerra.

"Hello, kerra?.."

[Hello po.]

"Nasaan kayo? Kasama mo ba si Edward?..."

[Opo. Kasama ko siya. Nasa national bookstore po kami. Bakit po?]

"Si Kerk..dumating ang kapatid niya. Pwede bang samahan niyo ang kapatid niya sa kanyang bahay?"

[Sure, why not? Basta para kay kerk my loves. Wala rin naman kaming ginagawa.]

"Oh sige..eto ang address. Crisostomo 1245 street. Makikita niyo daw agad ang bahay niya dahil wala siyang kapit-bahay."

[Okay po..]

Totoot.

"Okay na, pupunta na sila sa bahay mo." Sabi ni nancy

"Thanks." Sagot ko

Kinuha ko ang aking cellphone at tinext si sesshi.

*Papunta na sila diyan. Hintayin mo nalang.

"Thanks ulit." Saad ko. Ngumiti lang siya sakin.

"Kerk.."

Lalakad na sana ako nang tawagin niya ako. Muli akong napaharap sa kanya.

"If we win our game..magiging masaya ba tayo?" Tanong niya na hindi ko nasagot.

++++++++++++++++

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon