Sabi nila, kapag tunay ang pagmamahal, handa kang gawin ang lahat. Yung tipong kahit gaano man kahirap, hindi ka magdadalawang-isip na ipaglaban ang taong mahal mo, kahit na tila hindi siya nagmamalasakit sa’yo.
Minsan, kailangan mong ipilit ang sarili mo sa mundo niya, kahit alam mong ayaw niya sa’yo. Mamahalin mo siya kahit walang pag-asang mahalin ka pabalik. At higit sa lahat, handa kang masaktan, basta't makita lang siyang masaya.
Ngunit sa likod ng lahat ng sakripisyong ito, may hangganan din ang bawat tao. Lahat ng puso ay may hangganan sa pagtitiis.
Paano kung dumating ang panahon na pagod ka na?
Pagod ka nang maghintay sa mga mensahe niya, kahit na alam mong online siya. Pagod ka na sa walang katapusang pag-asa, pagod na sa mga luha na walang saysay, at pagod na sa sakit na dulot ng kanyang kawalang-atensyon.
Isang araw, baka hindi mo na kayang maghintay pa. Baka dumating ang panahon na ang lahat ng sakit na naranasan mo ay maging dahilan upang tuluyan ka nang umalis.
Ano ang mangyayari kung dumating ang pagkakataon na wala na siyang magiging alalahanin, dahil wala nang mag-aalala sa kanya?
Kakayanin mo pa bang ipagpatuloy ang laban, o panahon na upang pakawalan ang mga pangarap na sa simula pa lang ay tila hindi siguradong matutupad?
***
Plagiarism is a crime
YOU ARE READING
I'm tired loving you
Fiksi Remaja私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...