VII

1 1 0
                                    

Contrary to people's first impression of Silas, he's actually very kind and understanding. People have judged him sometimes, and think that he'll be harder to approach because of his foreign features, or in times when he just pulls off that poker face which makes him exude an air of arrogance, Silas is just like any other guy our age.

With every little movement of the lips, his dimples will immediately present itself, which makes him look mischievous and innocent at the same time. He can be very annoying with his jokes but never did Silas intentionally cause harm to others even if they did it first. I found out that the bullies who he had encountered when we were kids are taken care of by his cousin, Javier. Silas never took action and just let them be, but Javier found it out later on.

He'll sometimes get overprotective of me, but never did once retaliate to those who have wronged him. It saddens me thinking that maybe he thinks less of himself, and his mindset is all about enduring, but no intention of resisting. Hindi miminsan siyang nakikipagkita sa akin ng may pasa sa pisngi o kaya'y namumula ang mga braso. Pag tinatanong 'ko siya noon ay lagi niyang sinasagot ng makulit daw kasi siya. Nang lumaki kami ay nabawasan ang mga ganoong pangyayari kaya kalaunan ay nakalimutan 'ko rin.

Not until my 14th birthday. Sinabihan 'ko na si Silas na pumunta at inimbitahan siya ni Nanay dahil nga may simpleng handaan doon. Excited din ako dahil bukod sa mga kalaro 'ko malapit dito sa amin, iilang kaklase, eh may kaibigan talaga akong maisasama.

Hinintay 'ko siya hanggang gabi, nagalit pa 'ko kay Riley dahil inuubos 'yung itinabi 'kong ulam para kay Silas, pero hindi siya dumating. Papa waited with me on our terrace till he shivered from the cold wind that I decided to give up.

He looked at me sadly, but I just hugged him and said my thanks for this day. I remembered crying that night before acting cheerfully the morning after. Pumasok ako sa klase at patingin-tingin sa orasan, nag-aantay na maglabasan na dahil makikita 'ko uli si Silas.

Nasa isip 'ko nang sisimangot ako at magagalit-galitan sa kaniya bago siya aayain uli sa bahay para kumain noong natirang handa kahapon. Nag-hintay ako sa tindahang madalas naming pagtambayan, ngunit naging kahel na ang langit ay wala pa rin siya. Ganoon uli ang nangyari sa sumunod na dalawang araw.

Hindi pumapalya si Silas makipagkita sa akin noon at kung hindi ma'y magsasabi siya agad, dahil baka may biglaang gig o audition siya. Dahil nga wala naman kaming kahit anong komunikasyon noon bukod sa araw-araw naming pagkikita ay minsan si Kuya Joel ang makikita 'ko paglabas ng gate para ipasabi ang bilin ni Silas, o kung may gusto ba akong pasalubong.

Pero ni anino ni Kuya Joel ay hindi 'ko nakita. Salampak ang dalawang balikat 'ko paglabas ng gate sa ika-apat na araw. Llumiliit na rin ang pag-asa 'kong makikita pa uli si Silas. Baka sobrang importante nung pelikula? O kaya nagkasakit?

Bumuntong hininga ako at nakayukong naglakad, "Psst. Kinukuha ng puting van 'yung malulungkot na bata tapos nakatirintas ng dalawa." Nanlalaki ang mata 'kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Sa kanan 'ko ay ang pamilyar na biloy at maliit na bata.

"Silas!" Sabi 'ko, at ngumisi siya bago kumaway. Agad 'ko siyang nilapitan at pinalo sa braso, ngumiwi siya at agad napahwak dito. "Saan ka nanggaling! Ano nangyari!" Sigaw 'ko at hindi sana mapapansin ang rumehistrong sakit sa mukha niya 'kung 'di ko napansin ang pasa sa kaliwang pisngi niya. Kahit mainit din ang panahon ay nakasuot siya ng checkered sleeves.

"Hala!" ani 'ko at tinuro ang pisngi niya, "Anong nangyari diyan?! Ilang araw ka lang nawala, bakit may sugat ka na? Napaaway ka ba?" Usisa 'ko pero umiling at tumawa lang siya. Wala namang nakakatawa! Mukha siyang nabugbog! May pulang linya pa 'yung leeg niya tapos may iilang pasa rin!

Tuluyan nang nanlabo ang mata 'ko sa nakitang kalagayan ni Silas, napaawang naman ang labi niya pagkakita sa reaksyon 'ko. Kinuha niya 'yung bitbit 'kong attache case.

Psalm's LawWhere stories live. Discover now