"SANIA, kitakits tayo mamayang uwian ah! Sabay tayong umuwi! Huwag mong kalimutan!"
Napailing na lang si Sania sa ibinilin sa kaniya ng kaibigan niyang si Leslie bago sila naghiwalay na dalawa. Para namang iiwan niya ito samantalang alam naman ng kaniyang kaibigan na ito lang ang lagi niyang kasamang tuwing uwian. Napabuntong hininga si Sania. Kung bakit pa kasi na magkaiba sila ng kinuhang kurso sa kolehiyo edi sana ay lagi silang magkasama. Napakagat sa kaniyang ibabang labi si Sania saka muling nagpakawala ng isang buntong hininga. Hinawakan niya ng mahigpit ang strap ng kaniyang sling bag at saka taas noong naglakad patungo sa kaniyang silid aralan.
She is taking a course of major in history samantalang ang kaibigan na si Leslie ay entrepreneurship Parehas na silang nasa ikalawang taon sa iisang unibersidad. Mula pagkabata ay hilig na niyang alamin ang mga nakaraan ng mga bagay bagay. Mas lalo siyang naeenganyo kapag patungkol ito sa panahon ng mga dinastiya ng ibang bansa katulad ng bansang korea, tsina, japan, at ng iba pang bansa na pinamumunuan ng mga royal families gayon din ang patungkol sa mga mythical creatures ng iba't ibang bansa. Kaya naman kahit medyo mahirap ang kaniyang kursong kinuha at kahit na halos wala sa kaniyang pumansin sa kaniyang mga kaklase ay hindi siya masyadong naii-stress dahil nag-eenjoy siya sa mga ito. Bukod sa unti lang talaga ang may interes sa larangang ito ay halos sa kadulo-dulohan na ng university ang building ng kaniyang departamento kaya halos walang tao sa kanilang building hindi tulad ng ibang department. Let's go to our first subject, Sani. Asian Mythology! Hindi na ako makapaghintay sa bagong ituturo na naman ni Prof. Gimutao.
Nangingiti pa si Sania habang patungo sa room ng kaniyang professor nang sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang lumakas ang pintig ng kaniyang puso. It was all of a sudden that she needed to lean herself beside the wall to support herself. Napasinghap siya nang magpatuloy ang pananakit ng kaniyang puso na para may pumipiga do'n. Habang tumatagal ay pahigpit na ng pahigpit. Nakaramdam si Sania ng unti unting panghihina ng kaniyang katawan hanggang sa hindi na niya nakaya pa ang bigat ng kaniyang katawan at tuluyan na siyang napaluhod sa sahig.
Kasabay nito ay ang dahan dahan na pagkapos ng kaniyang hininga. Ilan pang sandali ay may lumabas ang isang bulto ng tao sa labas ng silid kung saan siya napahinto. Sania tried to reach her hands towards the person in front of her and uttered for help before giving in into darkness.
****
NAALIMPUNGATAN ako nang dahil sa tunog na nagmumula sa malaking drum na pinapatugtog sa kung saan. Iminulat ko ang aking mga mata kapagkuwan ay agad na napakunot nang mapansin ko ang kakaibang silid kung saan ako naroroon.
Kapansin pansin ang mga pader na kahoy at ang apat na sulo na siyang tanging nagbibigay ng ilaw sa bawat sulok ng walang kalamanlamang silid.
Patuloy ang pagtugtog ng drum sa labas pati na rin ang sigawan ng mga tao. Teka! Nasaan ba ako? Ano'ng ginagawa ko rito? Hindi ba't dapat ay nasa eskwelahan ako ngayon? Bakit parang nasa isa akong kubo? At saka ano 'yong kaguluhan sa labas?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at saka nagtungo sa isang maliit na bintana sa maliit na silid na 'yon at napanganga ako sa aking nasaksihan. Sobrang dilim sa labas at tanging mga ilaw na galing sa sulo na siyang hawak ng mga nagsisigawang lalaki ang makikita sa labas.
"Kahit ano'ng mangyari ay ipagtanggol na 'tin ang mahal na prinsesa."
"Ang kaligtasan ng mahal na prinsesa ang pinakamahalaga!"
"H'wag hayaan na makalapit ang halimaw na 'yon sa prinsesa!"
Lalong nangunot ang noo ni Sania nang marinig ang mga sinisiaw ng mga ito. Ilan pang sandali ay nagitla na lang siya nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang dalawang lalaking nakasuot ng kulay pulang kasuotan. Mga kasuotan na tanging sa nakikita niya na suot ng mga sundalo sa mga historical drama ng korea. Nang akmang magtatanong na sana siya kung ano ang nangyayari ay muli na naman siyang nabigla nang biglang lumuhod ang mga ito sa kaniya.
"Mahal na prinsesa pinapunta kami rito ng punong ministro upang ihatid ka sa ligtas na lugar. Ipagkatiwala niyo po ang kaligtasan niyo sa amin," saad ng isa sa mga ito. Prinsesa? Sino'ng prinsesa at saka ano ba talagang nangyayari? Nagsho-shooting ba sila ng historical drama? O baka naman isang itong prank?
Tumayo ang mga lalaki sa pagkakaluhod ng mga ito at saka humarap sa kaniya. Bakas ang determinasyon at pangamba ang mga mukha ng mga ito. "Mahal na prinsesa kailanga"--
Hindi na naituloy ng lalaki ang kaniyang sasabihin nang mula sa likuran nito ay bigla na lang may mga kamay ang bumutas sa dibdib nito pati na rin sa kasama nito. Napasinghap si Sania ng sumirit sa kaniya ang dugo ng dalawang lalaki. Napaatras si Sania nang parang isang trapo lang na itinapon sa gilid ang dalawang lalaki ng lalaking pumaslang sa mga ito.
Katulad ng mga lalaki ay nakasuot din ito ng damit na tanging sinusuot sa historical dramas ang kaibahan lang ay halatang luma ang suot nito at puno ng dugo. Nakatali ng ponytail ang buhok nito at natatakpan ang kaliwang bahagi ng mata ng lalaki. Kapansin pansin ang mahahaba nitong kuko na may bahid din ng dugo. Ang ilang parte ng mukha nito ay may bahid din ng dugo. Alam ni Sania na delikado ang kaniyang kalagayan kung hindi pa siya aalis sa lugar na 'yon ngunit hindi niya magalaw ang kaniyang mga binti. Pakiramdam niya ay nasemento siya sa kaniyang kinatatayuan.
"Nagkita tayong muli, mahal na prinsesa," nakangiseng saad ng lalaki sa kaniyang harapan dahilan upang makita niya ang pangil magkatapat nitong pangil. "Narito ako upang maningil!" saad nito saka isahang hakbang na lumapit sa kaniya at sinaksak gamit ang sarili nitong mga kamay.
"Wake up! Wake up!"
Napabalikwas ng bangon si Sania nang maramdaman ang malakas na pagtapik sa kaniyang pisngi. Habol ang kaniyang hininga habang kinakapa ang kaniyang dibdib kung saan siya sinaksak ng hindi kilalang lalaki. Nakahinga lang siya ng maluwag nang malaman na walan butas doon. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi habang inaalala ang napakasamang pangyayari na kaniyang napanaginipan.
"Are you fine now?"
Sania felt something warm touched her back and gently rubbed it. Nang mapatingin siya rito ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa napakaamong mukha ng lalaki na may pamilyar na kulay asul na mga mata na kasalukuyang nakatingin sa kaniya. Teka? Isang anghel ba ang nasa harapan ko ngayon?
"I ask if you are fine now?"
BINABASA MO ANG
His Mate
General Fiction"Since the beginning, I knew I wasn't sure but I felt like our fate was already decided."