CHAPTER 22

1 0 0
                                    

Liezel pov

Nag simula ng kumanta si Kale at para kaming dinapuan ng malamig na hangin dahil sa boses niya ngayon ko lang narinig kumanta si Kale napaka ganda pala ng boses niya, lalaking lalaki at malamig ito na medyo mababa, itinaas namin ang mga kamay namin at iwinagayway ito habang kumakanta siya.

Dumating na ang chorus at tumingin sa'kin si Kale habang kinakanta yung mga lyrics, dahan-dahan ko namang ibinaba ang mga kamay ko at napako ang tingi namin sa isat-isa.

You'll always be apart of me

I'm part of you indefinitely

Boy don't you know you can't escape me

Oh darlin' 'cause you'll always be my baby

And we'll linger on

Time can't erase a feelin' this strong

No way you're never gonna shake me

Oh darlin' 'cause you'll always be my baby.

Nakatingin lamang kami sa isat-isa hanggang sa matapos ang kanta, naramdaman kong may nangingilid na luha sa mga mata ko, umiwas ako ng tingin at bahagyang pinunasan ang mga luha sa gilid ng mata ko, natapos na ang kanta at nag palakpakan lahat.

"Oh! 100! Isang tagay para sa tagumpay!" Sigaw ni Jason saka namin itinaas ang mga wine glass namin at sabay- sabay na uminom, sinalinan niya din kami pag katapos.

Ilang minuto pa ang nakalipas at tumigil na sila sa pag vivideoke naubos narin namin ang isang bote kaya binuksan pa ni Jason ang isa pang bote saka sinalunan yung mga baso namin, kinuha naman ni Denise yung bote at ipinahiga ito sa gitna.

"Laro tayo!" Sigaw niya na umagaw sa atensyon ng lahat, tumingin kami sa kaniya, mukhang malalakas ang tolerance nitong mga 'to sa alak ah! At hindi pa lasing.

"Anong laro?" Tanong ni Jen.

"Truth or Dare," nakangising sabi ni Denise at umupo ulit.

"G!" Sigaw nilang lahat.

"G ka po ba Mr. Escarra?" Tanong ni Jason, tumingin kaming lahat kay Kale, tumingin muna siya sa'min na para bang wala siyang choice at hindi nag tagal ay tumango nalamang siya.

Sinimulang iikot ni Denise ang bote at tumapat naman ito kay Kale, biglang napapalakpak si Jason.

"Buwena mano! Mr. Escarra truth or dare?" Tanong ni Jason, napakamot naman si Kale at nap ailing pinigil ko naman ang tawa ko dahil bigla siyang tumingin sa'kin.

"Truth!" Sabi niya.

"Oh! Sinong gusto mag tanong?" Tanong ni Jason sabay tingin saming lahat, itinaas ni Denise yung kamay niya kaya tumango lamang si Kale.

"May napupusuan na ba kayo Mr. Escarra?" Tanong ni Denise, biglang tumahimik ang lahat, kumunot naman ang noo ni Kale.

"What do you mean napupusuna?" Tanong ni Kale.

"First love? Crushes like that," pag lilinaw ni Denise nawala naman ang kunot sa noo ni Kale.

"Sandali lang po Boss bago kayo sumagot nais ko lang sabihin if ever na ayaw niyong sagutin or gawin yung dare iinom kayo ah!" Singit ni Jason, tumingin kaming lahat sa kaniya at tumango sabay baling ulit ng tingin kay Kale.

"Actually... yes!" Sagot ni Kale, nakatingin lamang kami sa kaniya.

"Nasan siya ngayon?" Tanong naman ni Jen.

"Oh! Isa lang ang tanong bawat ikot," pigil naman ni Jason, inirapan lamang siya ni Jen saka inikot ulit ang bote, bigla naman itong tumapat sa'kin.

"Oyy! Liezel truth or dare?" Tanong sa'kin ni Jason, bumuntong hininga muna ako saka ngumiti.

"Truth!" Sigaw ko.

"Andaya niyo ah! Puro truth kayo ah! Oh sinong gustong mag tanong?" Tanong ni Jason, itataas sana ni Kale yung kamay niya kaso biglang nag salita si Jen.

"Ako!" Sigaw ni Jen, ngumiti lamang ako as a sign of relief mamaya kasi kung anong tanungin ni Kale eh!

"Kayo na ba ni Ben? Ah! Mali nililigawan kanaba ni Ben?" Tanong ni Jen, tumingin sa'kin silang lahat na para bang kinikilig habang si Kale naman at naka taas ang isang kilay.

"Ano ba kayo! Ilang beses ko bang sasabihin, friends lang kami ni Ben at hanggang do'n lang talaga," sagot ko, bigla namang nawala yung pag taas ng isang kilay ni Kale.

"Pero atleast siya ang first love mo!" Singit naman ni Denise, ngumiti lamang ako at ipinaikot ko na ang baso.

Nag patuloy lamang kami sa pag lalaro at hindi puro truth ang sinagot ng iba marami ding sumagot ng dare at marami ding uminom dahil sa mga dare's and questions na ayaw nilang sagutin, hindi namin napansin na lumalalim na pala ang gabi at marami na din sa'min ang lasing habang yung iba ay tumba na talaga.

Isa-isa ng inakay no'ng mga kaya pa yung iba naming kasama, yung mga kasama nalamang nila sa room ang sinamahan nila, habang isa-isa silang umaalis ay nililigpit ko na yung mga ininuman namin at tumabi ako kay Kale.

Pati si Kale ay bagsak din, bahagya ko siyang tinapik sa braso dahil naka tungo na siya sa lamesa kaming dalawa nalamang ang natitira dito sa baba.

"Kale," gising ko sa kaniya, ngumit hindi siya nag reresponse, iniaangat ko ang mukha niya at pulang pula na ito.

"Kale!" Tawag ko sa kaniya may kalakasan na ito kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya na para bang inaaninag niya kung sino ako.

"Liezel?" Tanong niya, ibinaling niya sa kaliwang direskyon ang ulo niya, binitawan ko naman yung pag kakahawak ko sa mukha niya.

"Yap! Let's go na, lasing kana," paanyaya ko, hinawakan ko ang kamay niya upang akayin siya pero hindi siya tumatayo.

"Wait!" Sambit niya, napalingon ako sa kaniya.

"What?" Tanong ko, hinawakan niya ang mukha ko at ngumiti, ngiting hindi na halos makita ang mata niya.

"Listen to me please," saad niya nag pout siya ngunit hindi niya parin binibitawan ang kamay niya.

"Kale, lasing kana much better kung bukas nalang tayo mag usap okay?" Mahinahon kong sabi, umiling siya at inalis yung pag kakahawak sa mukha ko.

"Ngayon na habang lasing pa'ko... baka kasi hindi ko masabi sa'yo to kapag nasa katinuan ako eh!" He said seriously, tumingin ako sa kaniya naka tungo lamang siya.

"Baka kasi maduwag nanaman ako... kagaya no'ng dati," dagdag niya, lumingon siya sa'kin.

"Sige! Ano bayon?" Tanong ko, tumingin ako sa kaniya.

"If ever na nanligaw ako sa'yo before no'ng nasa Quezon tayo sasagutin mo kaya ako?" Tanong niya, naka titig lamang kami sa isa't- isa.

"If ever na nasabi ko sa'yo yung nararamdaman ko before mamahalin mo kaya ako?" Dagdag niya, his tears started to fall as well as mine, agad kong pinahid ang luha ko, narinig ko namang bigla siyang bumuntong hininga.

"Siguro kong hindi ako umalis no'n at nag stay ako papayagan mo kaya akong pumasok sa buhay mo?" Sambit niya pa.

"Talaga bang minahal mo 'ko before?" Tanong ko, tumingin siya sa'kin.

"Isn't obvious? After kong umalis sa Quezon I tried to court other girls na kasing edad ko just to forget you cause I know na wala akong pag asa sa'yo but ultimately, I kept coming back to you and I don't know why." He said, kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang luha niya.

"Gumagabi na, we need to go lasing kana," sabi ko, my voice is shaking and my hands are trembling.

"Maybe I'm drunk but atleast nasabi ko sa'yo yung nararamdaman ko, I love you Liezel and I really mean it," sambit niya, pinunasan niya ang natitira niyang mga luha at pinilit na tumayo.

"You don't know how much I love you, Kale," saad ko, natigilan naman siya.

"Atleast ngayon alam ko na," saad niya, umupo ulit siya at hinila ako.

Sobrang lapit ng mga mukha namin, nakatingin lamang siya sa mga labi ko, pipikit na sana ako ngunit naramdaman kong may labing dumampi sa noo ko.

"Please! Help me remember this night," he wisphered, ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now