ERRORS AHEAD
-
-
This is the best birthday of my life. My parents returned home from a business trip specifically to celebrate my birthday. They have given me the most lovely gift!No, this day is the worst birthday I've ever had in my life.
Bakit ba nasa punto na naman ako ng mga pangyayaring hindi ko gustong maalala. Gusto ko nang makaalis sa magulong alaala na ito. Gusto ko nang makawala sa mga pangyayaring nagbibigay saakin ng matinding sakit at takot.
Mabilis ang mga pangyayari, namalayan ko nalang ay nananakit ang katawan at ang ulo ko.
Parang kanina lang ay abot tainga ang ngiti ko. Mukhang sa sobrang saya ko yata'y nagalit ang langit saakin.
"M-mommy— my h-head—" I tried to open my eyes but my world is literally turning.
I blinked a couple of times to clear my vision.
Pero nang makita ko ang kinahinatnan sa paligid ko'y nagsisisi ako na sana hindi ko nalang nakita o hindi nalang sana ako nagising pa.
Nagsipatakan ang mga luha ko kasabay ng pagyamukos ng puso ko.
Ang walang muwang kong katawan ay nanginginig sa sobrang takot at pagkabigla. Hindi mag-sink in sa utak ko ang mga nangyari, para akong nanonood ng Cinema sa isang kwarto at ang batang ako ang bida. Ang mga alaala ng aking pagkabata ang kwento ng storya.
Naliligo ng dugo sina mommy't daddy. Si daddy ay may mga bubog sakaniyang mukha habang si mommy ay med'yo nakabalinh saakin na tila ba ay gusto ako nitong abutin.
"Mommy.. D-daddy.." iyak ko habang hinahaplos ang mukha ni mommy.
Iyak ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng mga yabag papunta sa tumaob na kotse.
Sinisigaw ko ang pangalan nila habang bumubuhos ang malakas na ulan at ang kulog at kidlat ay tila nagngangalit sa kalangitan.
"Kiddo, come here.." boses ng lalaki ang narinig ko kahit nahihilo na ako.
Gusto kong takbuhin ang lalaking nasaaking harapan at humingi ng tulong sakaniya, ngunit nanonood lamang pala ako ng palabas, palabas ng aking nakaraan.
Hindi ko siya makita tanging ang walang sapin niyang mga paa. Gusto kong abutin ang kamay niya ngunit nanlalabo na ang aking mga mata, idagdag pa ang malakas na ulan at ang madilim na daan—
Napabalikwas ako galing sa pagkakatulog dahil sa pagsikip ng aking dibdib. Hinawakan ko ang aking pisnge at ramdam ko ang pamamasa ng aking mga mata dahil sa luha.Bakit ba dinadalaw na naman ako ng nakaraan? Hindi ba pweding magpahinga na ako mula sa trauma na naranasan ko ng ilang taon? Pwedi bang time out muna?
Napasapo ako saaking mukha at roon humagulgol. Narinig ko naman na bumukas ang pinto at ang mabilis na mga yabag papunta saakin.
"Another nightmare?" Malumanay na tanong niya habang yakap ako ng mahigpit sakaniyang bisig.
Hindi ako sumagot, sa halip ay humagulgol ako sakaniyang bisig habang pinapakalma ako ng kaniyang mga haplos saaking likod at buhok.
Hindi ko alam kung anong nangyari, kung dati'y napapakalma ako ng kaniyang mga haplos at pag-alo, ngunit ngayo'y tila isang palaso ito na tumutusok saaking dibdib.
Sa bawat haplos niya'y nagbibigay ng kirot saaking dibdib, hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako sa bawat magaan niyang haplos.
Kumawala ako sakaniya at pinunasan ang mga luha na tumulo saaking pisnge. Nakayuko akong tumalikod sakaniya, hindi ko kayang tingnan siya dahil naninikip ang aking puso kapag nakikita ko siya at nararamdaman.
"Baby.." Paos na tawag niya saakin ngunit hindi ako lumingon, sa halip ay tumigil lang ako mula saaking paglalakad. "M-may nagawa ba ako?"
"Wala." Maiksing sagot at akmang lalabas sa pintong muli siyang magsalita.
"M-masakit ba ang dibdib mo?" Tila naestatwa ako ng malaman niya ang nararamdaman ko.
Nanatili akong walang imik sa harap ng pinto habang ramdam ko naman ang presensya niya saaking likuran.
"Nalaman mo na ba na hindi ang mommy mo ang nagpapaalis ng mga espirito sa katawan ng tao?" Mabagal at malumanay niyang usal.
Kumunot ang noo ko sa nalaman. Anong ibig niyang sabihin?
"Baby, it's because of the Trypa. Kaya mong magpaalis ng kaluluwa sa katawan ng tao dahil sa epekto ng trypa. I gave it to you were young. Noong nagtagpo tayo sa panaginip." Hinawakan niya ang kamay ko mula sa likuran.
"Baby, you are mated to me. You are mated with a half breed demon. At ang Trypa ng mga lalaking demonyo ay ipinapasa sa mga napipili ng Trypa. Lalaking demonyo lang ang mayroong trypa." Pagpapatuloy niya.
Ibig sabihin, hindi si mommy ang nakakapagpa-alis ng demonyo kundi ang Trypa na nasa loob ko?
Tumingala ako sakaniya at sa hindi malamang dahilan, nang magtama ang paningin namin, bigla nalang nag-flash ang duguang katawan ni Lola saaking isipan.
Napa-iwas agad ako ng tingin sakaniya at umiling.
"Did you close our connections, baby?" He asked pertaining to our mind connection.
Umiling ako bilang tugon. Nanlalamig ako at bumabaliktad ang sikmura dahil sa alaalang iyon.
"I can't read your mind, baby." Mabilis akong napalingon sakaniya.
Kumunot ang noo ko dahil sakaniyang sinabi. Anong alam ko sa pagsasara ng connection sa isipan?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Jelal." Usal ko.
This time, siya naman ang kumunot ang noo.
"Did I missed something, baby? M-may nagawa ba ako, Maliah?" Marahan niya hinila ang siko ko upang makalapit sakaniya.
Kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
"Baby, hindi mo isasarado ang koneksyon kung—" humiwalay ako sakaniyang pagkakayakap at tiningala muli siya.
"What are you saying? Hindi ko nga alam kung paano isasarado 'yon!"
Umigting ang kaniyang panga at agad akong tinalikuran. Nang nasa bukana na siya ng pinto ng magsalita muli siya.
"Just rest. May kailangan lang akong puntahan." Malamig na tugon niya bago binuksan ang pinto at iwan akong naguguluhan.
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasíaDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...